“”mmmhhh mmmmhh … wag..waggg..please..”” salitang nabibigkas ng mga labi ko habang ang mga butil ng pawis mula saking noo ay unti unting dumadaloy pababa saking pisngi. Hindi ko namalayan na ako’y umuungol habang tumatangis sa bangungot ng nakaraang ala-ala.
“Tina! Gising .. gisinggg!” habang niyugyog ako nang Ate ay palakas ng palakas ang boses niya sa pagtawag sakin. Napabalikwas ako at naulirat sa masamang panaginip na mababakas sa nanginginig kong kalamnan at luha dulot ng takot. Kinulong ako sa mainit na bisig at paghagod ng malapad na kamay ni Ate saking likod upang pakalmahin. Hindi lingid sa kanyang kaalaman ang bigat nang aking dinadalang sakit nang kalooban sa bawat araw at gabing lumilipas.
Humagulgol ako sa takot at nagpumilit sumiksik sa malambot na harap nang Ate. “””Shhhhhh… shhhh..Tina andito ang Ate..shhh. walang mananakit sayo””. Pilit niya kong pinatatahan sa mga paghaplos niya saking buhok at pagpunas saking mga matang namumugto sa pagiyak.
Kumalma muli ang aking kalooban ngunit hindi ko na gustong pumikit at matulog sa mga oras na to. Nais ko lang pakinggan ang pagsuyong awit nang Ate. Alam kong nahihirapan din siya pero hindi ko na kayang itagong HINDI AKO OKAY.
Tatlong taon na ang lumipas pero hindi ko pa rin malimot limot ang dagok na aking dinanas nung akoy nasa edad bente uno pa lamang. Bagamat nasa tamang edad na ay hindi ko kinaya ang pagbukadkad nang kaalaman sa madungis at makalamang pamamaraan ng pagbabanat buto. Uri nang trabahong ni sino ay hindi tatanggapin. Kasalanan sa batas ng Tao at sa Diyos.
Hindi kami pinanganak sa mayamang pamilya at lalong hindi din kahusay ang aming magulang sa pagtataguyod na kami’y mapag-aral sa Kolehiyo. Minsan na kaming huminto sa pag-aaral dahil sa pagkamatay nang aming Ina. Isang taon din kaming lumagapak sa utang at pinagpasapasahan ng aming mga kamag-anak. Hindi ganoon katapang si Ama para kami ay alagaan. Dose-anyos ako nang mawala si Ina at ang bunso naming kapatid na lalaki ay batang naulila sa kalinga ng Ina. Alam namin na malungkot si Ama sa pagkawala nang kanyang asawa. Nalilito pa siya sa lahat at di kagad makapagplano nang kung ano ang dapat.
Pinilit namin ni Ate na maging matatag upang makatulong kay Ama sa pagbuhay samin sa araw-araw. Pagkatapos ni Ate sa High School ay nangatulong na siya sa Maynila. Samantalang ako at si bunso ay nanatiling nag-aaral. Pinagbutihan namin para maging masaya si Ama, at pambawi sa pagod niya mula sa pangongontrata sa Construction. Ginawa ko ang lahat para makakuha ng Scholarship sa College School na malapit samin mula sa Mayor ng Bulacan.
Ngunit hindi iyon sasapat para sa pagkokolehiyo. Umuwi si Ate mula maynila, sobra ang ipinayat niya at tila may sakit pa. “Ayoko na dun sa Amo ko, nanakit si Ma’am kapag may hindi siya nagustuhan” nabanggit ni Ate sakin. Tatlong buwan bago ulit siya nakapagtrabaho ngunit sa bago niyang pinapasukan ay iba na ang istilo ng kanyang pananamit. Tuwing gabi ang trabaho niya bilang waitres sa isang restau-bar sa Fairview. Inuumaga na siya nang uwi na amoy alak na din. Kwento niya samin siya’y binibigyan ng tip kung siya ay iinom ng LD or Ladies Drink. Kinutuban man ako sa bago niyang trabaho wala akong magagwa kundi suportahan siya at paalalahanan na lang. Dumadalas din na napapasarap kami ng kain dahil sa ulam na niluluto ni Ate mula sa sahod niya. Kahit pano ay nakakaahon na kami.
Nung akoy nasa Kolehiyo ay maraming nainngit sakin dahil sa talinong meron ako. Pero hindi nila alam na akoy lubos na naiinggit sa kanila. Masaya at komportable ang Buhay nila na wala ganong isipin. Samantalang ang pamilya ko ay isang kahig isang tuka lamang. Dalawang terno lang nang Uniform ang meron ako, kupas kupas na rin ito sa halos araw araw na paglalaba. Ni bagong notebook ay wala at ang sapatos kong sira sira sa tahi nalang at pandikit kumakapit. Nagtitipid pa rin kami dahil dalawa kming sabay nagaaral sa Kolehiyo ni bunso.
