read.cash Log in

@Ghie4945

Joined 9 September 2022 · 2612 posts

Small but terrible

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Ghie4945

Katapos ko lang kumain kanina ng Ginisang upo na may halong cornbeef at miswa tapos may ternong fishda na cracker, ayun na nga sa sobrang busy nanaman, di napicturan. Ngayon nga pala dating ng order ko sa shoppee na BL-4C battery para sa Nokia 2290 ko na phone para magamit ko paglabas labas. Ano na nga pala balita guys sa Sim Registration? Dami ko pa naman sim na ginagamit lalo na sa mga Email ko, yun ibang sim ko maeexpired na siguro dahil di ko nalalagyan ng load.

@Ghie4945

At dahil super busy ako maghapon,ngayon lang ulit ako nakapagpost,eto dinner namin kanina, fried Maling lenchon meat at naggisa ko ng baquio beans para may gulay na terno. Maigi nman at ok ok na si mader ko, nawala na rin lagnat nya kanina, nagtuob o suob na lang sya ngayon gabi para tuluyan na sya gumaling, then maagang pahinga.

@Ghie4945

Yun friendship ko na iyakin sa mga ganitong madradramang palabas, nakakaiyak nman talaga yun storya. Nagmovie marathon kasi kami kanina while pagkatapos namin mananghalian. Hindi talaga sapat sa akin yun payless pancit canton na kinain namin na no rice, kaya sa tingin ko magmimirienda muna ko ng kanin ngayon, magprito na lang ako ng itlog😊, nakasaing nman na ako kanina. Dahil masama pakiramdam ni mader at ako nman wala sa mood magsimba, ayun parehas kami di nkasimba ngayon, tanghali na rin nagbukas ng tindahan.

@Ghie4945

Eto na nga dumating na yun charger ko sa isang keypad phone ko na samsung, di nga lang sya usb type, directly sya sa outlet, sana matagal ko sya magamit.

@Ghie4945

This morning dami ko ginawa,at maaga ko nagising,may lagnat kasi si mader ko kagabi pa dahil sa sipon nya,so di kami natuloy kanina pumunta sa doctor nya para naman sa right eye nya sa laser. This morning din, kinuha ko ang Temporary National I.d ko, so sabi sakin sa barangay namin kapag may ganun daw mabilis na lang dumating sa bahay yun original na digitalized na National I.d.. Maigi na din di kami natuloy sa doctor dahil may darating akong inorder ko sa lazada na charger at battery ng old keypad phone ko,mabuti ba lang may nakita pa ko,housing na lang para sa Nokia 2290 ko ang di ko pa nabibili, tagal na nito, i remember nasa 3k plus pa ata bili ko nito noon,still nagana pa rin naman,maingat naman kasi ko sa gamit ko,kaya tumatagal talaga, sa relasyon lang talaga ko failedπŸ˜…πŸ˜† charotπŸ˜¬πŸ˜…

@Ghie4945

Gandang Tanghali guys, Di pa eto yun tanghalian namin guys, Eto yun agahan namin kanina, pinalaman namin sa tinapay, pero sabi ng mader ko pwede rin daw to iulam sa kanin, ang tawag daw dito ay "Tamales" may itlog na pula sya sa ibabaw at griliantes daw yun hugis bilogbilog, may halo din syang chicken, hotdog, soriso,yun sa ilalim lang di ko lam kung ano halo, para syang malagkit.

@Ghie4945

Eto na nga inulit ko na ulit ang pagselfie, malabo daw,ulit nanaman ako sa pag fill up sa Pag - ibig. Sakit na mata ko, this time sana ok na sya, replyan ko sana na parang awa nyo na sakit na ng mata ko hehe. Para updated ako kung nahuhulog yun mga kinakaltas sa salary ko before nun nagwowork pa ko sa mga company.

@Ghie4945

Madali lang pala gumawa ng account sa Philhealth, pero sa Pag ibig fund marami pang kailangan gawin at may documents pa na kinukuha, tapos maghihintay ka pa rin kung approved na, para makapag log in at maview yun mga contribution.

@Ghie4945

Pangtanggal antok sa nakakaantok na panahon, mukhang kulimlim at uulan. Multi task ulit habang nanonood ng Abot Kamay ang Pangarap.

@Ghie4945

Morning guys nag update pala kahapon ang Noise app. Bakit kaya kapag sinearch ko sya sa Play Store di ko sya masearch pero nandun pa rin naman sya sa play store, may review at rate din naman. Nalaman ko lang nag update pala sya, dahil may notification ako nareceive sa play store😊. Anyway, kumain na ba kayo ng almusal, ako babangon pa lang para kumain. Wala signal ang Globe kagabi kaya medyo maaga ko nahiga kagabi.

