read.cash Log in

@Ghie4945

Joined 9 September 2022 · 2612 posts

Small but terrible

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Ghie4945

Morning guys,sana pala binili ko na yun order ko sa shein nun sunday, 126 lang sana babayaran ko ganun din kapag COD nasa 100 plus lang din. Nabago yun computation nya nun monday, kailangan ko pa tuloy magdagdag para makuha ko yun free shipping, nakatipid pa rin naman dahil malaki din yun naipon ko na points sa Shein, sana maganda yun ear pods na nabili ko 199 ko lang sya nabili price nya 465 pesos, tapos yun sumbrero nasa 51 pesos ko na lang nabili sa price na 119 pesos. Maganda nman din review ng earpods.

@Ghie4945

Yun christmas tree namin buhay na buhay na with christmas light,nakuha lang namin yun mga balls sa patapon na at lights saka yun stand, sayang eh itatapon maayos pa pati lights gumagana pa.

@Ghie4945

Tilapia ulam namin ng dinner, nabusy ako, ngayon lang ulit nkapagpost.

@Ghie4945

Morning breakfast, tena kain, meatloaf at hot choco coffee, makulimlim nanaman samin.

@Ghie4945

Kailangan ko na ba talaga palitan ang tv plus hehe, naka ilang scan nanaman ang brother ko para makuha ang Gma 7, sa akin naman di ako mahilig mag tv puro sa loptop at cp na ang madalas ko hawak, dun na rin ako madalas manood. Ang mader at brother ko lang ang madalas manood ng tv, tv at radyo yan libangan nila na pakinggan hehe.

@Ghie4945

May bago nanaman collar mga alaga ko, masisira na rin kasi yun dati nilang collar, suutin nila ngayon December๐Ÿ˜Š

@Ghie4945

Late post, nabusy buong maghapon,dinner namin kanina. Bumili na lang yun fren ko ng ulamin namin kanina. Liempo namiss nya daw kasi mag ulam ng baboy, nadamay na rin ako dahil miss ko na rin mag ulam ng baboy, bihira lang kami mag ulam ng ganyan bukod sa mahal, masama din kapag lagi hehe. Liempo at lechon manok. Maya maya matutulog na rin ako,umeextra lang, dami ginawa kanina.

@Ghie4945

Sarap nito bibingkoy, nakakita ko sa palengke kanina napabili ako 27 pesos na sya isang balot, bali dalawa lang binili ko, hati na lang sila ni kuya ko sa isa mamaya๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

@Ghie4945

Morning guys,good day ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š Ano ng balita? halos lahat ba sa ngayon walang narereceive. Ako kasi last na nareceive ko nun Nov. 13, kayo ba guys. Anyway, bibisita na lang muna ko paminsan minsan dito hehe, kailangan ko magfocus sa mga earning site at hahanap pa rin ng ibang raket na walang katapusan raket para kumita๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

@Ghie4945

Eto nga guys, dumating na inorder ko sa Lazada saktong sakto lang talaga sya sa paa ko, ok na ok sya malambot sa paa, di na lalamigin paa ko sa gabi lalo sa sahig namin sa tiles,paglakad lakad ko, akala ng makakakita may ari nito bata hehe,paa ko kasi pambatang size hehe.

@Ghie4945

Hopefully maganda tong naorder ko, gusto ko sana brown kaso sold out na, kaya gray na lang, gusto ko rin nman ng ganitong kulay pagdating sa sapatos mayron din ako gray,sa kids section ko binili, wag mamali ng size at di kakasya sa paa ko, to lang saktong size sa paa ko, liit ng paa ko di ba, ngayon dating nito o either bukas.

@Ghie4945

Bumisita ko saglit sa kamag anak namin na namatayan,bali asawa ng pinsan ko sa side ng tatay ko. Buhay talaga ng tao di mo masabi kung kailan ka kukunin,natutulog lang daw yun tapos di na nagising,wala naman daw yun ibang sakit.

@Ghie4945

Sino kaya yun nanghuhubad na yun, curious din si mader sa KMJS. ๐Ÿ˜…

@Ghie4945

Watching KMJS, sino kaya yun nanghuhubad sa kanila sa Leyte, bitinin na naman ni Jessica Soho haha. Nakakagulat din yun may pamana daw na naiwan.

@Ghie4945

Dahil tinamad na magluto ngayon gabi napa order na naman ulit ako sa Mcdelivery, comvinient naman sa akin dahil di na magluluto at maghuhugas ng plato, magagawa ng maaga ang kailangang tapusin at makakatulog din ng maaga, kung maaga nga ko antukin. Sunday, pero eto ako umeextra extra para may pambili ng needs at wants na din, ganyan ang buhay natin sa mundo.

@Ghie4945

Tena guys skyflakes at kape tayo.Pangtanggal ng antok๐Ÿ˜Š, Nagdelete pa ko nun una haha namali kasi ng picture๐Ÿ˜…

@Ghie4945

Nakaabot ng stub,may namimigay kasi ng stub kanina isang charity group at naikuha ko rin yun sa pamankin ko. Sayang din pang isang araw din to na bigas sa amin at may noodles at de lata na kasama, mabuti na lang at nakiusyoso ako sa labasan kundi di ako nakakuha ng stub, yun iba di nakakuha dahil naubusan ng stub.