Simula nang madisgrasya si Ama sa Construction site sa Pampanga hindi na siya makabuhat o gawa nang mabigat na gawain. Kaya napagdesisyunan namin na kami na lang tatlo ang magtrabaho at siya na lamang bahala sa Bahay. Ganon na nga ang sistema na nangyari, habang ako’y nagaaral sa ikalawang taon sa Kolehiyo pumapasok ako sa gabi bilang partimer sa trabaho ni Ate. Dun ko natuklasan ang tunay niyang ginagawa at kung sino ang kasama niya sa gabi gabi. Isa pa lang Guest Relation Officer ang Ate or madaling sabihin GRO. Sa kubo kubong may dilaw at pulang ilaw , mga lalaking ngumingiting parang aso, nandun kami bilang tagapagpasaya sa kanila kapalit ng LD. Pano? Habang kakwentuhan nila kami sa kung anong topic na gusto nila pag-usapan ay pinapapayag kaming halikan sa leeg, labi at hawakan sa binti. Labag man sa loob ganoon ang Sistema sa trabahong iyon. The more na magiliw ka the more na marami kang LD. Ang isang bote ng LD ay Php 150 ang share namin. Easy money ika nga nila pero para sa amin isa itong mababang uri ng trabaho. Nakakapanglumo pero ganito lang ang kaya naming laban.
Apat na taon akong nagtiis sa paglalakad pagpasok papuntang School at ganun din sa paguwi. Puyat sa gabi pero gigising para pumasok sa school sa umaga. Laking pasalamat ko at ako’y nakapagtapos bilang Cum Laude. Sobrang tuwa ko nang araw na yun. Pero hindi sapat para hugasan ang dungis ng aking puri’t pagkatao. Noong mga Panahon na iyon, hindi ganoon kalaki ang sahod sa Bar para sa project at travel sa kursong Bachelor of Science in Tourism Management. May ilang mayayamang Guest na nagoffer sakin na ako’y tutulungan bastat pumayag sa isang gabing aliw. Ngunit ayoko, mahirap man kami pero ayokong yurakan ang sarili ko sa punto na hindi na ako makakabangon.
Huling taon ko noon sa College, nagkaroon ako nang nobyo na schoolmate ko rin at maglilimang buwan pa lang kami. Ngunit iba ang course na kinuha niya bilang BCo-Engineer. Ginagalang niya ako at sobrang pinapahalagahan. Dahil sa takot kong iba ang makakuha nang aking pagkababae dahil sa delikado kong trabaho, ako mismo ang nagyaya sa kanya sa isang Hotel para gawin ang bagay na alam kong gusto kong ibigay sa kanya. Sa una naming pagpunta roon ay wala siyang imik at sinabi niya saking “I respect you a lot Tina, I don’t want to take advantage of you”. Pero ininssist ko ang aking sarili sa kanya. Wala kaming muwang pareho pero ginawa namin yun na may pagmamahal. Masaya ako nang araw na yon dahil nangako sakin si Mark na magpapakasal kami pagkatapos ng plano niyang bahay para samin.
Dumating ang pinaka kinakatakutan kong araw, may isang mayaman guest na sobra ang pagkagusto sakin. Niyakag niya ang Ate na makipagdate sa isa niyang Kompare at ako naman sakanya. Ayaw namin pumunta noon dahil sa delikado ito at pareho kaming babae. Naiilang din kami na baka may makakakita saming kakilala na kasama ang mga may edad na guest. Nag-isip kaming maigi dahil sa malaking offer na ibibigay nila bilang bayad sa oras namin kung sasamahan sila mag golf at kumain sa labas.
“Magpakiramdaman na lang tayo Tina, kapag hindi na komportable at delikado tumakbo na tayo at umuwi” sabi ni Ate.
“Sigurado k aba? Ayoko talaga sa matandang iyon. Amoy pa lang niya nasusura na ako” sagot ko sa kanya.
“Kailangan nating nang 20k Tina, pinangako ni Edgar na ibibigay niya yun basta samahan lang sila. Samahan lang natin at wag tayo iinom. Okay”.
Pumayag na nga kami at sinamahan sila. Noong umaga na yon ay nag golf ang matatanda habang kami ay lumalabas na alalay nila. Nung tanghalian naman ay kumain kami sa isang restaurant sa Makati. Magara ang restaurant na yon at masasarap ang pagkain. Pakiramdam namin anak mayaman kami nang oras na yon at kasama ang mga Tiyuhin namin. Ganon pa man, may kakaiba akong naramdaman sa kotse habang pauwi na kami at ganun din pala si Ate. Pinauna nila kami sumakay sa kotse at pagkatapos ng 2 minuto ay pumasok na sila. Habang nasa daan nakabukas ang salamin sa driver’s seat. Huli ko naaninagan ang Ate ko na nakapikit na ang matang nakasandal sakin.
