Forever grateful , thankful and blessed
Hello po sa lahat. Kamusta kayo? Naway nasa mabuti kayong kalagayan. Ako pala si vangie, 26 years old. I'm married at may anak na akong isa. Gusto ko lang sanang ibahagi ang aking karanasan bilang isang first time mom at ibahagi ang kabutihan ng Diyos sa aming buhay.
May mga pangyayari talaga sa ating buhay na hindi natin minsan ma intindihan, mga karanasan na hindi mo inaasahang mangyayari.
March 21,2021, ito yung due date ko sa aking first ultrasound at laking tuwa ko nung nalaman ko na lalake ang magiging anak ko.
Natapos ang buwan ng marso, second week of April ay nag pa check up na naman ako at nagpa ultrasound ulit at ang due date na nakalagay doon ay April 21, 2021. So ayon, kampante lang ako and at the same time kinakabahan dahil sabi ng midwife sa akin dapat babalik ako after one week kasi 38 weeks na yong tiyan ko. Kung hindi pa daw ako mag Li-labor, they will induce me or else they will refer mo to hospital for cesarean section. Hindi ako bumalik dahil nga sa na takot ako.
Pagbalik ko ng bahay ay mas lumala yung takot ko na baka may mangyaring masama sa baby ko. Hindi ako makatulog ng maayos. Kinalma ko ang sarili ko habang hinihimas ang tiyan ko at nanalangin. I prayed to God, binalik ko sa kanya lahat ng kaba at takot ko, yung mga worries ko lahat lahat na.
Sabi naman ng mga relatives ko, normal naman na matagal mag labor Lalo na't panganay. And they compared it noong kapanahunan nila na wala pang check up at kung ano-ano pa. At dahil sa first time ko pa magka baby, hindi mawala sa akin yung pangangamba sa kung ano man ang mangyari sa amin ng baby ko.
May 1 and 2, hindi parin ako nag labor pero sumasakit yung balakang ko at nawawala naman so binalewala ko lang. May 3, may kung ano ang lumabas sa pwerta ko at laking tuwa ko dahil alam kong sign na yon na manganganak na ako. Pero hindi parin mawala-wala ang kaba ko.
Nung araw na yun agad akong nag ligpit ng gamit at pumunta agad kami ng asawa ko sa lying inn malapit lang sa amin. Ng makarating na kami ng asawa ko ay agad nila akong pinapunta sa delivery room for IE at nagulat yung midwife na nag check sa akin dahil dumi na ng bata ang lumabas sa pwerta ko. Lalo akong kinabahan dahil alam kong delikado ang sitwasyon ng baby ko.
After that, ni refer nila ako sa hospital (SPMC). That was my first time na maka sakay ng ambulance. While nasa loob kami ng asawa ko, ramdam ko din ang pag-aalala ng asawa ko. Lagi niyang tinatanong sa akin kung okay lang ba ako. That time, wala akong ibang ginawa kundi ang manalangin sa Diyos and I secretly whisper habang hinihimas ko ang tiyan ko " please mahal, lumaban ka lang, may awa ang Diyos."
Ng makarating na kami sa hospital, agad nila akong ininterview at dahil pandemic sobrang daming mga protocols. Pero salamat sa Diyos dahil wala akong ubo at sipon non'g panahon na yun. Hindi man lang kami nakapag-usap ng maayos ng asawa ko dahil pinapasok na nila ako sa loob.
Pagkatapos akong ma swab test they check the heartbeat of my baby, Pagkatapos nilang ma check kinausap agad ako ng nurse,
"ma'am, sobrang hina na ng heartbeat ni baby at kailangan na nating madaliin ito, you need to sign this for cesarean section."
I quickly signed it at dahil tumaas yung blood pressure ko, they put some medicine sa dextrose na nakalagay sa akin (by the way, first time ko ring ma lagyan ng dextrose kaya sobrang nakakapanibago din pala).
While nasa operating room na ako, hindi pa ako makapaniwala na mangyayari sa akin ang ganitong sitwasyon na sa movie ko lang nakikita. They inject the anesthesia sa parte ng likod ko at ang sakit at unti-unti namang namamanhid yung kalahati ng katawan ko.