@Ghie4945

Gandang morning, ganda nitong upuan na to ayos na ayos sa loptop room ko, kaso lang need ko pa ayusin yun ilalim nyan dahil dalawa yun nawala yun screw at nauga sya,medyo makalawang na din yun bakal,need pa ayusin. Binigay yan ng bayaw ko kasi bumili na sya ng bago para sa anak nyang student,nabasa kasi yan ng baha ginawa ko hinugasan ko at pinaarawan kahapon.

@Ghie4945

Late post sa sobrang busy ko kanina, ngayon ko lang napost hehe. Adobong manok na may pine apple tidbits ulam namin ng dinner. Ngayon eto kaharap ko ulit ang loptop ko at manonood ako ng Darna lipad sa yt habang ginagawa mga extra ko while si Darna naman ginagawa mga extra nya haha.

@Ghie4945

Kainis naman sa pambata na nga lang ako naghanap ng size ko sold out pa rin๐Ÿ˜†๐Ÿ˜‚, Kapag nabili ako ng shoes, sa Kids section ako naghahanap, wala kasi ko makita na size ng paa ko sa liit๐Ÿ˜…

@Ghie4945

Dumating na rin yun loptop bag ko size 15.6 inch, mabuti at nagkasya pati cooling fan ko, yun lang super sikip na sya,sa pocket naman yun charger at mouse. For emergency ko lang to magagamit, lagi ko kasi gamit ang loptop ko.

@Ghie4945

Sarap ng tuyo, ayos na ayos kapartner ang gulay na niluto ni nanay na may tokwa, baquio beans, siling presko,sotanghon,toge at repolyo.

@Ghie4945

Dumating na din yun isang inorder ko sa Lazada kaso mali yun switch nya dapat sa wire, same other seller pala mali pinadala not same sa picture,ininform ko pa si seller same sa picture ipadala, thank you lang reply, mabuti na lang gumagana, nakabalot lang kasi sya sa bubble wrap, kaya sa rating binigyan ko pa rin ng 3 star, mabuti na lang din isa lang inorder ko.

@Ghie4945

Share ko lang food namin kanina tanghalian, mirienda at hapunan na rin, isang lutuan na lang, ganyan kami magluto tapos may kanin din, bali ulam na rin yan๐Ÿ˜Š sopas sa amin. Kung konti na lang matira sa gabi nagdadag na lang ng kahit ano na makita sa tindahan๐Ÿ˜Š

@Ghie4945

Sayang di ko navideohan si Katkat, yun pagtalon nya haha๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚. Maikwento ko lang si katkat tumulay sya dyan kagabi, sarado yan pinto. Tapos sabay lundag, kinapos nga lang ng talon at di nya naabot yun kapirasong butas sa taas, nalaglag sa pagtalon haha, buti pagbagsak nya sa hagdanan bagsak nya๐Ÿ˜‚, di sa semento,parang walang nangyari nun bumagsak di man lang nabalian๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

@Ghie4945

Umagang kay ganda, bago gawin lahat ng gagawin sa bahay nagbreakfast muna me kanina ng niluto ni mader na pancake at nagtimpla ko ng mainit na kape. Pagtapos ng gawain sa bahay eto at sinisimulan ko nman ang extra extra sa cp at loptop, pambayad sa inorder ko sa lazada hehe.

@Ghie4945

Ulam namin ng hapunan Daing at yun natira kaninang tinolang manok. Sa ngayon malapit na kami magsara ng tindahan, si Mader parang gustong pumunta sa Grocery bukas at dun mag order ng paninda nya para daw nakakapamili sya ng oorderin then next day idedeliver sa bahay,sabi ko order na lang sya sa bahay para di na sya pumunta, pero mukhang di matutuloy bukas dahil naubos ang pera sa pagawa, kaya baka next week na lang sya oorder daw.

@Ghie4945

Guys, may nakita ba kayo blood moon, ako kasi kadiliman nakita ko๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚.Siguro natatakpan ng mga kabahayan๐Ÿ˜‚. Anyway ulam pala namin kanina tinolang manok, may natira pa kaya ulam na rin ngayon, matabang kumain si mader ko kaya nagpatis na lang ako kanina, natapos din karpintero namin kanina, next time na lang ulit ang pagawa once magkapera na ulit๐Ÿ˜Š

@Ghie4945

Mayron nanaman ako babayaran sa lazada,need ko din kasi sa loptop ko proctection na wag madumihan at need ko din ng ilaw sa loob ng computer room ko,nka discount nman ako ng 80 pesos sa dalawang inorder ko, di ako nkakasilip ngayon sa Shoppee, mahal kasi shipping fee ngayon sa Shoppee, yun discount din nila minsan parang nakakaloko hehe

@Ghie4945

This morning, pinapaltan na ng mader ko ang yero namin sa bandang kusina lang dahil tumutulo na at luma na rin yun bubong puro kalawang na sa sobrang tagal.