Malapit na mamulaklak tong cactus ni mama. Ganda pagmasdan, pero siguradong mas maganda to kapag bumuka na. Sabi nila masarap daw igulay ang bulaklak ng cactus, di ko pa natikman at parang hindi ko kayang kainin. Hehe
@Grace07 in May 2022
Isang maganda at maaliwalas na umaga sa bawat isa! Madami nanamang prutas sa likod bahay, ito ang kagandahan sa probinsya. Marunong ka lang magtanim ng ibat ibang puno sa bakuran, hindi mo na kailangang bumili ng pagkamahal mahal na mga prutas sa palengke. Pagkagising mo, pwede ka na agad pumitas nang walang bayad. Tunay nga na kapag may itinanim laging may aanihin! Salamat sa Diyos na Siyang nagpapatubo at nagpapabunga ng mga puno.
Maaga ako nagdinner dahil maaga nakapag out from work, kaya naman bigla akong ngcrave sa lugaw. Kahit tinatamad na sana akong lumabas, ayon lumabas parin para mapagbigyan ang cravings ko. Mamaya ko pa dapat to kakainin pag ginutom na ako. Kaso hindi na masarap pag hindi mainit kaya kinain ko nalang din. Sana hindi ako gutumin mamaya. Magkakape nalang siguro ako pag ginutom. Haha. Parang ang dami ko tuloy kinain ngayon. Kumain na nga ng kanin, naglugaw pa. Haha
Breakfast! Itlog na maalat at kamatis muna almusal ko dahil nakakatamad magluto. Mag isa lang din naman ako kaya di na masyadong problema kung anong uulamin, kahit ano pwede na. Ang tagal ko ding sinanay ang sarili ko na hindi kumain ng kanin pag umaga, pero nong nagsolo ako, ibinalik ko ung dati kong nakasanayan, di pwedeng hindi mag almusal, kahit malate na ako basta makakain ako bago pumasok. Dati, hindi kami pwedeng pumasok sa school ng hindi nag aalmusal dahil tiyak…
Binigay to kanina sa office. Kuha lang ng kuha sa mga binibigay ng mga kandidato, di naman ibig sabihin na tinanggap mo ay iboboto mo na sila. Sayang din naman kung hindi ko gagamitin. Sa election, choose wisely pa rin. Piliin ang nararapat hindi lang basta sikat at matunog ang pangalan. Magresearch, huwag puro fakenews ang pinaniniwalaan.
Late dinner po noisemates! Tokwa't baboy at sinabayan ko na din ng knorr soup. Nakakatamad magluto kaya bumili nalang ako sa labas. Sa panahon ngayon parang mas nakakatimid na din ako pag bumibili sa labas kaysa magluto. Bukod sa mahal ang gasol, di ko na kailangang mag isip ng pwedeng ulamin tuwing mamamalengke.. Marami namang pagpipilian na lutong ulam sa labas kaya okay ba okay na ang ganto.
Gusto ko sanang magkape ngayon kasabay ng hapunan ko, lalo nat calamares at kamatis lang ulam ko. Kaso naisip ko, baka hirap nanaman akong makatulog mamaya kaya gatas nalang pala muna. Saka na ko magkakape pag pwede nang magpuyat ulit. Hirap kasing mapuyat lalo na pag may pasok kinabukasan. Ang pangit sa pakiramdam kapag nagtatrabaho ka tapos hirap kang pigilan ang antok.
Bangus for dinner. Bangus steak ata tawag sa ganyang luto. Sakto din at marami siyang sibuyas. Gusto ko talaga ulamin ang sibuyas e, maski hilaw pa yan. Nakakasawa na din kasi puro karne kaya pag may hindi karne sa menu yun nalang pinipili kong orderin. Kaya mas masaya pag nasa bahay laging may gulay at isda.
