Anong Oras Na?

2 29
Avatar for Grace07
3 years ago

"Mahalaga ang oras, gaano man ito kahaba o kaikli dahil ito ay bigay sa atin ng Diyos.. Kaya nararapat lamang na matutunan natin itong pahalagahan at gamitin ng tama."

"Time is gold!"

Masyado nang gasgas ang kasabihang ito, masyado na tayong familiar dito pero madalas parin nating naisasawalang bahala.

Ang oras ay isa sa magagandang regalo ng Diyos sa atin pero madalas ay nakakaligtaan pa rin nating pahalagahan.

"ay di bale, may bukas pa naman, saka ko nalang to gagawin", "mamaya nalang".. Pero ang tanong, paano kung wala ng bukas? Paano kung huling sandali mo na pala, masasabi mo pa kayang mamaya o bukas nalang?

Sana parang naglalaro lang tayo na, pwede nating sabihin na "Time freeze!".. kaso hindi e, kahit sabihin nating marami pa namang bukas, hindi natin hawak ang oras at buhay natin.

Kaya nga, sabi sa Psalms 90:12

Teach us to number our days that we may gain a heart of wisdom.

ECCLESIASTES 3:1-15

Mababasa natin sa verse na yan na lahat ng bagay ay may tamang panahon. We must appreciate God's perfect timing. Kung gusto nating makita ang ganda ng plano ni Lord, huwag natin Siyang madaliin at pangunahan.

Paano nga ba natin mapapahalagahan ang oras na binigay sa atin ng Diyos?
  1. BELEIVE THAT YOUR TIME IS BEAUTIFUL

    Ecclesiastes 3:11 He has made everything beautiful in it's time!

    Hindi man maganda ang nakikita at nararanasan natin ngayon, hindi ibig sabihin na pangit na ang ginagawa ng Diyos. Sa kabila ng mga pangit na nangyayari at nararanasan natin, may magandang ginagawa ang Panginoon.

  2. CONSUME YOUR TIME WITH HAPPINESS

    Ecclesiastes 3:12 I know that there is nothing better for people than to be happy

    Magalak tayo sa oras at panahon na ibinigay ni Lord sa atin hindi yong puro tayo reklamo. Appreciate your time and season, huwag mong ikompara sa iba.

Anong pumapatay sa hapinness natin?

COMPARISSON

Kakatingin at kakakumpara natin ng sarili natin sa iba, hindi natin nakikita yong magandang bagay na ginagawa ng Diyos sa atin. Stop comparing dahil iba ang time at season niya sa season mo. Hindi naman ito pabilisan o paunahan.

It is about appreciating, enjoying, maximizing and honoring God in whatever season we are in.

  1. USE YOUR TIME IN DOING GOOD

    Ecclesiastes 3:12b ..and to do good while they live.

    Gamitin natin yong oras natin para maging productive at gumawa ng mabuti para sa kapurihan ng Diyos. Ang sarap mabuhay na alam mo sa sarili mo na ginugol mo ang oras at panahon mo para gumawa ng mabubuting bagay na may impact hanggang eternity. Tapos balang araw haharap ka sa Diyos at sasabihin Niya, "well done my good and faithful servant."

  2. USE YOUR TIME BY LOOKING FOR THINGS THAT WILL SATISFY YOU.

    QUESTION: Ano ba yong bagay na makakapag satisfy sa atin?

    Amazingly, kung titignan natin ang buhay ni Solomon (author of Ecclesiastes) nasa kanya na lahat, lahat ng gusto niya nakukuha niya - babae, kayamanan, talino, kapangayarihan - lahat yan meron siya, pero kung babasahin natin ang Ecclesiastes, ang unang word na sinabi niya ay "meaningless, meaningless, all is meaningless"

    So, according kay King Solomon, hindi pala mahahanap ang satisfaction dito sa mundong ito, kundi tanging sa PANGINOON LAMANG!

ECCLESIASTES 12:1

Remember your Creator in the days of your youth.. Hindi lamang sa days of our youth but all the days of our life, let us remember and acknowledge God.

Now all has been heard;
    here is the conclusion of the matter:
Fear God and keep his commandments,
    for this is the duty of all mankind.
 For God will bring every deed into judgment,
    including every hidden thing,
    whether it is good or evil. Ecclesiastes 12:13-14

Sponsors of Grace07
empty
empty
empty
Conclusion: Anong oras na?
Oras na para kilalanin at mahalin ang Diyos na may hawak ng oras at buhay natin.
Dahil ay buhay natin ay hindi patungkol sa sarili natin, kundi patungkol sa Diyos na
nagbigay ng buhay sa atin!
Maabot mo man ang tugatog ng tagumpay kung wala si Kristo sa buhay mo, wala paring
kabuluhan ang lahat ng iyan..

CHRIST ALONE! GLORY TO GOD...

6
$ 0.04
$ 0.04 from @kingofreview
Avatar for Grace07
3 years ago

Comments

Pinatunayan niyo lang ate kung gaano ako katamad even I have proper time management and rest. Anyway, time is gold. Use it wisely. Baka kakabukas mo, mawala na sa'yo yung opportunities na inaasahan mo hehe

$ 0.00
3 years ago

Magsipag na tayo! Okay lang magpahinga, huwag lang sobra to the point na wala na tayong nagawa.. Hehe

$ 0.00
3 years ago