read.cash Log in Sign up
@Ghie4945

@Ghie4945 in October 2022

@Ghie4945

Morning guys,October 1,sa pagiging marites dito sa Noise eto na late na ko sa balita kakabukas ko lang ng cp, mayron na palang apps ang Noise,so ilan taon na ba ko guys sa Noise tayong matatagal na may isang taon na rin tayo sa Noise at eto lang talaga ang web site na tumagal sa cp ko, marami na rin tayo pinagdaanan sa web site na to,yun times na wala ka talaga marereceive na free tips,post ka lang ng post just enjoy lang tapos may naeearned ka pero pinapamigay mo rin kahit…

@Ghie4945

Oct 01,2022 eto yun araw na nag install ako ng bagong apps ng Noise apps. May isang taon din bago nagkaroon sa Play Store at sa wakas nga nagkaroon din. Maybe satisfied din naman ako sa dating web site dahil mapupuno storage ng phone ko sa dami ng apps, pero priority ko talaga si Noise kaya inistall ko agad agad sya.❤❤❤

@Ghie4945

Nakakatuwa naman na kahit maliit na halaga, masusuprise ka na lang na kapag chineck mo yun coin ph wallet ko may narereceive ako,dahil sa Noise app😊😊😊, wala naman kasi ko ibang platform na automatic may marereceive ako kundi sa Noise app lang talaga.

@Ghie4945

Habang chinaharge ko pa loptop ko kanina,gumawa muna ko ng gawain bahay,nagmirienda kanina at tumambay sa tindahan namin habang kasama ko si creampuff the wonder cat. Patingin tingin sya sa mga nagdadaan sa labas,mga motor,naglalarong mga bata at mga matatanda na napapadaan habang naglalakad. Di sya natatakot kahit may dumadaan sasakyan,gusto pa nga ata nya habulin hehe,samantalang si Katkat naman noon medyo bata bata pa yun mami-mamihan nya di rin takot noon,pero ngayon…

@Ghie4945

Nun nagtext ako sa kaSis namin bali asawa nya pastor, tinatanong kasi ko sa Church, may 4 sunday na rin kasi ko di nakakasimba. Eto naman si Mader ko hindi pa sabihin nagsasama pakiramdam ko,puntahan daw kasi ko,kaya naman tinext ko na yun kasister namin. Mahirap naman kasi sumimba kung natataon laging nagsasama pakiramdam ko, wala naman sila maiaambag sa financial ko,ang alam lang kasi nila wala ko trabaho sa ngayon, pero di nila alam na nag eextra extra ko sa cp at loptop…

@Ghie4945

Naku alam nyo ba pag gising namin ni mader ng umaga,kagabi pala naiwan namin bukas yun isang kabiyak ng bintana namin sa bubungan,eh tuwing gabi pinapakawalan namin yun dalawa kong alagang pusa sa loob ng bahay,ayun paggising namin nitong umaga hinahanap namin sa loob ng bahay,kaya pala walang kumakatok sa pintuan ng kwarto namin nakalabas na pala ang dalawang makulit,mabuti nalang talaga at nandun lang din silang dalawa sa tabi ng bintana malapit sa mga halamanan ko sa…

@Ghie4945

Sa mga may YSense dyan,kagabi ko lang to inumpisahan, maliit pa yun na earn ko 0.37$ pa lang. May nakita kasi ko na parang time at may kanya kanya din amount bawat survey sa taas, yun sinagutan ko pa lang yun 0.02 short survey 10 question,naubos ko na. Ano yun may mga time?kailangan ba yun matapos ko agad agad, di ko alam kung oras ba yun sa pagsagot sa survey. Sa mga wala pa Ysense eto. Referral link: https://www.ysense.com/?rb=129477932

@Ghie4945

Yun ulam namin ngayon dinner baka yun puso ng saging, yun natira nun isang araw, may natira pa rin kasi nun sa ref saka yun kaunting laing na binigay ni friend na uwi daw ng tatay nya kahapon , di rin sya natiis ng tatay nya umuwi galing probinsya para samahan sya sa operasyon nya sa breast. Tatay na nya kasama nya sa Tuesday i think yun operasyon nya.