“Ahmm, hasss himmms” nagising ako sa mainit na pakiramdam saking katawan. Parang naninikip ang aking paghinga‘t naghahabol nang hangin. Ramdam ko rin ang sakit saking ---. Teka ano to? Anong ginagawa nang matandang to saking harapan? Huli na nang makapanglaban ako sa lalaking umaabuso saking pagkatao. Isang oras? Dalawa o higit pang oras akong nakatulog? Ang Ate asan?. Pilit akong lumaban sa kanya at umiiyak. Humihingi ng saklolo. “Atttteee, Atttteeeee!!”
Nasa kabilang kwarto ang Ate at humihiyaw sa kung ano mang pagsasamantalang ginagawa sa kanya. Natapos ang araw na yon na pareho kaming nayurakan at binaboy ng mga hayop na taong yon. Hinagis ni Edgar sakin ang bag na may lamang pera hihigit sa 20k perang inaakalang tulong. “Maligo ka na! Magbihis na kayong mag-ate at mauna na kayong umalis dito.” Nanginginig ang tuhod ko at hirap tumayo. Pagapang kong pinuntahan si Ate sa kabilang kwarto, nakita ko siyang umiiyak sa lapag at bakas ang hirap na dinanas. Nagmadali kaming magbihis at umalis sa lugar na yon at kapwa umiiyak umuwi nang bahay. Wala si Ama sa bahay ngunit andon si bunso na nagaalala samin. Ikinuwento namin sa kanya lahat at ganon na lang ang galit niya na gusto niyang itakin ang mga humalay samin.
Nagusap kaming isesekreto na lamang kay Ama ang nangyari sa takot na baka atakihin siya kapag nalaman ito. Pinangako namin na hindi na kami babalik sa Bar para magtrabaho at lilipat na nang bahay na uupahan. Ganon na nga ang nangyari pinilit namin magbagong Buhay.
Nang makapagtapos ako sa College natanggap ako kaagad sa trabaho sa isang Hotel sa Manila bilang Front desk Staff. Uwian ako sa Bulacan sa takot kong may ibang mangyari sakin kung magdodorm ako sa Sta Cruz. Si Ate naman ang pinagaral ko sa Kolehiyo at si bunso ay nakapagtapos na din. Pareho kami ni bunso na nagtratrabaho ngayon at sumosuporta sa bahay at pag-aaral ni Ate.
Hindi ko alam kung pano nakarecover ang Ate sa nangyari? Pero ako hanggang ngayon ay dinadalaw ako ng bangungot ng nakaraan. May mga gabing bigla na lang pumapasok sa panaginip ko ang Mukha ni Edgar at ang panggagahasang nangyari. Ang nakakatakot niyang mga ngiti, ang pwersang paghawak niya sa magkabila kong kamay at ang pagpilit niyang angkinin ako. Naghiwalay kami ni Mark dahil sa traumang meron ako, sa pangalawang pagkakataon pagpunta namin sa Hotel at sinikap gawin muli ang pagpaparamdam ng pagmamahal sa bawat isa. Naitulak ko siya at humagulgol ako sa takot. Nagtaka siya sa nangyari hanggang sa inamin ko na sakanya lahat. Hindi niya yun matanggap at naghiwalay kami. Sobrang sakit para sakin na animoy nagkaroon ako ng ketong. Parang wala nang magmamahal sakin nang tapat. Nilamon na nang trauma ang isip at puso ko.
Hindi ko sinisisi ang Diyos sa kung anong Buhay meron ako at aking Pamilya. Ngunit ako’y may kasalanan sa kanya. Sa traumang araw araw kong dinaranas, pinagsisishan ko ang lahat. Na sana mawala na lahat ng masamang ala ala na parang bula.
“Ate, ayoko na nito. Ayoko nang maalala lahat nang yon. Tulungan mo ko Ate. Ikaw! Pano ka nakakatulog sa gabi na animo’y walang bangungot na naranasan? Ate?” sigaw kong pagtatanong sa kanya.
“Hindi ko lang pinapakita sainyo pero ako man din ay may tinatagong sakit sa inyo”.
“Ha? Ano?” sagot ko.
“May sakit si Oliver at nahawaan niya ko, ginagamot ko ang sarili ko nang hindi pinapaalam sa inyo. Ayoko nang masaktan pa kayo at dagdag sa problema.” Sagot niya na may tila bara sa lalamunan sa paghikbi.
“Hindi ko alam Ate… patawarin mo ko..” niyakap ko siyang mahigpit. “Pano tayo makakatakas Ate? Sagutin mo ko, meron o walang gamut sa X-TRAUMA na to? Ayoko naaaaaaaa!”
Article about traumatic experience 😕