One shot story (tagalog)

0 11
Avatar for Haaaaring
3 years ago
Topics: Tagalog, Story, Society, Reality, Journal, ...

Isa itong mainit at maaliwalas na hapon. Nandito ako ngayon sa aking paboritong espasyo sa baba ng isang malaking puno ng manga habang binabasa ang akingpaboritong libro ang 'diary ng panget'. Ang makinig sa mga huni ng ibon at isang maaliwalas na hangin, walang polusyon na hangin. Ito ang nararapat sa akin makapagrelax. Ito ang espasyo na matatawag kong paraiso.

Napangiti akong makita na ang sweet ng dalawang mga actor, sana magkaroon din ako nang ganun sturya na kahit ano pa ang itsura ko tatangapin nila ako. Ako ay nasa pinakagintang pahina na pala ng libro kaya napagisipan kong itigil na muna ang pagbabasa dahil masakit- sakit narin ang aking mga mata.

" masakit na ba ang iyong mga mata" tanong ng isang masculadong Tinig. Nung wala akong nakitang tao bigla nalang akong nanlamig sa pagaakalang nakarinig ako ng isang multo. Pero paano?! 

Tatakbo na sana ako nang bigla "ipapaalala ko lang sayo na hindi ako multo na nagtatry na makipagusap sayo at ang mga multo ay hindi totoo" mas nanlamig ako dahil baka nagjojoke lang pala ang multo. Nagjojke ba ang multo?! Muntik na akong mahimatay ng biglang may isang lalaki ang bumaba sa puno nang manga.

"Sino ka ba?!" Galit na tanong ko sa nilalang na nasa harap ko. Di ba niya alam muntik na akong maihi sa salawal ko?!

" parang ako nga dapat ang magtanong sayo niyan eh. Sino ka ba at ano ang ginagawa mo dito?" nakataas ang kilay na sabi niya habang ako pingamamasdan ang kabuoan niya at doon ko napansin na may dala pala siya notebook at lapis.

"Sorry ha kakalipat lang kasi namin diyan" turo ko sa bagong bahay na nilipatan namin. "Simula ng dumating kami rito nakaugalian ko ng tumambay dito"

"Wala akong paki" sabi niya "hindi ko gusto ang kahit sino na pumupunta punta dito sa aking tambayan. Ito ay pagaari ko at akin lang" arogante niyang dagdag na nagpataas nang aking galit

Syempre nagulat ako sa sinabi ni bakla. Like duh walang pangalan ang nakalagay dito noh

"Paano mo masasabing sayo ang lugar na ito? Abir?"

"Ito ang lugar kung nasaan ako palagi. Ito ang lugar kung saan ako umiidlip. Ang lugar kung saan ko ginawa ang aking mga ambition . ang lugar ng aking kabataan kaya kung maari huwag mong gugulugin ang lugar na ito" seryosong sabi niya. Hindi ko alam kung ano ang irereaksyon ko. Kung magsosorry ba ako o ipaglalaban ko ang aking karapatan na manatiling sa lugarna ito.

"Maari ka ng umalis" hindi ko alam pero biglang uminit ang ulo ko at ginawa pa talaga akong utusan sa ganda kong ito?!

"Sige tatangapin ko na isa itong lugar na ikinagisnan mo pero hindi naman ito tama na ipagdamot mo kaya nga sinabing pampubliko diba?!" galit na galit na sabi ko sakanya

"Sige pahihintulutan kitang manatili dito ngayong ayaw lang pero sa susunod na araw pasensya na"sinabi niya habang naglalakad palayo. napanganga ako sa sagot niya pero kahit ganyan siya pasensya nalang siya pero hindi niya ako mapipigilan sa aking papunta dito. Hindi ako matatalo nang isang katulad niya. Dahil sa inis sinipa sipa ko ang damo at nakita ko ang isang kapirasong papel na naglalaman ng isang leriko. Pinulot ko ito at napagispin na ibalik ito sa kanya pero naisip ko na sa sama ng ugali niya bakit pa ako pupunta sa kanya? Bakit ko pa siya hahabulin?

Yinupi ko ang kapiraso ng papel sa apat na bahagi at inilagay ko sa aking bulsa. at naka evil smile ako at umiwi na may ngiti sa aking mga labi finally my revenge.

Kinabukasan bumalik patin ako. Ngayon plano kung hindi siya pansinin. 

