Ano ba ibig sabihin ng m.u? Marami kasing pwedeng maging kahulugan neto e. Pwede Mukhang Unggoy, Malanding ugnayan, miss understanding and so on....
Pero have you tried it? In relationship m.u means mutual understanding. Meaning parehas kayo ng nararamdaman sa isa't-isa, NGUNIT walang kasiguraduhan kung ano ba talagang meron sa inyo.
Oo masaya ang magkaroon ng ka m.u lalo na kapag yung tao na iyon ay ang crush mo. O'diba bongga, haba ng hair mo. HAHA . Araw-araw inspired kang kumilos, blooming ka parati. Masaya ka at feeling secured.
Pero mawawala lahat ng saya mo kapag nalaman mong nagka-jowa na siya. Yung tipong gusto mong sugurin at tanongin kung bakit pero hindi mo magawa kasi wala namang kayo? Hindi ka pala pwedeng magalit o magselos man lang kasi hindi naman naging kayo.
So kung ako sayo huwag kang masiyadong magtiwala lalo na kung walang label. Ikaw at ikaw din lang ang masasaktan sa huli lalo na kung totoo mo siyang mahal.
I appreciate this post ❤