@Ghie4945

Kanina lang,maluwag na ulit phone ko, hindi na ko nanghinayang sa natira ko dun na di naman mawidraw, denelete account ko na rin sya. Maghahanap na ulit ako ng bagong ipapalit dyan kapag mayron ishashare ko ulit dito.

@Ghie4945

Gandang Morning, lam nyo ba, muntik na ulit makalabas tong dalawang alaga ko. Eto kasing si Kat-kat matalino sa kalokohan,lam nya kung paano tanggalin yun kalang ng bintana. Bintana kasi namin parang gelosi sya pero kahoy,kinakalangan sa ilalim,dalawa kalang nun magkabilaan,natanggal nya yun isa, at yun isa daw onting onti na lang matatanggal na rin nya, kung natanggal nya ng tuluyan nakalabas na silang dalawang makulit. Maulan ngayon sa amin saya saya kaso lang ang hirap…

@Ghie4945

Buti na lang nakafree shipping, napambili ko na ng cat food yun income ko dito sa noise,no choice naubusan na sila, need na bumili ulit, malaki din nman naitutulong nila samin, nkakawala sila ng stress sa bahay.

@Ghie4945

Nakaidlip ako nitong hapon, mahaba haba din naitulog ko,at ayos lang panahon umulan kasi,pero parang kulang pa rin yun tulog ko,gusto pa rin pumikit ng mata ko. Hindi ko tuloy matutukan mga extra extra ko ngayon.Layo na yun survey, kapag nag aanswer ako inaantok ako😅😅😆

@Ghie4945

Late upload,ulam namin din kanina ng lunch,Yakisoba na pancit canton medyo spicy,mas masarap pala sya sa lucky me pancit canton noodles.

@Ghie4945

Itutuloy ko pa ba haha,eto talaga ayaw ko dito yun di ko sya mapasa pasa matapos ng mahaba habang sagutan. Ang ending madalas ganito😅

@Ghie4945

Morning guys, umagang kay ganda, binabad ko na ilang labahin ko at mamaya pagtapos ng lunch eh maglalaba na ko ng kaunting binabad ko, bukas na lang ulit yun iba. Kumusta na kaya si friend ko, operasyon nya ngayon sa breast para tanggalin yun bukol sa nakita sa medical nya, tatay na kasi nya yun kasama nya sa operasyon,hopefully maging successful at pagtapos ng operasyon ay wala ng sumakit sa kanya, one week din ang recovery nya. Pagtapos ng operasyon nya at recovery pwede…

@Ghie4945

Next project ko, bumili ng printer para yun mga gusto magpaprint dito samin na magpaprint,gusto ko nga yun may xerox copyiher na rin, mayron din naman computer shop samin pero sa looban pa, kami kasi bukana. Isa pa medyo mahina tindahan ngayon,sa dami na ng may tindahan samin, kaya need ko magdagdag ng ibang raket sa tindahan ko. Pero umpisahan ko na ulit ang ipon ko sa target na bibilhin ko, yun loptop na gamit ko galing din sa ipon ko .Ipon goal lang para sa needs,di mo…

@Ghie4945

Pasintabi sa mga kumakain na. Yun friend ko na naoperahan na,ang laki pala nun bukol na natanggal sa breast nya malaki pa sa jolen. Medyo hilo pa raw sya ngayon,pero pauwi na sya,pinasa lang nya sa lab yun bukol na nakuha sa kanya. Pauwi na sila ng tatay nya para dito na sila kumain samin.

