Morning guys, umagang kay ganda, need ko na gumising, sa ngayon naman maayos na tulog hindi katulad nitong nagdaang bagyo na siksikan kami sa taas ng atik namin, kasama namin dalawang pamilya at si friend na sinalba lahat ng kayang isalba na gamit kaya lahat kami nakaupo matulog sa taas,bali siyam kami sa atik, yun dalawa nasa hagdanan tagabantay sa taas ng baha sa sala, tapos yun mga alagang aso at pusa nasa ibabaw ng cabinet na kahoy, dun sila nakapatong lahat. Nalinis ko na kwarto namin sa baba kahapon katulong ko pinsan ko lalake kahapon, ngayon naman linisin namin tindahan at kusina at harapan ng bahay at gilid. Makapag almusal muna bago ko simulan ang mga kailangan tapusin.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
16 comments
Good morning! Kumain ka lang mabuti diyan, mate!
thank you sis.buti kahit papaano may stock kming pagkain sa bahay
Magandang umaga sis mabuti naman po at may nakakatulong ka po maglinis.
maiging bagay talaga na may mabait akong pinsan na nkakatulong ko sa oras ng pangangailangan
Opo sis sana huwag silang magbabago
Magamdang umaga po
Mabuti po at ligtas kayong lahat. Purihin ang Panginoon.
yes po purihin ang Diyos,ligtas nman kming lahat.
Mabuti kahit papano maging maayos ang kalagayn ng panahon sa nyu malaking bagay din kasi manumbalik na ang maayos na panahon
naku nawa ay tuloy tuloy na pagganda ng panahon.
Umagang kay ganda mate
Sipag naman po
kailangan eh
Goodmorning sis
Ingats kayo Sis nandyan pa si bagyong queenie
oi nga daw.thank you po sis.ingat din po sa inyo.