read.cash Log in
@Grecy095 edited more from that month

Naalala Ko Siya... Naghahanap talaga ako NG isang kwento na pwede Kong isulat dito na natatangi sa puso ko. Maroon na akong apat na kwento, pero ito muna ang uunahin ko. Noong sabado kasi nag linis kami NG bahay. Hiniwalay namin ang mga gamit na importante, hindi na ginagamit at sa mga basura na lamang. Nakita ko ang aking diary nun ako'y nasa kolehiyo pa. May naka ipit dito na mga papel, mga test paper ko pala yun. Pero hindi, meron pang Iba at meron naiiba sa mga naka ipit. May nakita akong slumnote, na mukang iniingatan ko talaga dahil may tape pa sa bawat bahagi NG papel. May isang class picture at isang ginupit na picture NG isang estudyante. Tawa ako NG malakas at sinambit ang pangalan niya "hala, si tooooot to, bat nandito to" at bumalik ang mga alala. Isang Di malilimutang istorya sa kolehiyo Bumalik sa isip ko ang lahat NG nangyari nun nasa kolehiyo ako! Hindi, joke lang, Di naman lahat, pero dito sa natatanging tao na ito nun nasa kolehiyo ako, naalala ko at napapakamot na lang ako sa katanga han ko, at pwede na rin, sa kalandian ko. Nun nasa kolehiyo ako, sanay na ko na may nakikita NG cute sa paligid ligid. Yun unibersidad ko kasi, madami talagang pogi at magaganda na mga estudyante. Sila yun tipong isinilang para pakabahin ka at bigyan ka NG inspirasyon. Isinilang na may maamong mukha na Di mo na kailangan pag salitain, okay na sila sayo. Ako naman, ay nabibilang lamang sa mga, isinilang lang. Awit!! Unang pagkikita Maka unang pagkikita naman ako, ang totoo nyan, dapat nun una ko siyang makita... Sa buong first year to 3rd year, wala talagang nagpakilig sakin. Puro aral lang ako at choir. Pero dumating siya nun 4th year na ko sa kolehiyo. Isang hapon, habang naka tambay kami NG kaklase ko sa Science Building, napasilip ako sa bintana para tanawin lang ang mga kapwa ko estudyante. May nakita along isang lalaki NG estudyante na may hawak na bulaklak. Wag tayong umasa na para sakin yun kasi Di naman nya ko kilala, pero sa aking pakiramdam ibibigay nya yun sa natatanging babae na kilala nya. Nakatingin lang ako sa kanya. Masaya kasi yun muka nya na parang excited na kinakabahan kaya natutuwa ako. Yun pala mas magiging malalim pa sa tuwa ang mararamdaman ko. Dumaan ang araw, minsan nakikita ko siya, minsan hindi. Nagkakasalubong kami madalas kasi sa pag obserba ko,ay mga klase kami na sa isang building lamang. Pag nakikita ko siya na papa "oy si ano" na lang ako sa isip ko. Di ko naman siya kasi kilala at wala pa akong interes malaman ang pangalan nya. Hanggang sa nadadalas na yun makita ko siya. Alam mo yun, pag madalas mo nang makita parang nagiging interesado ka na, o sadyang malandi lang talaga ako. Minsan nga inaabangan ko na siya at nakikita ko naman. Hanggang sa dumating yun panahon na, gumigising ako dahil Alam ko makikita ko siya at mabubuo ang araw ko. Para San ka bumabangon? Ayan, ayan talaga nag tamang tanong, kasi sya talaga ang naging dahilan NG pag bangon ko NG masaya. At Di ko na pansin, naging parte na siya NG diary ko!! Ang landi!! Hinahangaan ko na siya Ayan, lumelevel up po ang landi ko at dineklara ko po NG September NG taon na Di ko na maalala na si pogi at hinilera ko na sa mga lalaki na gusto ko. Binigyan ko na din sya NG lugar sa puso, free board and lodging, with free breakfast, ay English pala to.. Isang araw, habang nasa Choirloft kami NG mga choirmates ko, papano ba ang choirmates sa tagalog, kaklase sa kantahan? Basta ayun, bigla ko siya nakita sa isang parke sa harap NG Choirloft. Hindi ko sasabihin na ang tawag namin dun ay "Freedom Park" kasi baka malaman nyo na taga FEU ako. Nandun siya!! Sabi sa aking diary, tatlong linggo na lumipas na Di ko sya nakikikita at bigla siyang nagpakita sa parke na yun. Tumili talaga ako sa tuwa nung nakita ko siya. Kasama nya ang kanyang magigiliw na kaklase. Nun Tumili ako, nag kainteres tuloy ang kaklase ko sa kantahan malaman ang dahilan. Sinabi ko lang na yun crush ko (sabay singit NG buhok sa tenga) ayern sya!! Opo, pa bebe na po ako nun eh. Natuwa sya at sinabi "gusto mo kunan ko siya NG picture" sagot ko naman, "ey nekekeheye nemen, tanong mo na din yun pangalan". Nawala na siya agad sa tabi ko. Sya kasi yun kaklase ko sa kantahan na Laging may dalang kamera sa iskwela. Dami ko ngang picture dun, nasan na kaya yun? Ang kanyang larawan, ang kanyang Pangalan.. Nakita ko lang na kausap na nya si crush at naka ngiti naman si crush. Kinuhaan nya ito NG larawan at wala syang alinlangan, sanay?