Pagkatapos ng ilang minuto, rinig ko pa ang iyak ng baby ko. Agad nilang dinala sa ICU si baby dahil kailangan niyang malagyan ng oxygen dahil sa sobrang dami ng nakain niyang dumi Hindi niya kay ang huminga ng mag-isa.
Wala akong ibang ginawa kundi ang paninisi sa sarili ko, na kung hindi lang ako naging duwag at nag padala sa takot, hindi sana magkakaganun si baby. Sobrang sising sisi ako ng mga panahon na yon.
After the operation, dinala na nila ako sa ward at binisita naman agad ako ng asawa ko pero limit lang yung oras dahil nga sa pandemic, watchers must be outside of the hospital only. Makakapasok lamang sila kung oras na sa pagkain at paghahatid ng mga gamot at pag aasikaso ng mga bills. My husband told me that our baby was in a bad condition, he can't breathe properly dahil nga sa dumi na nakain niya at sabi ng doctor oobserbahan nila for 3 days si baby. Pinipigilan ko ang mga luha ko at tanging puso ko lamang ang umiiyak, ayoko kung ipakita sa asawa ko na umiiyak ako, kailangan kong magpakatatag dahil yun ang dapat kung gawin. Hindi namin sinisisi ang isa't-isa dahil nangyari na at hindi naman dapat. Hindi naman namin akalain na ganun ang mangayayari, tanging sa Diyos lamang kami kumukuha ng lakas ng loob.
After 6 days, lumabas ang swab test result ko at dahil negative yung result ay naka uwi agad ako pero naiwan ang baby ko dahil kailangan pa siyang gamutin. Nagpa iwan din yung asawa ko dahil kailangan.
Puro lungkot at iyak ang ginawa ko ng maka-uwi ako. Kahit nilalakasan ko ang loob ko hindi ko parin maiwasan ang maluha dahil sa takot na nararamdaman ko para sa baby ko. Puro 'what ifs' at 'sana' ang nasa isip ko. 2 weeks after ng maka uwi ako, umuwi yung asawa ko at dahil ang saya ko dahil puro good news yung naririnig ko mula sa kanya.
After 1 month and 5 days, naka labas din si baby, grabe si Lord, sobrang sakit ng lahat pero worth it naman yung result. The amazing part is, sobra ng 2 weeks si baby oo 2 weeks kaya ang daming dumi ng nakain niya at lumaban talaga siya sa loob ng tiyan ko. Over all, God is soooo good! hindi niya kami pinabayaan Lalo na si baby. He protect him habang nasa tiyan ko pa siya hanggang sa pag labas niya.
And after that amazing experience, sobrang pag papasalamat ko sa Diyos. He provide everything we need lalo na sa financial. He gave a second life to my baby. My baby won't survive without the help of the Lord. I'm very thankful to God sa pagbibigay niya ng kaalaman sa mga doctor na tumulong upang maka survive si baby. First time ko ang lahat and for all those first time I had, God never fail to protect me especially my baby.
Sa ngayon, isang taon na ang anak ko. Well and good, alive and active. Everyday I thank the Lord sa lahat-lahat lalo na sa anak ko.
Sa mga first time at sa mga babaeng gustong magka-anak na makakabasa neto, huwag kayong mag papadala sa takot, dapat laging isipin ang kalagayan ni baby. Regular check-up is a must. Dahil ayokong ma tulad kayo sa akin. Dahil kung magpapadala tayo sa takot, sa pag-aalala at magpapadala sa emotion, si baby ang kawawa. Sa pagbubuntis palang, dapat responsable at maalaga na kahit nasa tiyan pa lamang. Higit sa lahat, we should keep the FAITH h in the Lord because in him, nothing is impossible. Just keep on PRAYING and BELIEVING in him.
To all mother's out there, you are STRONG! Normal delivery or not, breastfeed or formula, it doesn't matter. All matters is the love and care we gave for our babies ( they really need it ). And always remember, we mothers are special, nothing can beats the love of a mother.
And to all parents, thank you for loving your children. Your duty as parents are not easy and I salute you all. <3
To all children, please take good care and love your parents too, they work hard as they can to provide your daily needs. They may get angry sometimes or you may not understand their ways but one thing I know, they do what's best and better for their children.
Yun lamang po, naway magbibigay ito ng inspirasyon sa lahat and thank you for reading my life experience . May God bless us all!
Lead image : credit to unsplash