@Ghie4945

Tena,mirienda guys, may nagbigay lang yun kakilala ni friend, cassava cake at malagkit na samala na may matamis sa ibabaw.😊😊😊

@Ghie4945

Sarap nitong Cassava cake at Minatamis na malagkit.Mirienda for today.Let's eat.😊😊😊😋😋😋

@Ghie4945

Nood muna sa yt, maya maya maglalaba ulit ako. Kaloka mga pusa ko kagabi, may bago kasi salta sa bahay namin, medyo ilang sila kapag may ibang pusa sa bahay nagagalit sila. Naghabulan sila kagabi kaya ayun kulong ulit yun dalawang saltang pusa. Yun dalawang pusa naman ay mga Mommy nila, hindi na nga lang nila kilala ang isat isa dahil mga pamigay sila samin. Iniwan muna mga mommy nila dito samin pansamantala kukunin din kapag ok na.

@Ghie4945

Dami ko pa gagawin pagkatapos ko mag extra extra, maliligo pa ko at maglalaba,pagtapos checkin ko pa yun dalawang kulungan ng dalawang pusa kung malinis,hopefully umulan para lumamig at madiligan ang mga halaman ko para di na ko magdilig. Namiss ko na magtype type at practisin ulit ang typing skills ko sa loptop, kaya naginstall ako sa computer ko ng Typing Master test para mapractice ulit ako.

@Ghie4945

Good morning,agang linis na agad, maya pa mag almusal, balik muna ko ulit sa higaan antok pa ko, ginising kasi ko ni mader para linisan dalawang kulungan ng pusa,mga 3 weeks pa sila samin i think, si friend kasi yun may ari ng pusa at bawal pa sya magkikilos dahil sa operasyon nya. Kaya for recovery pa sya.😊😊😊. Ano bang ganap sa street trapiko, tagal ko na di nakakabyahe at magcommute lalo na paManila.Rush hours siguro madalas at laging traffic.Super mahal ng pamasahe…

@Ghie4945

Katapos lang maglaba ng binabad ko kagabi at maghugas ng plato, sa dami ng ginawa,ngayon ko lang nabisita cp ko at di ko nanaishare yun tinanghalian namin na Tortang talong sawsaw sa UFC Banana ketsup na de sachet haha kinompleto talaga. May binabad ulit ako at lalabhan ko na lang ulit bukas,mas nadadalian ako sa paglalaba ng ganun,konting kusot na lang sampay na agad.

@Ghie4945

Daming gawa sa bahay, di ako ngaun masyado makapag extra extra. Bukas naman paliguan ko mga alaga ko, haiz super init, nakailan bukas na ko ng aircon tapos lagi din bukas lahat ng electricfan sa bahay. Tiyak taas nanaman ng kuryente namin nito. Buti na lang tong migraine ko nagpapahiwatig pero di tumutuloy.

@Ghie4945

Bagong ligo na yun dalawa si Kerupin at Karina, mga ilan weeks pa kayo makakauwi sa amo nyo pagkatapos ng recovery nya. Bagong ligo pero mukhang dugyutin😂.Di bale maya maya lang tuyo na kayo dalawa haha. Mga anak nyo maya o bukas ko na paliguan, nagrereklamo na si mader sa amoy nyong dalawa haha

@Ghie4945

Gawin ko muna tong labada ko na binabad kahapon,araw araw na rin laba ko ngayon,paunti unting laba, medyo nadagdagan kasi trabaho ko sa bahay kaya hatiin ang oras para magkasya. Pero importante talaga sakin may tulog ako, mas di ako makagawa kapag kulang na kulang sa tulog,dun papasok migraine ko.

@Ghie4945

Late na mirienda ko,dinner na, ewan ko lang kung makakain pa ko mamaya maya,nagsaing pa naman si mader.

@Ghie4945

Haha, tinamaan ako dito, ganitong ganito ko, pero mag foforty pa lang naman ako ramdam ko na yun wala na kong kilig na nararamdaman😂😂😂yan na lang iniisip ko.😂😂😂 #ctto #photosourceFb

@Ghie4945

Sa mga di ko pa nafollow sa mga naglike sa Noise app nafollow ko na yun iba, yun iba paramdam na lang para same same hehe,para same tayo makapagbigay ng comment sa post😊😊😊

@Ghie4945

Good morning sa lahat, himala na maaga ko nagising 7am nagising ako dahil need ko na ulit linisan kulungan ng dalawang pusa, ewan ko ba ayaw nila magbawas sa banyo o cr, gusto pa nila sa kulungan. Nakapag almusal na rin, at maya maya labada na ulit ako ng damit ko. Sa Monday naman linis ng bahay. Paulit ulit lang gawain sa bahay no...ganun talaga buhay, mag extra extra muna ko.

