Ang mumunti kong computer room sa ilalim ng hagdanan. Lagyan ko na lang ilaw kahit led lights o lamp shade
Joined 9 September 2022 · 2612 posts
Small but terrible
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Ang mumunti kong computer room sa ilalim ng hagdanan. Lagyan ko na lang ilaw kahit led lights o lamp shade
Umagang kay Ganda,umagang umaga pagkagising ko may ginawa nanaman kalokohan tong dalawang alaga ko, si Katkat umakyat nanaman sa kisame nag ala-Batman nanaman kagabi, pinahirapan nanaman ako hulihin sya, at etong si creampuff mukhang sya nman salarin ng pagtumba sa electricfan ko, buti nilapag ko kagabi sa sahig, nakapatong kasi to sa silya na bilog.
Computer room,nilagyan ko ng tabla yun ilalim ng hagdanan namin para dito ko magloptop, di na sa maliit namin kwarto,pero sa gabi kailangan ko sya takpan ng karton o kahit na ano para di mascrach ng mga alaga kong pusa sa gabi, lagyan ko pa ng ilaw para mas maliwanag.
Umagang umaga tulog pa ko kanina, ginising ako ni mader dahil may namimigay daw ng lugaw, tinapay at dalanghita sa barangay, di sana ko pupunta, pero naisip ko sayang din kaya nagpunta ko dala ko ang mahiwagang rice kaserola, yan din dala ko nun may namigay din ng lugaw hehe. Para di ako mahirapan magbitbit, good for 4 person kasi kakain hehe,binigyan nman ako sa barangay saka apat na sandwich, isang plastic na dalanghitaπππ
Goodnight guys, ang sarap matulog ngayon di mainit sa piling ang kwarto, pero kahit di mainit gusto ko may fan pa rin kaya binubuksan ko na lang yun small fan ko na rechargeable, pwede din sa kuryente,yun lang kapag nkakabit sa kuryente no 1 lang hangin nya pero ok lang nman basta may air pa rin.
Late post, lunch namin kanina ginisang itlog na may ampalaya,mabuti na lang at may naglako, nakaluto din ng gulay si mader. Natapos din labahin, bukas ulit ang ibang natira. Namali pa ko ng picture kanina, denelete ko tapos post ulit haha
Nagluluto na si mader ng pananghalian,while ako dito sa kwarto, gumagawa muna saglit ng pagkakaperahan,maya pa ko maglalaba pagtapos ng pananghalian, maibabad muna labahin,haiz puro kami may sipon sa bahay,kaya nman nagpabili si mader ng kalamansi sa freind ko na lalabas, mahal ng kalamansi 1/2 kilo 50 pesos na, tapos kanina bumili sya dalanghita sa naglalako 45 pesos dinig ko ewan ko kung kilo yun bili nya mahal din daw eh.
Morning guys, makapag almusal na at simula nanaman ng gawain bahay. Kahapon nakapaglaba ng konti, ngayon laba ulit ng konti. Napansin ko lang yun Noise app parang wala na sa play store. Anyway parang di nabahaan, parang naggeneral cleaning lang, malinis gawa ng tiles ang floor, kusina na lang walang tiles.
Namimiss ko ng tumaas to, to the moon na...ππππππ
Eto na yun spagetti ni mader, nalate post lang, yan na yun tanghalian namin kanina. Happy birthday sa aking mabait na Kuya, balak sana namin pumunta ng Robinson, yun talaga plano, kaso di natuloy gawa ng nagdaang bagyo kaya sa bahay na lang nagluto ng spagetti, mabuti na lang may stock si mader sa tindahan namin at naitaas nman lahat ng paninda kaya walang nabasa. Anyway ngayon pa lang ako maglalaba, nabusog na eh,simulan ko na baka abutin nman ng antok at katamaran, makulimlim na naman.
Morning guys,mag aalmusal pa lang,this time tuloy na tuloy ba laba ko,wala ng makakapigil,by the way birthday pala ng kuya ko ngayon,maybe magluto na lang si mader ng spagetti at yun na pananghalian namin. Next time gusto ko subukan to lutuin, nagccrave ako kumain ng Pancit palabok, gusto ko sa palabok yun mataba ang noodles, sana may mabili ako nito na Mama Sitas palabok mix, maghahanap pa ko nito sa market.