Pagpasensyahan nyo na po at Malabo, sinadya ko po talaga kasi nahihiya ako, kahit hindi halata. Malaki ang larawan na yan pero ginupit ko ang nasa paligid nya kasi gusto sya lang ang makita, ang landi ko talaga. Nalaman ko din ang pangalan nya. Buong pangalan niya. Yun lang, hindi ko na rin po ilalagay dito para sa proteksiyon NG taong ito. Agad akong binigyan NG kopya NG larawan nya at Kung Alam nyo lang, syempre hindi, pero sasabihin ko na, ilang beses akong nag pa develop NG larawan na ito kasi baka mawala ko, mabuti NG madaming kopya. Simula nun araw na yun, at mga sumusunod na araw, at dumaan ang araw hanggang sa nag karoon NG sembreak, siya at siya lang ang nasa isip ko. Ramdam ko na umiibig talaga ako sa kanya. Naaapektuhan ako pag Di ko sya nakikita. Madali akong lumungkot. Kapag nakita ko naman siya minsan, minsan ilang beses, minsan isa lang, pero masaya na ko. Napapasa ko nga yun test namin sa Physics at Biology, eh dati nangongopya lang ako sa klase na yun. Natuto rin akong mag ayos, malay mo dumampi ang mata nya sakin, dapat maganda ako!! Kaso pag maganda ko, Di ko sya nakikita. Pero pag gulo gulo ang buhok ko at muka akong walang kain NG isang lingo, ay, sabi ko sa inyo, nasa tapat ko lang siya, kainis diba? Dumating si Bespren Nagkaroon ako NG matalik na kaibigan, kaklase ko siya sa kantahan. Ang pangalan nya ay, wag na lang, basta siya si Bespren na babae. Naikwento ko kasi sa kanya si crush. Tawang tawa at kinikilig din sya sa kwento ko. Nakaupo kami noon sa parke at tamang tama, dumaan si crush!! Anong tagalog ba NG salita G "crush"?. SI Bespren pala ay malakas ang loob at sinabi nya sakin na kikilalanin nya si crush para saakin. Nangyari nga iyon. Nalaman nya ang impormasyon tungkol sa aking crush, pangalan, anong taon na sa kolehiyo, anong kinukuhang kurso at marami pang kwento. Naging mag kaibigan pa nga sila at ayun sila na yun mag kaibigan. Sana all. Ako taga kinig na lang NG kwento nya. Binigyan nya pa nga ako NG surpresa, gumawa siya NG slumnote at sina got naman ni crush eto at binigay nya sakin.

Nang mga panahon na ito, eto na talaga ang nagpapasaya sakin pag Di ko sya nakikita. Nilagyan pa ni crush NG picture ang slumnote na yan. Wala siyang Alam na nung araw na kinunan siya NG larawan ay saakin na punta. Naging madali rin ang pag kuha ng class picture nya dahil kay Bespren.

