Hi guys! Nais ko i-share itong kahihiyan ko 2 years ago. HAHAHA
Laking probinsya ako, expect mo na puro kami pamahiin. Isa sa tumatak na sa akin, na sinabi ni lola ay ang kalabit. Pag daw may kumalabit sa akin na 'di ko kilala, sasakit daw ng matindi ang ulo ko, pati tiyan ko. Para raw 'di mangyari yun kalabitin ko raw ulit, para sakanila umepek ang bales. Gawain daw ng mga mangkukulam yon na walang magawa sa buhay.
Edi ito na nga siyempre nasa Manila na ako, nag-aaral ako ng college. Uwian na noon, sa jeep kami sumakay ng kaibigan ko. Medyo bago pa lang ako sa lugar, hahaha! Maya-maya lang nag-traffic na. May pumasok na pamilyang badjao, yung mga manghihingi ng limos. Nag-abot na ng envelope ang ale, eh wala akong barya bukod sa natitirang piso sa wallet ko. No choice yun ang nilagay ko, tas yun na nga kokolektahin na niya. Binuksan niya yung envelope ko, ngumiti pa ito kahit piso lang bigay ko, saka niya ako kinalabit. Medyo loading pa ang ate niyo, tsaka ko lang na-realize na kinalabit niya ako.
Nang akmang pababa na siya ng jeep, dali-dali kong hinabol at kinalabit ko rin siya. May halong pagtataka sa mukha niya, kaya muli ako nitong kinalabit. Ayun na nga bumababa na siya, 'di ako papayag na mabales ng ganun-ganun na lang. Nakahinto pa naman ang jeep, at ako'y bumaba. Sinabi ko lang kay manong na wait lang, at babalik din ako, traffic pa naman eh.
Harurot ako pababa, nakita ko na si ale. Kinalabit ko ito, lumingon naman siya, pero takang-taka pa rin ang mukha niya. Kinalabit nanaman niya ako. Aba lumalaban ang gag@, kinalabit ko siya ulit. Naka limang cycle siguro kami ng kalabit, may angry stare ako sa kanya, samantalang siya naman litong-lito. Marami nang nakatingin sa amin, agaw eksena. HAHAHA!
Nang makita kong medyo maluwag na traffic, isang matinding kalabit ang ginawa ko rito, sabay takbo sa jeep na sinasakyan ko. Ha! Kala mo ha! 'Di mo'ko mababales, not today! Pag pasok ko ng jeep, lahat sila tinginan sa'kin, kasama ang kaibigan ko. Yung iba medyo galit ang tingin sa akin.
"Beh anong ginawa mo? Ba't kayo nagkalabitan? Beh ano yan? Pass the message?" Tanong ni kaibigan.
"Ah mangkukulam kasi yun." Sabi ko naman, pero pabulong.
"Anong mangkukulam pinagsasabi mo? Kilalang badjao dito yun, nangangalabit talaga yon as a sign of being thankful, kasi deaf siya. Kaloka ka teh!" Tumatawa ito.
Ah kaya pala hindi ito nagsasalita kanina. Ayun pahiya ako, kaya pala galit ang tingin ng mga pasahero sa akin. Hahahha!
To ale, sorry po na napalakas ang kalabit ko. Next time na makita ko kayo, 100 pesos na po ang iaabot ko.
hehe. Nakakatuwa naman. Dito din sa probinsya namin, ganon din. Tapik tapik. Ako pala 1st subscriber mo :)