@Ghie4945

Maikwento ko lang nun kahapon na kumain kami sa loob ng Jolibee,habang kumakain kami naexperience nyo din ba na may lumalapit sa inyo,mayron nag aalok minsan donation, o kaya nagbebenta ng kung ano ano. Kahapon kasi lumapit samin isang teenager na babae, inalok nya ko ng ballpen na tinda nya gelpen type worth 35 pesos isa, kahit lam ko mura lang to sa tindahan binili ko na rin, parang tulong ko na lang din sa kanya dahil nag aaral daw sya need daw nya pandagdag baon ba sa pagpasok nya,pagkatapos ko bilhin pumunta naman sya sa ibang table,medyo naawa ako sa pagreject sa kanya dun nun mukhang may kaya naman sa buhay,sinungitan sya,umalis na lang agad sya. Tapos maya maya naman may isa din lumapit na bata naman Grade 12 nman ata yun bata inaalok naman ako ng pugo na tinda nya, di ko na binili hehe wala na din nman pera at pumunta na lang sya sa kabilang table yun kabila naman bumili sa kanya.

@Ghie4945

Wala nanaman ako ibang maipost kundi tong makulit ko na alaga. Maikwento ko pala this morning paggising namin, tumbahan lahat ng balls ng christmas tree,pati christmas tree din, sa lapag ng sahig, 2nd time na to na natutunan nila na paglaruan na tong christmas tree naminπŸ˜…πŸ˜†. Kaya simula mamaya ilalagay na ni mader sa loob ng tindahan ang Christmas tree bago matulog,ang mga pasaway namin alaga na si Creampuff at Katkat tuwing gabi alpas sila hehe

+1 more

@Ghie4945

Late post ko kanina while pagkatapos namin ni mader magpacheck up ng mata sa doctor nya na naglaser ng mata nya, so sabi ng doctor ok na yun left eye nya uubusin na lang yun pagpatak ng gamot. Napagastos pala talaga kapag nagkakaedad na maigi na lang talaga at napaghandaan nya kahit papaano. Yun kada pcheck up sa doctor gagastos ka na ng 500 pesos sa private plus gamot pa na 250 pesos at yun eye laser nya na nasa 8k isang mata lang,may philhealth pa yun at senior,tapos gagastos ulit kami pagbalik namin ng 8k ulit sa right eye naman nya sa Saturday,tapos ganun ulit, pamasahe at pagkain pa.

@Ghie4945

Ok din pala yun pagpindot ko sa Lazada at Shopee dito, laki ng points na nakuha ko sa pagbrowsing lang. Pero kung dito ko dadaan para magbayad thru gcash ayoko gawin, for safety na rin na possible na mahack yun account sa gcash. Directly na lang sa apps para sure na walang hacking na magaganap. Sa mga wala pa Mag install lang kayo ng Share it sa play store Eto Referral Code:PHvNaNA7cI Pwede ilagay din every 3 days, para dagdag points sa Share it nyo.

@Ghie4945

Wala pa ko ibang maipost this morning kundi tong cute kong alaga na si Creampuff at Katkat. Ang gaganda talaga nila sa picture db. Anyway magbreakfast pa lang ako ngayong ng nilagang saging, maya maya aalis kami ni mader para icheck yun left eye nya na nilaser. Tapos malaman namin kung kailan ulit schedule ng next right eye nya. Sabi ng bago nyang doctor ngayon nun naoperahan sya before sa PGH, hindi maganda pagkagawa ng lense sa mata nya durog durog daw yun lense, ibig sabihin di pala successful yun operasyon nya dun kaya pala ganun na lang pakiramdam nya sa mata nya. Ngayon nman tinanong ko sya, super linaw na daw ng mata nya sa left eye nya , isa na lang para maging maayos na bago magpasko ok na ok na mata nya.

@Ghie4945

Good eve,Multi task muna,ayoko muna sumilip sa mga shopping online haha, LAZADA, SHOPEE at SHEIN πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…. Mapapagastos nanaman ako, need ko na naman mag ipon at kakabayad lang namin ng mga bayarin MERALCO at MAYNILAD,maigi na lang at wala kong internet na binabayaran monthly, prepaid lang ako. Tapos malapit nanaman December daming dadaan nanaman na occasion. Ang mga pinoy alam nyo naman kahit papaano naghahanda kahit konti sa Pasko at Noche Buena. Tapos sa Pasko nandyan yun mga inaanak na mamasko hehe.