@Ghie4945

Kapangyarihan ng tubig...Tubig lang pala katapat ni Regal ay Silent Shocker haha. Watching Darna lipad.

@Ghie4945

Late post ginataang tilapia na may kalabasa, sarap dami kong kain kanina,3pm na ko nakatapos ng gawain,rest naman at hanap naman ng mamimirienda ngayon. Then mamaya maggabi,may gawain nanaman sa bahay. Actually marami pa talaga ko linisin sa bahay pero kailangan unti unti lang para di tayo pumanaw agad, masama din sobrang sipag hehe.

@Ghie4945

Katapos lang ng mga gawain at laya na ulit ang 2 cats at yun dalawa naman sa hawla naman,sa umaga nakatali sila lahat. Yun nasa picture si Katkat yun nasa taas, at si Karina naman yun paakyat na pure persian,matapang kasi si Karina nanunugod sya ng kapwa sa pusa kaya kulong sya sa hawla kapag gabi. Yun dalawa naman si Creampuff laya din, si Kerupin naman ay sa hawla ulit namamahay kasi sila, yun dalawa si Creampuff at Katkat naman sanay na sa poops sa C.R.

@Ghie4945

Morning guys,sarap ng tulog ko,binuksan ko kasi aircon namin init init ako kagabi at di ko nilagay sa timer haha. Gudluck nanaman ako sa Meralco bill nito naka ilang aircon ako wala pa meter reading malayu layo pa hehe. Kakatapos ko lang mag almusal. Have a blessed day sa lahat.Maya ko labhan yun binabad ko na bedsheet kahapon.😊

@Ghie4945

Ang aircon bow, sa aircon mapapasarap talaga tulog mo,yun tamang lamig lang ha.Pero kapag sobrang lamig naman giginawin ka naman kaya tamang timpla lang parang kape lang para swabe sa lalamunan hehe. Pero maghanda ka pagdating naman sa Meralco bill haha,yun lang dun naman mabubutas bulsa mo, kaya hinay hinay din sa paggamit haha. Happy Blessed Sunday sa lahat😊😊😊

@Ghie4945

Naku bukas 10.10 nanaman naiisip nyo ba naiisip ko haha, magpapabudol ba ko bukas. Maybe titingnan ko lang siguro bukas eh yun 1 piso deal nila sa load, yun lang naman inaabangan ko dun. Minsan kahit sales sila, sabihin free shipping mayron na may bawas lang, may babayaran ka pa rin 16 pesos. Kung di mo titingnan talaga mabuti mabubudol ka haha,tapos napagod ka din sa paghahanap ng magandang review at affordable price haha. Basta bet ko lang talaga free shipping no minimum…

@Ghie4945

Gandang gabi,eto nanaman whole day busy nanaman dami gawain sa bahay, ano kaya bagong extra extra ngayon, alam ko lang na latest na extra ngayon sa Darna. Speaking naman sa bagong kapalit na palabas na lolong sa GMA Network na Maria Clara Ibarra, nagustuhan ko yun pagganap ni Barbie Forteza dun at mga ilan Character din sa Story sa paganap nila sa Noli Me Tangere. Actually di talaga ko mahilig sa history nun high school even ngayon pero isa yan sa subject talaga na tumatak…

@Ghie4945

Morning sa lahat, late na ko natulog kagabi pero aga ko nagising, dami gawain kasi sa bahay tuwing umaga, bawi na lang ako tulog mamaya tanghalian kapag dinalaw ng antok. Nagbabad lang ako ng tuwalya para labhan, at naglinis linis ng kwarto,bukas naman linis ng mga electicfan, kapal na ng alikabok lalo na nun sa kusina namin na electric fan. Kailangan ko nanaman magload at paexpired na mamaya Data ko, may wifi naman sa bayaw ko kaso di abot sa kwarto ko, hanggang sa sala…

@Ghie4945

Ay nagulat ako sa last post ko nag auto translation to english yun tinype ko, mahina ko actually sa english,gamit ko kasi yun loptop ko,so may napindot ako hehe.