" ano ka ba ang tigas ng ulo mo!" Sigae niya pero ito ako dedma inibalikwas ko sa susunod na pahina ang aking binabasa kahit wala naman akong naintindihan.

Napansin kong dala pari niya ang notebook at ang kanyang lapis para siyang nerd, music nerd particularly. 

"Diba sinabi ko sayo na iwan mo na tong lugar nato?!" Inis na sabi niya pero ako ito nagtitiis na hindi sigawan ang bakla na ito. Dinedma ko parin siya.

Di kalaunan ay tumahik na ang lahat 'hay salamat naman' yan ang sabi ko sa aking sarili nang biglang may binato sa akin na kung ano, hindi naman masakit pero sapat na para itaas ang init ng ulo ko. 

Dahil sa galit bigla kong nilabas ang papel na nahulog niya kahapon at isang lighter at sinindihan ko ang lighter na naging dahilan ng paglaki nang kanyang mga mata. 

"Akin na yan. Ilang araw ako nagpuyat para riyan" sigaw niya

" sige. Pero sa isang kondisyon" sabi ko na nagpakunot ng noo niya

" payagan mo akong magstay dito kahit kailan ko gusto" maglalong kumunot ang noo niya 

"No!" Malakas na sigaw niya pero hindi ito ang makakatinag sa akin

Nilapit ko ang lighter na nagpinta nang takot sa kanyang mga mata "ayaw mo?" Tanong ko sa kanya malapit na malapit na mga isang inch nalang.

sa aking katangahan hindi ko napansin ang bato sa aking likuran kaya natumba ako. 'Pagkakataon ko na talaga yon para makapunta ako rito eh' bulong ko sa isip ko.

"Yung papel?!" Sigaw noong lalaki 'WOW JUST WOW MAS INUNA NIYA PA ANG PAPEL KAYSA SAKIN' bulalalas ko sa aking isipan.

Bigla ko nalang naalala ang papel na kani- kanina lang ay hawak hawak ko. Napangiti ako ng nakita ko ang lalaki na parang tangang patalon talon para kunin ang papel.

kung sinuswerte ka nga naman, mahal talaga ako ng kalikasan. patuloy ang ihip ng hangin kaya hindi niya pa nakukuha ang papel kaya tumayo na ako at ginawa ang kanyang ginawa tumalon talon ako.

Nakaayon talaga sa akin ang lahat, nakuha ko ang papel.

"Hindi mo ba talaga ako papayagan pumunta dito" Tanong ko

"Sige " sabi niya habang nakataas ang kilay 'Yes!' Sigaw ko sa aking isipan

"pero akin na muna yang papel" dagdag pa niya

"Ayoko nga. Wala akong tiwala sayo" sabi ko sakanya dahil hindi pa ako talaga ako naniniwala sa lahatng sinasabi niya. "Ganito nalang let's make a trade. Within 1 month ibigay ko tong papel at ikaw naman papayagan mo akong manatili rito"

"Sige!" Sabi niya "pero siguradohin mo yang sinasabi mo"

" I am true to my words" sagot ko sa kanya ay umupo sa ilalim ng puno ng manga at siya naman dala-dala ang kanyang notebook at papel umakyat siya sa itaas ng puno. 'Parang unggoy' natatawa kong wika pero syempre sa aking isipan lang 

Dumaan ang ilang minuto, oras , araw at linggo. Mas nakilala na naman ang isa't isa.

Hindi ko inaasahang maglalapit kami sa isa't isa. Mag-aalala ako paghindi siya dumating sa tambayan. Hindi ko namalayan na hindi ako kompurtable na wala siya sa tabi ko na nangaasar sa akin

Di ko inaasahang mahuhulog kami para sa isa't isa

Ngayon ang papel na pinagagawan namin. Ang kantang nakasulat sa papel na naging dahilan ng malalim naming pagmamahalan. Ito ngayon ang nagpapaiyak sa akin, ito ang amin weddig song.

Ako, nakasuot ng puti at magandang gown ay naglalakad sa aisle, umiiyak. Habang ang lalaking aking nakilala sa puno ng manga ay hindi matago ang luha sa kanyang mga mata na hinihintay ang aking pagdating.

1
$ 0.00
Avatar for Haaaaring
3 years ago
Topics: Tagalog, Story, Society, Reality, Journal, ...

Comments