Enjoyed watching "Anda Got Talent". Kahit hindi ako nakauwi, nakapanood parin dahil may pa live sila. Nakakatuwa makita ang mga kababayan mo na nagpapamalas ng kanya kanya nilang mga talento. Nakaka proud, sadyang talentado talaga ang mga pinoy. Isa sa dapat natin ikarangal at ikaproud bilang mga Pilipino.
Good morning. Tinatamad pa sana akong gumising pero kelangan dahil babyahe pa ako pauwi samin, mga 4hours na byahe pa. Kape at curly spaghetti nalang muna agahan ko (medyo hindi lang maganda pagkakaluto ko sa noodles nya, naovercook) , sa bus nalang ako kakain pag ginutom ulit, madami namang mapagbibilhan sa labas. Keep safe po sa bawat isa! May God's favor and protection be upon us.
Sana matapos na agad ang election. Nakakalungkot at nakababahala na kasi mga nangyayari dahil sa election na paparating. Madami nang relasyon, pagkakaibigan at pamilya ang nasira dahil sa pagkakaiba iba ng presidential bet. Nong nakaraan may nagtakwil ng ina, ngayon naman may nagpakamatay dahil sa pambubully dahil lang sa magkaiba sila ng sinusuportahan. Sana naman mangibabaw parin ang respeto at pagmamahalan ng bawat isa, huwag gawing dahilan ang politika para masira ang…
Sarap nito! Ito talaga paborito kong kainin pag bumabyahe. Sulit na sulit ang 20 pesos. Masarap talaga ang street foods, huwag lang araw arawin dahil nakasasama sa kalusugan. Masarap kumain ng kung ano ano pero kelangang paring ingatan ang kalusugan, dahil hindi lahat ng masarap ay nakabubuti lalo na kung sobra. Dahil lahat ng sobra ay bawal, ika nga nila.
Halo halo sa mainit na hapon! Dalawang magkaibang halo halo yan. Yong isa kagabi, pagkadating ko sa bahay galing naligo sa falls may tinirabg ganyan sila mama. Kaya kahit busog ako pinilit kong kainin, sayang naman. Yong isa naman ay ngayon, kinain ko pagkatapos bumoto. Grabe, mahigit 3 hours akong pumila para lang makaboto. Kaya deserve kong kumain ng malamig para maibsan ang init.
Good Evening Noisemates! Ilang araw din akong walang paramdam. Pahinga muna. Kain po tayong ice cream, pampalamig sa mainit na panahon. Favorite ko na din talaga tong aice ice cream!
Buffalo wings for dinner! Hindi ko favorite ang chicken pero sa twing may buffalo wings, yan talaga binibili ko. Naku, derechong chicken na inuulam ko mula kahapon, nong lunch adobong chicken, dinner pritong chicken, tapos kaninang lunch tinola naman, tas ngayon buffalo wings. Sana hindi ako magka chicken skin nito. Dati kasi nagkakachicken skin ako pag laging chicken ang ulam.
Good morning! Kain po tayong almusal. Almusal ang panakaimportanteng meal na hindi dapat natin mapalampas. Mahalaga ito para may lakas sa buong araw.
Yong antok ka na, pero hindi ka pa pwedeng matulog kasi nghihintay pa sayo ung hugasin at labahan mo. Pero nakakatamad pang bumangon sa pagkakahiga. Hila hilata lang muna at kain ng chocolate. Sakto, may nagbigay nito. Tagal ko na din hindi nakakain nito e
Good morning! Kaygandang simulan ng umaga sa pagbabasa at pagbubulay bulay ng Salita ng Panginoon. Truly, His words are powerful and it brings life to anyone who reads it. Sarap lumakad sa buhay na guided ng Salita ng Diyos. Sabi nga sa Psalms, na ang word ng Lord ay lamp unto our feet and light unto our path.
Early dinner kanoise! Busog pa ko pero kumain na ako dahil may pupuntahan pa ako. Meatballs lang ulam ko, tatlong piraso. Hehe Tatlo lang kasi isang serving e.