Malabo po ulet kasi baka mademanda po tayo pag lumitaw ang mga muka nila dito. Andyan po siya. Di ko po sasabihin na siya yun nasa likod NG naka asul na guro nila. Unti-unti ko siyang nakilala Dumating sa panahon na nalaman na din nya ang tungkol sa akin pero hindi nya Alam Kung sino ako. Minsan Nagkakasalubong kaming tatlo, kasama ko ang Bespren ko madalas, pero wala siyang Alam na ako ang kasama. Yumuyuko lang ako pag nag usap sila o kaya lumalayo NG bahagya. Natutuwa lang ako na naririnig ko ang boses nya. Wala kasi akong lakas NG loob na magpakilala at kahit gusto ko sya, may pakiramdam ako na Di naman nya ako magugustuhan. Diba nga may mga pinanganak na maganda, ako ay pinanganak lamang. Ngunit dumating din sa panahon na nabunyag ang aking pagkatao. Naka ramdam ako NG Di nya inaasahan na yun madalas nyang makita na kasama NG Bespren ko ay ako, inaasahan nya ata ay kasing ganda NG Bespren ko. Madaming Nangyari Oo madaming nangyari. Di ko Alam Kung naging mag kaibigan ba kami, basta ang natatandaan ko lang, pag malapit siya Di ko siya tinitignan, sa malayo ko na lang siya tinatanaw. Di ko Alam Kung nahihiya lang ba siya, kasi mabait naman siya, o sadyang ayaw nya lang sakin. Sila na ni Bespren ang naging mag kaibigan at ako, parang aparisyon na lamang. Grumadweyt ako at nag simulang mag trabaho pero bumabalik ako sa aming unibersidad pag graduation, kasi kumakanta pa din kami kahit wala na kami sa eskwela. Nakakaalam pa din ako NG kwento tungkol sa kanya at nalulungkot lang ako dahil Di ko na siya madalas makita. Nagkaroon naman kami NG panahon na mag usap kami sa telepono pero Di ko inaasahan na yun na pala ang magiging huli. Dumating sa panahon na pinili ko na lang mabuhay na hindi sya naaalala kasi Di ko na siya nakikita. Hanggang sa alaala na lang talaga siya. Naalala ko ang mga pang iistalk ko sa kanya, mga katangahan, mga pag takbo para ma habol siya, ang mga araw na nadidisgrasya ako, nadudulas, nadadapa, natitisod kasi kailangan ko siyang habulin para may ma isulat NG bago sa diary ko. Alam ko lahat naman tayo dumaan sa ganito. Akala ko nga Di na darating sa panahon na may mangyayari na ganito sa buhay ko. Naging bahagi sa NG pag sisikap ko. Wala kaya akong absent sa eskwela nun. Kahit masama pakiramdam ko, pumapasok ako, kasi gagaling naman ako pag nakita ko siya Kahit naging tanga ako, masaya ako. Sadyang Di na hinayaan ng Diyos na ma punta pa sa sobrang katangahan, tamang katangahan lang daw. Di ako nag sisisi sa mga ginawa ko. Para sakin, binigyan ako NG pagkakataon na maramdaman na umiibig ako kahit ako lang ang nagmamahal. Ngayon, may sarili na siyang pamilya. Nakita ko siya sa Facebook. Natatawa na lang ako. Alam nyo yun kanta na "I Remember the Boy" ni Joey Albert, ganun ang na lang ang nararamdaman ko. I remember the boy, but I don't remember the feeling anymore. Salamat na din ako na nakalagpas ako sa nararamdaman ko sa kanya noon. Kasi naman, iniyakan ko din siya at kinainisan pero naka alpas din ako. Naging maingat ako sa pag dating sa desisyun pagdating sa pag ibig. At dahil doon, lagi lang akong third wheel. Nawalan man akong kumpyansa sa sarili, mas pinili ko na, na wag nang pasakitin ang ulo ko, you know migraine? Masaya naman ako! Masaya ako sa buhay ko. Okay ako. Isa lang ito sa mga Di ko malilimutang istorya NG aking buhay na nag bigay sakin NG leksyon at nag pa tatag sa aking pagkatao.

Maraming salamat sa pagbasa. Salamat sa aking kamay na kahit masakit na ay natapos ko pa rin ang istorya na ito. Matagal ko nang gusto isulat ito at nagawa ko ngayon, sana napasaya ko kayo at maging inspirasyon ito para isulat nyo rin ang inyong kwento na katulad nito.

12 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.