Fast talk challenge .

0 16
Avatar for Gvan19
Written by
1 year ago

Magandang araw sa lahat! Kamusta kayo? Sa awa ng Diyos okay lang ako, Sana kayo din. :)

Dahil sa sobrang tahimik ng paligid ko at wala din naman akong magawa, naisipan kong sumagot ng fast talk challenge. Sa mga nababasa kong articles may pa ganito sila kaya why not? Mukhang masaya naman gawin hehe.

Nag search ako sa Google at ito yung napili kong sagutin.

ANONG MAS MAHIRAP...?

WALANG TULOG | WALANG KAIN

BOTH! kasi tulad kong may inaalagaan na anak, sobrang hirap pag walang tulog at pag walang laman ang tiyan. Kapag kasi wala kang tulog at walang kain, hindi mo magagawa ang mga dapat mong gawin dahil sa antok at gutom. Tulad ng mga gawaing bahay at pag-aalaga ng bata, sobrang kailangan ng aktibong pangangatawan yon. Pero bilang nanay kahit ano pa man yan, kakayanin at kakayanin ang lahat para sa pamilya. :)

IWAN ANG MAHAL MO | IWAN NG MAHAL MO

Para sa akin, mas mahirap yung iwan ng mahal mo. Lalo na't ang dami nyo ng nabuong memories, ang daming mga planong nabuo tapos mapupunta lang sa sakit ang lahat Lalo na't sobrang nag invest ka ng time and effort sa kanya. Masakit yon at madami ng relasyon ang nauwi sa ganyan.

MAWALAN NG INTERNET | MAWALAN NG PHONE

mas ma sakit yung mawalan ng phone. Okay lang yung internet eh, babalik at babalik din yan, pero yung phone hindi mo na alam kung ibabalik pa ba sayo o hindi na. Lalo na't may naka save kang mga important files at contacts.

MAGPAPAYAT | MAGPATABA

Ano pa nga ba, mas mahirap ang magpapayat haha. Yung nagpaplano ka ng mag diet pero every time na sobrang stress ka lalo na sa pag-aalaga sa bata at sa gawaing bahay, ang sarap kumain haha sobra.

PAGIGING EMPLEYADO |PAGIGING ESTUDYANTE

Mas mahirap yung estudyante. Ang daming kasing ginagawa pag estudyante ka. Assignments, activities at idagdag mo pa ang mga gastusin at minsan wala ka pang tulog kakagawa ng mga paperworks. Di tulad ng pagiging empleyado, mahirap naman pero wala ka ng ibang iniisip kundi ang matulog at kumain nalang pagdating ng bahay.

___

DONE! :)

Mag-ingat po tayong lahat. Bye! <3

Lead image : credit to Unsplash

1
$ 0.00
Avatar for Gvan19
Written by
1 year ago

Comments