Nuod muna ng live ng grand finals ng "anda got talent". Habang di pa inaantok. Sarap magpuyat pag ganitong friday dahil walang pasok kinabukasan.
Naku po! Ang hirap talagang maningil ng pautang. Ung laging nangangako pero laging napapako. Mahirap talagang singilin ang taong ayaw magbayad, o walang pambayad. Di nauubusan ng dahilan. Sabi nong kaibigan ko huwag ko na daw asahang magbabayad pa un, bigay ko nalang daw. Naku po, hirap kitain ng pera tas ipapamigay ko nalang. Saklap naman nong, pinahiram mo pero nong ikaw na ang nangailangan e nganga. Sana hindi nalang siya nangako na ibibigay nya para di ako umasa. Ako…
Minsan, napakarami nating tanong sa buhay. Hindi natin maintindihan ang mga nangyayari, bakit pinahihintulutan ng Diyos na mangyari ang mga bagay bagay. Ngunit isa lang ang sigurado. Hindi man natin maunawaan ang mga bagay bagay, mas piliin paring maniwala at manampalataya sa Diyos dahil alam Niya ang ginagawa Niya at ito'y para sa ating ikabubuti.
Glad to receive this advance birthday gift from one of my mentee. Grabe, nakakataba lang ng puso. Hindi ko iniexpect na makakatanggap ako ng gift na galing sa kanya, kaya sobrang grateful ako. Tapos ung binigay pa niya ay ung mga bagay na talagang gusto ko.
Ready na sila for mangoe graham ice cream! Namiss kong gumawa ng ice cream, ngayon nalang ulit, para sa handa ko sa advance birthday celebration. Avocado ang masarap gawing ice cream kaso di pa ata panahon kaya mangga nalang muna
Namiss ko kumain ng ganito. Kanina ko lang kasi ulit nakita ung nagbebenta ng ganyan. Bihira na sila tumambay sa gilid ng kalsada na malapit sa inuuwian ko. Hirap pa kong pumili kanina kung ano ang bibilhin ko. Gusto ko sanang bumili ng iba iba kaso baka di ko maubos, nakalagay na kasi sila sa baso na tig20.
Birthday ko na bukas at sobrang natutuwa ako na may nag abot sakin ng advance gifts. Last week may gift, kahapon naman may nag abot sakin sa church ng sobre at syempre may lamang cash, pati ate ko nag chat na rin at kinukuha ang bank details ko dahil papadalhan daw ako. Sobrang grateful ako na naalala nila birthday ko, okay lang naman na walang gifts, ung surrounded lang ako ng mga taong mahal ko at nagmamahal sakin ay sobrang sapat na. Maliban sa salvation ko, sila ang isa…
Good morning! Egg for breakfast. Itlog kasi pinakamadali at pinakamabilis lutuin e. Kaso minsan itlog na nga lang di ko pa maluto ng maayos. Haha Late nanaman ako sa work, pero okay lang basta makakain at busog bago pumasok.
Good morning noisemates. Di na ko nakapag almusal kaya nagbaon nalang din ako ng pagkain. Di bale maaga naman ako magbibreak mamaya. Ingat po ang lahat sa pagpasok.
Maulang hapon po sa ating lahat! Kanina pa walang tigil ang ulan. Gusto ko sanang mag OT kanina kaso bigla akong ginutom kaya umuwi nalang ako. Haha Nakakagutom kasi talaga pag ganito ag panahon. Keep safe po sa ating lahat. Buti nalang at ambon nalang din, hindi tuloy tuloy na malakas ang ulan
VERSE OF THE DAY PO MUNA TAYO: Count it all joy, my brothers, when you meet trials of various kinds, for you know that the testing of your faith produces steadfastness. And let steadfastness have its full effect, that you may be perfect and complete, lacking in nothing. James 1:2-4 ESV Mapalad ka kapag nakakaranas ka ng problema dahil ito ang magpapatibay sayo! God allows those trials not to break us but to make us! Good night po. May we experience God's love everyday
Wala paring tigil ang ulan. Tyaga muna sa plastic na sapatos para hnd mabasa. Hirap pumasok sa trabaho pag umuulan.
