Sa mundong ating ginagalawan
Di maikakailang may mga taong madalas mahusgahan
Kagagawan ng mga taong walang ibang magawa
Kundi ang mang-apak at manlait ng kanilang kapwa
KAPWA,
Isang salita limang letra
Na akala ng karamiha'y karamay sa hirap at ginhawa
Ngunit Di lubos maisip na sila pa ngayon ang syang humuhusga
Na madalas DEPRESIYON ang nagiging bunga
DEPRESYON,
Napakahirap na sitwasyon
Sitwasyong pakiramdam mo'y wala kang kasama
Sitwasyong pakiwari mo'y di mo na kaya
Di na kayang tiisin ang mga panghuhusga nila
Di na rin kayang takpan ang mga tenga
Di na rin kayang dalhin ang bigat na nadarama
Di na rin kayang makitungo sa kanila kaya't mas piniling mapag-isa
Ngunit sa pag-iisa'y may Diyos na naalala
Dakilang Diyos na sayo'y naglikha
Diyos na kailanma'y di ka iniwan
Sa kabila ng nagawa mong mga kasalanan
Napagtantong mali ang salitang "di ko na kaya"
Dahil "kaya ko" pagkat kasama ko Siya
Di man nauubusan ng problema't mga suliranin ang buhay
Asahan mong ang Diyos sayo'y laging gumagabay
Husgahan ka man ng mga mapanghusgang tao
Saktan ka man ng mga taong mapanaket dito sa mundo
Wag na wag kang gaganti dahil ' di ka talo
Pagkat may Diyos kang sa Kaniya'y ika'y panalo
Suklian mo na lamang sila ng pagmamahal
Baka sakaling sila'y matauhan at matutong magdasal
Itatak mo na lang sayong puso't isipan
Ang mga katagang aking bibitawan
"iSMALL-in ka man ng mundo,
may Diyos namang laging umiiBIG saiyo"