read.cash Log in
@Grace07

Sana matapos na agad ang election. Nakakalungkot at nakababahala na kasi mga nangyayari dahil sa election na paparating. Madami nang relasyon, pagkakaibigan at pamilya ang nasira dahil sa pagkakaiba iba ng presidential bet. Nong nakaraan may nagtakwil ng ina, ngayon naman may nagpakamatay dahil sa pambubully dahil lang sa magkaiba sila ng sinusuportahan. Sana naman mangibabaw parin ang respeto at pagmamahalan ng bawat isa, huwag gawing dahilan ang politika para masira ang relasyon. Baka masyado na nating ina idolized ang mga kandidato natin to the point na willing nang masira ang relasyon sa isat isa. We can always agree to disagree sana, hindi ung porket iba ang gusto nila ay aawayin na natin na parang tayo ang tama at wala na silang karapatang magdesisyon sa sarili nila. Sadly, kung sino pa ang nagsasabing ayaw nila ng dictitorship it turns out na parang sila mismo ang naginging dictator (not all). Respect parin sana ang maghari. Praying for a safe and peaceful election, lahat naman tayo naghahangad ng pagbabago at pag unlad sa bansa natin. Pero huwag kalimutan na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula din sa atin. Sana ang loyalty natin ay hindi sa kandidato pero sa bansa natin at higit sa lahat sa Diyos. Because only God is the real hope of our nation.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.