Good night noisemates! Reading this book before i sleep. Sarap kilalanin pa lalo ang Panginoon na lumikha ng langit at lupa. Tunay nga yong sabi nilang, "the more you get to know God, the more you will fall inlove with Him.
Good morning noisemates! Kain po tayo, fried rice at egg ulit almusal ko. Napadami kasi naisaing ko kagabi kaya sinangag ko nalang. Matagal tagal na din akong hindi nakakain ng sinangag e.
Good afternoon po! Umaambon nanaman, akala ko hindi na uulan ngayon dahil maaliwalas na kanina. Nakakatamad tuloy bumalik sa office. Iidlip muna ako saglit sana paggising ko tumila na ang ulan! Flex ko lang din po pala ung bulaklak ng halaman ni mama. Ganda nya, di ko lang alam ang tawag sa halaman na yan.
Lamig ng panahon. Tuloy tuloy parin ang ulan. Kanina sobrang lakas, buti ngayon hindi na masyado. Saktong sakto sa panahon ang ulam kong beef pares! Sarap humigop ng mainit na sabaw. Kain po tayo ka noise. Masarap kumain kapag ganitong malamig ang panahon.
Lahat tayo dadaan o dumadaan sa pagsubok. Ito ay parte ng buhay ng bawat tao, walang exempted. Pero isa ang sigurado, ang bawat pagsubok na darating ay kaya nating pagtagumpayan. Lalo na kung alam mong kasama mo ang Panginoon, sa Kanya tayo humugot ng lakas. Whatever challenges, testing and trials we are facing, we don’t have to face it alone. God’s help is always available.
Rejoice in Sufferings *Not only so, but we also* *****rejoice in our sufferings,***** *because we know that suffering produces perseverance; perseverance, character; and character, hope.* - **Romans 5:3-4** **All** of us wants to experience all the best in life. We want success, blessings, abundant life and all the positive things the world can offer. But the truth of the matter is, life is not all about being sucessful, blessed and joyful. Sufferings, testings and…
Magandang umaga Pilipinas! Sana ay umaraw na ngayon, mahirap bumyahe ng umuulan. Madami akong nakikitang mga post sa fb ngayon na nagtitinda ng karne ng palaka. Naglalabasan na sila dahil tag ulan nanaman. Di pa ako nakatikim ng palaka at ayaw kung tikman, hindi ko kayang kainin pero sabi ng marami masarap daw yan, mas masarap pa daw sa manok. Nakakain na po ba kayo nito?
Magandang umaga noisemates! Tagal ko din pinag isipan kung uuwi ba ako ngayon. Medyo tinamad ako kasi maulan saka mahal din ng pamasahe. Pero nakapagdesisyon din akong uuwi nalang. Buti nalang may libreng sakay, kahit papaano ay nabawasan ang pamasahe ko.
Street foods muna ulit habang naghihintay ng bus. Sobrang tagal, parang gusto ko na ulit bumyahe pabalik sa pinanggalingan ko. Hirap maghintay lalo nat umuulan.
Flex ko lang po bagong kisame ng church namin. Kahapon ko yan napicturan pagkatapos ng practice at paglilinis namin, di ko na naharap mag update kahapon dahil sa sobrang busy at pagod. Pagkauwi ko kasi galing sa workplace ko ay dumericho na ko sa church. Pagod man pero masaya at sobrang sulit ng araw.