Sa sobrang busy ko, di na ko nakapagpost kanina. Marami din ganap dito samin. Dahil nga kakatapos lang ng baha sa amin. May palugaw kaninang umaga dito samin, kahapon din at nakakuha din ng 3 kilong bigas galing sa barangay. Di ako umabot kanina,may namimigay ng bagong kutson sa labasan namin, pero ok lang naman na di ako nakakuha dahil nasave nman namin yun kutson namin. Naibalik ko na rin sa bagong pwesto ng tv namin, as of now kinig lang ako ng radyo sa kwarto dahil umuulan ngayon samin, pero goid news, ayon sa balita sa radyo wala naman na bagyo Lpa na lang at kalat kalat na ulan, maaliwalaa ang panahon sa ibang lugar.
Super pagod nanaman ang araw ko,ang sakit ng bandang paa ko,kakatayo sa mga gawain. Maganda na panahon ngayon,nakita ko kasi may Moon light na sa kalangitan at may nakita na rin akong nag iisang bituin sa langit,di ko lam kung bituin yun o planet hehe, paglabas ko ng bahay para isara na tindahan namin. Di natuloy pinsan ko ngayon araw, pupunta sana sya para tapusin gawain sa bahay namin, may nilakad ata, or napagod siguro din sa paglilinis. Bukas maglalaba ako ng mga bed sheet siguro or damit ko, dapat sipagin ako bukas para mabawasan na gawain sa bahay.
Kain tayo guys, corn beaf n may itlog, stop muna paglilinis at maya na ulit ituloyπππ. Nalabhan ko na mga basahan at nalinis na rin kahit papaano ang terrace,naibalik na unti unti mga gamit sa tamang lagayan.
Morning guys,kakagising ko lang,sarap ng gising ko medyo malamig ang panahon this morning,pero nakaelectricfan ako kagabi mainit kasi. Makapag almusal na at medyo sumilip na ang haring araw, need ko muna labhan ang mga basahan sa bahay para matuyo agad at magamit,sa totoo lang nun una hindi namin alam kong paano kami magsisimula ng pag aayos sa bahay maigi naman at untiunti ng nalilinis ang bahay. Maigi na lang wala kaming nabasang mga small appliances ,kutson,unan,kumot at damit dahil bago pa pumasok ang baha samin nun naiakyat na namin sa taas ng bahay namin,lahat ng importante na gamit.Yun malaki lang di namin naiakyat tulad ng cabinet na kahoy at upuan na kahoy,mesa. Pero may nabasa pala yun washing machine at ref.
Dahil di kami nakapunta ng panchon o cementery para bisitahin ang puntod ng aking ama,lolo at lola,dahil binagyo kami at binaha, nagtirik na lang kami sa bahay ng kandila, medyo nalinisan na rin namin ang tindahan at kusina.Ibabalik na lang bukas sa dating pwesto ang mga gamit at ang kahulihulihan ay paglalaba at paliguan ang alaga namin aso kapag medyo umaraw araw na.


Morning guys, umagang kay ganda, need ko na gumising, sa ngayon naman maayos na tulog hindi katulad nitong nagdaang bagyo na siksikan kami sa taas ng atik namin, kasama namin dalawang pamilya at si friend na sinalba lahat ng kayang isalba na gamit kaya lahat kami nakaupo matulog sa taas,bali siyam kami sa atik, yun dalawa nasa hagdanan tagabantay sa taas ng baha sa sala, tapos yun mga alagang aso at pusa nasa ibabaw ng cabinet na kahoy, dun sila nakapatong lahat. Nalinis ko na kwarto namin sa baba kahapon katulong ko pinsan ko lalake kahapon, ngayon naman linisin namin tindahan at kusina at harapan ng bahay at gilid. Makapag almusal muna bago ko simulan ang mga kailangan tapusin.
