Sinubukan ko ulit gumawa ng Tagalog Poem at heto ang kinalabasan. :D
Paki basa kung gusto nyo. hehe
"Ako at ang Kahapon"
-ML
Sa mga panahong tila nalimot,
Bakas ang pangungulilang may halong poot
Kung susuriing mabuti ito'y kukurot
Sa damdaming masidhi kalungkutan ang nanuot.
Pagkat ang araw aking niyapos
Sumunod ang ulap, ulan ay bumuhos
Rumaragasang likido sa ibaba pumanhik
Tumama sa puno na ang bunga'y hitik.
Aking ginuhit larawan ng hinagpis
Gamit ang tinta na may halong dugot't pawis
Pinilit inisantabi ang nag-iissang lapis
Sapagkat ito'y nagbago, nawala ang tulis
Yaong mga araw na mas matagal ang gabi
Mga oras na buwan at bituin lamang ang saksi
Nakatayo sa kawalan, pighati ang katabi
Sa kadiliman, naghahari ang pagsisisi
Dumating ang umaga at ako'y bumangon
Tumingin sa salamin nabatid ang repleksyon
Aking tinanggap ang panibagong hamon
Ngunit hindi ko buburahin ang alaala ng kahapon.
Salamat sa nagbasa