@Ghie4945

Blessed morning guys.Church muna.😊😊😊

@Ghie4945

Kain pa lang ako ng dinner,sinigang na baboy, ulam namin kanina rin tanghali, nimierienda ko rin kanina at ngayon nman dinner din, marami din kasi natira at niluto namin kanina ni friend, di makaluto si mader kaya kami nman nagluto kanina.😊😊😊

@Ghie4945

Naku naman katapos lang ng pananghalian namin kanina, aga ko naman magutom ulit. Eto yun model na nabili ko earbuds sa Shein worth 199 pesos ko na lang sya nabili pero yun price nya 465 pesos so super laki talaga ng nadiscount ko at dahil nakita ng friend ko na maganda yun nabili ko earbuds, napa order agad sya sa Shein, malaki na rin naipon nya points kaya malaki din nadiscount nya nabili na lang nya 195 pesos thru Gcash nman sa kanya, sa akin COD. Free shipping plus bawas yun earning points.😊😊😊 Nakakaexcite yun "Abot Kamay ang Pangarap" 2:30 pm finals na nila sa Pageant ni Zoey at Analyn.😊😊😊

@Ghie4945

Favorite ko panoorin to nun nagwowork pa ko dati sa malaysia, astro cable tv. Di ko na matandaan yun iba pang pinapanood ko na maganda bukod dito. Naisipan ko panoorin bago matulog, inienjoy ko yun nabili ko na ear buds super naeenjoy ko sya gamitin, matagal sya malowbat tapos yun size nya parang lagayan lang ng singsing sa liit. Ganda nya talaga, sana matagal ko sya magamit.😊😊😊

@Ghie4945

Sarap nun spagetti at biko na binigay ng kapit bahay namin kanina late ko na napost super busy din kasi kanina at umidlip ako.

@Ghie4945

Yun item ko sa Shein dumating na, ay sobra nman ako natuwa at ang ganda nya, tinest ko na rin, ayos din yun sound ng earpods tapos yun head caps ok na ok din, di nman tanggal yun sticker maganda din yun tela makapal at sakto yun adjust nya sa ulo ko, pwede na sa 199 pesos yun earpods at 51 pesos yun head caps sulit na sana lang matagal ko sya magamit.

@Ghie4945

Natapos din yun paLaser nya kanina, madali lang pala, saglit lang din, nakadaan pa kami ng palengke kanina, napagusto sya ng grapes kaya ayun napabili at iba pa din things tapos kumain na lang kami sa jolibee bago umuwi kanina para di na magluto pagdating, kaso nalimutan namin bumili ng maiuulam para mamayang gabi, kaya bahala na lang kung ano ulamin mamaya.

@Ghie4945

Eto na nga dito na kami ulit sa pagpapalaseran ng mata ni Mader, waiting pa kami, late na kami dumating, late na kasi nagising, medyo sakit pa ng ulo ko pagbangon ko kanina,pinaka ayaw talaga namin kapag maaga narurush kami,di na nakaligo this morning nagbreakfast na lang tapos nagpoops hehe

@Ghie4945

Astig watching Darna😊, dami na nya kalaban hehe. Anyway aalis nanaman ako bukas para sa Eye Laser ni mader, tuloy na sya bukas, matagal na rin nakuha ang requirement, natagalan lang dahil need mag ipon ng pera, both eye is 16k mabuti at may philhealth at senior citizen card kundi nasa 25k babayaran.

@Ghie4945

Lilipad na item ko, malapit na kami magkita hehe, hopefully maganda sya pagdating, almost 1 week din sya bago ko pa mareceive😊😊😊

@Ghie4945

Eto yun "My Day" ko this morning, mabuti naman at 30 pesos lang siningil sakin sa vulcanizing shop, tapos dumaan din ako sa biking shop pinacheck ko yun break ng bike ko, inadjust lang yun break at di na ko siningil, nagpunta din ako sa hardware para tumingin ng screw bolt nut ba tawag dun para sana sa office chair ko kaso wala sila nun, puro small size lang ng screw ang nasa kanila. Siguro makikita ko yun sa loob na na ng Mall ng hardware. Bumili na lang din ako ng lechon manok kanina tanghalian namin sa Baliwag Lechon Manok, bibili sana ko gamit ang senior citizen card ng mader ko, di na raw sila natanggap, kailangan mismong senior citizen kahit may authorization di na sila natanggap.

@Ghie4945

Sana nga talagang bumalik na sya,kahit small amount, may paramdam pa rin.Last nun Nov.13.

@Ghie4945

Share ko lang dinner namin kanina Adobong Manok na may niagang itlog. Sarap ng luto ni mader kanina lalo na kapag may bisita sa bahay😊😊😊

@Ghie4945

Ngayon lang ata ko nakakain nito, tawag daw dito Dinakdakan, yan ulam namin kaninang lunch, para pala syang sisig ang sarap nabitin kami kanina, kinulang yun order nya, dapat pala daw ginawa na nya apat na order, binili ni jowa ni fren ko, pero minsan lang dapat kumain nito dahil baka tumaas dugo lalo na yun may high blood hehe.