Good morning friends! Kinig muna ng music at podcast habang nasa byahe. Back to work nanaman, lunes talaga ang pinakanakakatamad na araw sakin, hirap gumising at bumyahe ng maaga. Ang layo kasi ng workplace ko sa bahay namin e
Kailangang magmadali bago bumuhos ang napakalakas na ulan. Kakatapos lang ng lunch break ko at paglabas ko yan na nakita. Sobrang itim ng langit
Yun oh! Ngayon nalang ulit ako nakapag shopee. At sobrang satisfied naman ako sa nabili ko. Sakto lang ung size nya sa paa ko, buti nagbasa ako ng reviews bago nag check out, at sobrang comfortable sya sa paa. Sulit na sulit sa price niya.
Late lunch po mga noisemates! Chopsuey at buffalo wings ulam ko. Tagal ko na din pala di nakakain ng chopsuey, masarap dahil medyo crunchy pa sya kahit kanina na naluto. Nasanay na din ako kumain ng late. Mas preferred ko talaga mag lunch ng gantong oras. Tas tutulog ako pagkatapos kumain. Okay na ung 20 minutes na idlip bago pumasok ulit sa work.
Kain po tayo dessert noisemates. Sariling sikap sa paggawa. My homemade mangoe graham icecream. Hindi masyadong maganda itsura nya pero sulit naman sa lasa. Hindi sya masyadong matamis, sakto lang. Sarap sa feeling na kakainin mo ung pinaghirapan mo. Hindi ako expert sa paggawa ng mga dessert pero mahilig talaga akong manggaya sa mga napapanuod ko sa youtube.
Tinola for lunch! Sunod sunod na chicken ang ulam ko, sana hindi ako magkaroon ng chicken skin. Medyo nakakasawa na din kasi ang karne ng baboy. Medyo nahihirapan akong kumain ngayon dahil nagkaroon ng singaw ang dila ko. Nakagat ko lang ito nong isang araw, ngayon naging singaw na siya.
Sipag ni ateng magpunas ng upuan. Photo taken last saturday. Nagrenovate kasi sila ng kisame sa church kaya inilabas lahat ng upuan at instruments sa church. At dahil gagamitin sila kinabukasan for sunday service, ipinasok at nilinisan namin. Sulit ang pagod lalo na kung alam mong para sa Diyos ang ginagawa mo. Walang sayang sa mga ginagawa natin para sa Panginoon.
Your Obedience Matters *Sharing my short devotion and meditation today..* `May 25, 2022` Genesis 12:1 - 3 The Lord said to Abram, "Go from your country, your people and your father's household to the land I will show you". "I will make you into a great nation, and I will bless you; I will make your name great, and you will be a blessing. I will bless those who bless you, and whoever curses you I will curse; and all peoples on earth will be blessed through you." This verse is…
Hello po Noisemates! sharing my new article sa read.cash.. here's the link po https://read.cash/@Grace07/your-obedience-matters-f988b332 Take time to read po. Thank you
Good night sa bawat isa! Nagpuyat nanaman ako. Sarap mag aral matoto at lumago sa grasya, pananampalataya at pagkakakilala sa Panginoon.. Dami kong ginawa ngayong araw, nag join sa mentoring via zoom at nag daily study. Tutulog na ko, para hindi masyadong tamaring bumangon bukas. Di bale di ako papasok ng friday kaya mahaba habang pahinga muna.
Good morning! Thanks God it's thursday! Excited akong matapos ang araw na ito, dahil bukas ay uuwi na ko. Long weekend, dahil nag file ako ng birthday leave sa friday. Kain po muna tayo ng almusal, ito nalang muna kakainin ko para mabilis, lalo na't late nanaman ako. Tinamad akong bumangon agad kanina nong tumunog ung alarm ko e.
