Feeling Kulang

1 45
Avatar for Grace07
2 years ago
Topics: Truth

Naramdaman mo na ba yong feeling na parang may kulang sayo? Yong kahit pakiramdam mo ay ginawa mo na ang lahat, binigay mo na ang lahat pero kulang parin. Yong nasayo na lahat pero hindi parin pala sapat.

Akala natin kapag nagkaroon tayo ng masaganang buhay, kapag marami na tayong pera ay mapupunan na itong missing piece sa buhay natin. O kaya naman, kapag nahanap mo na ung the one or the better half o ung love of your life (o kung ano mang tawag natin dyan) ay magiging buo at kompleto na tayo. O kaya, kapag naabot na natin ang rurok ng tagumpay magiging masaya na ang buhay natin. O di naman kaya ay kapag naabot na natin ung pangarap at dream career natin ay magiging fulfilled and satisfied na tayo sa buhay.

But sad to say, na lahat ng bagay na nabanngit ko sa itaas ay walang kakayanang punan yong kakulangan na meron tayo. Kasi kung totoong love life ang makakabuo sa buhay natin, e bakit may mga relationship at marriage na nasisira? Kung success ang makapagbibigay ng saya sa atin, bakit maraming succesful at kilalang tao ang nagpapakamatay? Kung pera at kasaganaan ang makakapuno sa atin, bakit maraming mayayaman ang nagiging miserable ang buhay?

"There is a God-shaped vacuum in the heart of each man which cannot be satisfied by any created thing but only by God. - Blaise Pascal

It is really true that not money, success, nor a person can ever satisfy and fill that void in our hearts. Because only God can make us complete, satisfied and fulfilled in this life, for apart from Him there is no life at all. Money, success and relationships are good, we need those things for us to live in this world, but those things will never ever complete us. It may be our goal, but must not be our ULTIMATE goal.

For what will it profit a man if he gains the whole world and forfeits his soul? Or what shall a man give in return for his soul? - Matthew 16:26

Mahalaga ang lahat ng bagay na nabanggit ko sa itaas, pero may mas mahalaga pa kaysa sa mga bagay na ito, at yun ay ang kaligtasan ng ating kaluluwa.

2 things that are true about the missing piece in our lives:

  • The missing piece cannot be found in this world

    Madalas, may mga taong naabot at nakuha na nila lahat ng kayang ioffer ng mundo (fame, success, money, lovelife) pero mararamdaman parin nila yong emptiness sa kanilang mga puso.

    I remember King Solomon in the Bible, si King Solomon ay anak ni David. Kilala siya bilang pinakamatalino, pinakamayamang tao at pinakamakapangyarihang hari na mabuhay sa mundo. Kung titignan natin ang buhay nya sa bible, masasabi nating 'nasa kanya na ang lahat.' Lahat ng gusto niya, nakukuha niya.

    Pero isa sa book na sinulat niya sa bible ay Ecclesiastes, na kung saan ay sinabi niya ang mga katagang "meaningless, meaningless, all is meaningless." After niyang maranasan lahat ng magagandang bagay sa mundong ito, ang conclusion niya, lahat ng bagay ay walang kabuluhan kung hindi mo makikilala ang Diyos.

    I have seen all the things that are done under the sun; all of them are meaningless, a chasing after the wind. - Ecclesiastes 1:14

  • The missing piece can only be found in GOD

    The missing piece in our lives is God. Everything we have and do has no meaning apart from knowing the One who created us - and that is God.

    Now all has been heard;
        here is the conclusion of the matter:
    Fear God and keep his commandments,
        for this is the duty of all mankind. - Ecclesiastes 12:13

    Tanging ang Diyos lang ang sagot sa lahat ng kakulangan na nararamdaman natin. Kaya kung gusto mong maging buo at kompleto ang buhay mo, lapit tayo sa Diyos. Hindi madamot at hindi maiksi ang kamay Niya para abutin tayo. Kaya Niyang punuin at buohin ang buhay nating durog durog at wasak wasak. Apart from Him, we are all nothing.. Pero kapag lumapit tayo sa Kanya, magkakaroon ng meaning at purpose ang buhay natin. May totoong joy at peace sa Panginoon.

Sponsors of Grace07
empty
empty
empty

5
$ 0.01
$ 0.01 from @Physio
Avatar for Grace07
2 years ago
Topics: Truth

Comments

This image and article amazing

https://read.cash/@RONAKVALIA

$ 0.00
2 years ago