@Ghie4945

Wala silang magandang promo ngayon sa load, even sa free shipping...anyway...buti na lang wala haha, di nila ko mabubudol ngayon...😂😂😂

@Ghie4945

Katapos ko lang ng gawain maaga kumain at natapos gawain pero di pa kami nagsasara ng tindahan 10 pm pa kasi closing namin. Kalikot muna ng loptop at cp.

@Ghie4945

Morning sa lahat, ngayon lang natapos ng ilang gawain kaya ngayon lang ulit nakabisita. Walang masyadong bago ngayon same pa rin ng gawain sa araw araw, pero this time pass muna labada ko kakasawa din araw arawin. Super init nanaman ng panahon nakakatamad gumawa ng gumawa, mainit kasi sa may sala namin at kusina, sa kwarto to di masyado dahil yun init naaabsorb ng taas namin, kaya dun sa taas namin sobrang init kapag nagstay ka ng matagal pawisan ka ng sobra pagbaba mo.…

@Ghie4945

Eto pala yun niluluto ni mader kanina,ang tawag daw sa isdang yan Albakora,niluto nya na parang sinigang medyo maasim asim ng konti, hinaluan ng gulay,kangkong, kamote,okra at sitaw, may kamatis din at sibuyas😊😊😊

@Ghie4945

Sino na nakasubok nito. Newbie shopee order. Ayoko subukan baka mamaya mahack account ko, yun pag open kasi nyan dyan mismo sa apps na yan.

@Ghie4945

Wala na nanaman tulo gripo,di tuloy ako nakahugas ng pinggan ngayon,bukas na lang ng umaga kung hanggang mamaya wala pa rin tulo. Water Interruption kasi sa lugar namin Maynilad kaya expected na rin talaga na hanggang Oct. 15 may time talaga na walang tulo ang gripo.

@Ghie4945

Ulam namin ngayon gabi,nahirapan ako iupload sya dito kanina kaya ngayon lang naipost. Walang tulo gripo samin ngayon kaya maaring bukas na ko makakapaghugas ng mga hugasin na pinagkainan.

@Ghie4945

Buti talaga nakatulog ako kanina around 3:30pm to 5:30pm kahit medyo mainit panahon kanina,tutok sakin electricfan pero likod ko naman nainitan sa kama kaya pabaling baling din ako,while yun mga gadgets ko naman kanina is nakacharge lahat, loptop at cp ko,cp ko naman nakacharge sa solar kanina kaya kahit di gaano mafull charge ok lang pagdating ng hapon wala ng init.

@Ghie4945

Everyday routine magcharge sa solar kapag ganitong tag init. Bali tatlo yan solar panel, yun isa di mapicturan nasa kataas taasan. Nakalaba na si mader ng kanyang damit. As of now nagluluto na sya ng pananghalian namin.

@Ghie4945

Wala nanaman tulo gripo, maya nanaman ako makahugas ng mga hugasin nito, nood sana ko Maria Clara at Ibarra sa tv pero sa yt na lang pati Darna, busy kasi whole day. Pero yun Abot Kamay ang Pangarap napanood ko naman kanina na. Yan lang pinapanood ko sa tv then mga other movies na sa yt kapag may time pa manood. Ulam namin kanina tanghalian ginisang corn beef namay beans yun parang sitaw nakalimutan ko tawag tapos dinner naman ginisang itlog na may ampalaya. Ang hirap kumain…

@Ghie4945

Kahapon nga pala nag install ako sa loptop ko ng netflix, inustall ko din agad kasi mayron pala monthly plan kapag sa loptop at bukod pa pala yun data ko hehe. Kaya ending tiis na lang ako sa youtube para tipid tipid, makakapag enjoy pa rin naman.hehe Anyway, ang init nanaman sa kwarto ko kahit bukas ang electricfan, malamang mabubuksan ko saglit nanaman aircon para lumamig man lang ang kwarto kahit mga 2 hrs timer.

