Morning sa lahat, late na ko natulog kagabi pero aga ko nagising, dami gawain kasi sa bahay tuwing umaga, bawi na lang ako tulog mamaya tanghalian kapag dinalaw ng antok. Nagbabad lang ako ng tuwalya para labhan, at naglinis linis ng kwarto,bukas naman linis ng mga electicfan, kapal na ng alikabok lalo na nun sa kusina namin na electric fan. Kailangan ko nanaman magload at paexpired na mamaya Data ko, may wifi naman sa bayaw ko kaso di abot sa kwarto ko, hanggang sa sala lang abot,mainit nga lang sa sala namin kapag ganitong oras, mas komportable din ako sa kwarto, sa kusina kasi nakikita ko mga iba pang gawain ko hehe. Malulunch nanaman at magluluto nanaman kami ng pananghalian, si mader naman lagi ang nagluluto ng pagkain namin,ako sa ibang gawain sa bahay,tulong tulong lang din.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Maganda yong ganyan magiging magaan ang trabaho kung may pagkakaisa na magtulong tulong mahirap kasi kung iisa lang kikilos kawawa naman ang katawang lupa nya ahaha gandang morning mate.