Dami kong pagod dahil sa paglilinis,pag aalis ng burak o putik sa loob ng bahay dahil sa bagyong Paeng, eto na ata pinakamalubhang baha na nangyari samin, pero mapalad pa rin ako at pamilya ko dahil di kami nkaranas tulad ng iba na nirerescue na sa ibabaw ng bubungan ng yero, mayron daw parting sa amin na nirescue,di rin kmi nag evacuate dahil may taas kami. Buti ngayon may Kuryente at tubig na kahit papaano at signal. Pasencya sa di ko pagbisita, natambakan tuloy ako ng unread post.,balikan ko kayo once ok na kami dito. Ulam pala namin sisig na tokwa, dis time masarap naluto ng mader ko, ayos ang anghang.
Morning, guys musta kayo,ako eto hanggang ngayon lang ako nakapagpost, pang 2 days na, linisin di pa rin tapos, laki ng tubig samin hanggang beywang,nawalan ng kuryente, tubig ng isang araw tapos wala din signal,at ngayon lang nagkaroon.
Kain muna tayo, pinasok bahay namin ng baha, may nasira daw pader sa unahan kaya yan, dami namin gagawin.
Medyo panatag na ko ngayon dahil nakahingi ako ng konting catfood sa pamangkin ko pandagdag sa natirang catfood, may pagkain na sila kahit papaano tonight. Bukas na ko ng umaga makakalabas, pero nagpabili na lang ako sa isa namin friend, bukas daw kasi mamalengke sya at nagpabili na lang din ako. Lakas kasi ng ulan at hangin ngayon sa amin tapos patay sindi ilaw, nagwangwang na rin kanina at nilagyan na ng harang ang iskinita namin dahil mataas na tubig ng ilog sa amin, anytime pwede na umapaw. Kumusta naman sa inyo, ingat tayong lahat, kahit papaano nakapagcharge na ng mga gadgets for tonight na anytime na magbrown out samin.
Eto pala inulam namin ng lunch kanina, tokwa na sisig, kinulang sa anghang ulit yun siling green nya, pero masarap pa rin naman. Kumusta ang lahat, dito medyo malakas ang hangin, pabugso bugso ang ulan. Di ko lam kung makakalabas ako ngayon pero need ko lumabas para sa cat food.
Late breakfast, haba ng tulog ko,maaga ko nagising kanina pinakain ko lang alaga ko, naku ubos na pala pagkain nila, di ako nakabili kahapon, akala ko kasi makakabili si fren kahapon, kaya mamaya need ko tuloy pumunta sa palengke sa may bilihan ng cat food dun mamaya.
Kala ko di na ko magugutom tonight, dahil sa kinain ko kanina, nagutom pa rin pala ko haha, itlog,tuyo at mainit na gatas.πππlate dinner.Yun iba nyan sa brother ko, nagutom din heheπππ
Ngayon lang ako nakatikim nito Moron daw tawag dito,uwi pa rin ni friend galing daw sa tita nya. Kakanin sya na may chocolate sa loob pero kapag kinain mo di nman sya katamisan, ayos lang lasa nya at binalot sya sa dahon ng saging.
Sarap naman nun nabili ni friend, uwi nya galing work, Leche Egg pie.Sulit daw yun nabili na sa halagang 150 pesos sa isa box na nabili nya. Sulit na sulit nga.πππ
Dahil nakaluto na si mader ng ulam namin na langgonisa, kakain muna ko at maliligo tapos manonood at gagawin na ang extra extra ulitπ
Inabutan ako ng ulan kanina, kala ko mamaya pa ulan hehe, kakarating ko lang samin, bumili ng gamot at nagpaxerox. Inisprayan ko ng tubig ang aking kapartner araw araw hehe.
Agahan this morning, Pan cake at mainit na Milo. Mamaya na ko magbackread guys, alis muna ko baka abutan ng ulan, si bike nanaman kasama ko hehe.
Good morning guys, kagising ko lang, sarap matulog di masyado mainit kagabi. Sa Noise app eto yun pinaka ayaw ko pindutin hehe. Kasi alam ko yun feeling yun gusto mo sya, pero ayaw sayo...parang pag ibig lang haha...charot... Makaalmusal na nga at aalis ako saglit hehe...