@Ghie4945

Haiz, kung pwede lang umulan ka na hehe, super init kasi hehe. Sarap magbabad na lang tubig, kahit sa batya lang, parang buhay mayaman haha, walang gagawin buong mag hapon parang nag swiswimming lang sa pool at tatawagin lang ang yaya kapag gusto na kumain, sarap kahit managinip ng ganun hehe. O kaya nasa bathtub with drinking something, tapos pa aircon aircon lang😂

@Ghie4945

Kain tayo guys, sotanghon na may halong manok. Tanghalian this lunch, nauna na sila kumain, ako ngayon pa lang kakain, ngayon lang kasi ginutom. Mamaya maglilinis ulit ako ng ilang electricfan, nalinis ko na yun isa kahapon na de screw type, Standard Electricfan, bata pa ko electricfan pa yun, sobrang tibay ng motor nya.

@Ghie4945

Naglinis lang ako ng isang electricfan pinagpawisan na ko ng husto haha. Pati kaloob loban kasi nilinis ko gamit ang screw driver kinalas ko. Yun ilalim nya may parang lupa lupa na sa sobrang dumi haha. Tatlo pa yun need ko linisin, medyo madali na yun iba dahil bukod sa di gaanong luma, madalas din nalilinis, lalo na yun stand fan. Kung papalinis ko loob babayad pa ko kaya ako na naglinis. Need ko bumili next time ng soldering iron, para ako na lang magrerepair ng simpleng…

@Ghie4945

Morning guys, napatingin ako sa weather sa cp ko, pag open ko ng cp ko yan na agad nag aappear ang weather, so mainit pa naman ngayon, pero pabago bago minsan makulimlim, nagsampay pa naman kuya ko ng mga damit nya na niwashing at sinampay sa may bubungan. Friday nanaman,kayod kayod muna ngayon umaga. Maya kapag sinipag linis ulit isa o dalawang electricfan.

@Ghie4945

Kain tayo guys, bango ng piniprito ni mader, wala ko masyado nagawa kanina kasi nanood lang naman kami ng Net flix gamit ang loptop ko, pagkatapos namin mananghalian kanina. Pinanood namin "Doll House" ang bida si Baron Geisler, maiiyak ka sa story, kapag pinanood mo. Bukas Malaan kung manonood ulit kami. Sa friend nya daw yun account sa net flix, may bayad kasi hehe kung sa akin lang, nainstall ko tuloy ulit kanina.

@Ghie4945

Morning kain tayo guys, gardenian bread palaman mayonaise with Eden cheese at Terno ang mainit na Kape na may Choco.😊😊😊

@Ghie4945

Ayos may magagamit na ko patungan ng loptop ko, mayron pala pamangkin ko di nya naman ginagamit, pinahiram ako, may exaust fan na rin sa ilalim kaso mahina, sira na isang blade, kaya gamit ko yun dati ko pa rin na bigay naman ng pinsan ko. Kaya naman di muna ko bibili hehe,ganda din nito adjustable yun paa nya,sana may makita ko nito sa online shop, padala lang kasi to ng ate ko sa anak nya kaya di ko lam mayron nito dito satin sa pinas.

@Ghie4945

Dami ko hugasin, this time halos maghapon walang tulo samin,dami ko pang gagawin sa bahay, di ko magawa onti na lang yun stock namin tubig, mag iipon nanaman ako maamaya sa gripo. Hopefully hanggang ngayon na lang tong water interruption ng Maynilad .at bukas tuloy tuloy na tubig. Wish ko din umulan para makapagipon din Maynilad sa mga Dam ng tubig, balita kasi mababaw ang tubig sa mga Dam ngayon.