Lumabas ako para sana mag cash in sa gcash. Kaso offline ang kiosk sa seven eleven. Buti nalang nakita ko ung nagtitinda nito. Hindi sayang ung paglabas ko. Sarap nito. Kain tayo noisemates
Good morning noisemates. Sharing again my new article in read.cash. I have made a new account, and hope you can visit and read my article. https://read.cash/@Biyaya07/better-together-1eaa37d7
Yan po muna almusal ko bago umuwi sa bahay namin. Kape at sumulat muna ako ng article sa read.cash.. Gusto ko din sanang maging addict sa kape e, haha. Kaso di kaya, nagsusuka ako after magkape, minsan nagpapalpitate pa. Pero nagkakape pa rin. Hehe
Sharing this photo na nakuha ko kanina habang nasa byahe. Ang refreshing lang sa mata ng mga kulay. Hirap nga lang kumuha ng picture habang nasa bus. Sobrang lakas ng hangin, feeling ko mabibitawan ko ung cellphone dahil sa bilis ng bus. Hehe Anyway, malapit na ko makarating sa bahay. Hnd nanaman ako nakatulog sa byahe, hindi tuloy nabawi ang puyat ko kagabi
Good morning Noisemates! Share ko lang picture ko. Hahaa Feeling ko maganda ako sa picture na yan, kaso biglang may nagcomment sa my day ko sa fb na weird daw ng suot ko. Haha Kaya tinanggal ko nalang sa myday. Di talaga ako magaling pumili at magdala ng damit. Hehe
Nag try ako mag bake ng chocolate cake, kaso sa Leche plan pan ka lang nilagay. Di na masama para sa first time. Hahaa Magandang tanghali noisemates, ulan nanaman.. May pupuntahan pa naman kami ngayon. Hirap lumabas ng umuulan. Sana tumila na pag paalis na kami.
Magandang Hapon noisemates, ice candy po tayo para sa maalinsangan na panahon. Baka mamayang gabi uulan nanaman. Hinati ko lang ung ice candy dahil di ko kayang ubusin ung buo. Hindi kasi talaga ako mahilig sa ice candy, mas gusto ko pa ang ice cream.
Ito muna meryenda ko ngayon, toasted bread na may peanut butter at ice cold milo. Lapit na magdinner pero nagawa ko pang magmeryenda. Maaga kasi kami nag didinner dito sa bahay, sana makakain pa rin ako ng kanin mamaya. Hehe
Feel at home ang pusa. Pusa yan ng kapitbahay namin, pero madalas siya sa bahay dahil nakikipaglaro siya sa pura ko. Nakakainis lang minsan kasi nagnanakaw siya ng ulam. Hehe. Edited: hindi ko pala naupload ung picture nong pusa. Haha
Grocery time! Dinagdagan ko na pinamili ko para di na ako maggogrocery next week. Start nanaman kasi ng online class ko kaya tinatamad na akong lumabas labas. After work, uwi na agad para makapagprepare naman sa klase.
Nakita ko lang tong picture sa facebook, bigla akong natakam. Kaso tinatamad na akong lumabas para bumili, late na din kasi at katatapos lang ng ulan. Bukas, bibili talaga ako nito. Buti nalang may nagbebenta nito sa daan pauwi ng boarding house. Na excite na ko. Haha, baka mapanaginipan ko pa mamaya. Haha
This is my daily routine. Before doing anything in the morning, I see to it that i have read my bible and seek the Lord first! He must be the first priority. Sarap lang magbasa at kilalanin pa ang Diyos through His words. Sarap magsimula at matapos ang araw seeking the Lord. Happy day everyone!
T'was a super productive day! Natapos ang araw na ito na sobrang saya at sarap sa feeling. Ganda ng mga bago kong natutunan ngayon. Nakakamangha, sarap mag aral. Overtime kami sa klase pero sulit na sulit, bitin pa nga e. Di ko namalayan ung oras, kakain palang tuloy ako ng dinner. Dati kasi habang nagkaklase kumakain ako. Ngayon di ko magawang tumayo at umalis sa harap ng laptop ko.
Good morning noisemates! Yan lang muna baon ko sa office ngayon. Baka hindi ko din kasi maharap kumain sa sobrang dami kong kailangang gawin ngayon. Cut off kasi, tapos sumabay pa sa problema ang mga walang internet na branches. Di bale dinamihan ko nalang kinain kong almusal.