@Ghie4945

Sa ibang lugar pala umuulan na, yun iba gusto umaraw, ako naman gusto ko umulan haiz...yun kaibigan namin sumakit ang ulo kanina sa sobrang init, ako naman eto nag bukas nanaman ng aircon, mga 2hrs. ulit para lang malamigan yun nastock na init kanina sa kwarto... Gusto naman umulan...sumasakit ulo ko sa init, pati bulsa na din😅

@Ghie4945

Gandang morning guys,Blessed Sunday sa lahat, di nanaman nakasimba, hay naku sabi ng Maynilad, may water interruption nanaman sa place namin 10 am to 11pm. Kaya naman nag ipon nanaman ako ng tubig kagabi, sinisipon pa naman ako ngayon. Nag iisip nanaman ng mauulam ngayon tanghalian, di pa naman ako nakabili ng itlog sa palengke namin, puro delata lang nas tindahan namin at noodles.

@Ghie4945

Yes, umuulan na, kaso lang may dis advantage need ko lumabas para pumunta ng palengke sana. Di ko pa lam kung ano ulam namin ngayon ni mader. Baka magdelata na lang kami ngayon, kapag sunday talaga mga tinatamad magluto sa bahay.

@Ghie4945

Sarap ng kain namin kanina ng Dinner, sisig na tokwa kaya lang kinulang si mader sa paglalagay ng siling haba, di ko ramdam yung anghang, pero nasarapan din yun friend namin, sya kasi bumili ng tokwa sa amin naman ang pagluluto. Anyway gabi nanaman, naku paubos nanaman Data ko, parang mas malakas ata ko ngayon sa data, dalawa kasing gadgets gumagana,loptop at cp, next time gawin ko ng alternate para di rin ako masyado malito sa mga gawain ko. Bukas pa labas ko ng bahay ulit,…

@Ghie4945

Grabe no, di pa ko pinanganak nito, my ginawa na palang first movie ng Noli Me Tangere year 1961,black and white pa talaga ang kulay, at mayron parin nakapagtago ng mga ganitong movie, galing.

@Ghie4945

Lalabas ako umulan naman, kapag maaraw naman di rin makalabas sobrang init naman haha, anyway buhay bisikleta ganyan talaga hehe, mahirap kasi sumakay super mahal na ng pamasahe samin, kaya kung sasakay lang din naman dapat sulitin na kung ano mga kailangan bilhin dahil sa mahal ng pamasahe. Nag order kami ng isang sakong bigas Angelica salcedo rice mahal na 1030 pesos na,budget lang namin talaga sa bigas 1k lang pero wala na daw 1k nagtaas nanaman daw kasi. Pangkain at…

@Ghie4945

Naku po,kanina ang t*nga ko ko talaga eh😅. Umalis ba naman ako ng bahay di ko pala dala atm ko,pano tuloy ako magwiwidraw,nandun pa naman sa sling bag ko yun atm, ending ayun bumalik ulit ako sa bahay,napansin ko na lang nandun na ko sa Atm Machine😅😆,haiz naku limot limot, 2nd time na nangyari to sakin😅. Bibili pa naman ako ng itlog dalawang tray so dala ko lang naman dalawang eco bag at mga ilang bubble wrap na galing sa mga parcel ko before,di ko tinatapon para magamit ko…

@Ghie4945

Nadukot ko na yun naipon kong tig 5 pesos na coins ko,pandagdag ni mader sa bigas na binili nya kanina nasa 550 pesos din to lahat.

@Ghie4945

Tena guys kain tayo. Egg with onion and tomatoes, ang ating pambansang ulam itlog😂 Dinner na😋😋😋

@Ghie4945

Morning,Kung kailan naman nagluluto na ng pananghalian,duon naman naghahakot ang basura,wrong timing talaga sila eh,dami din ginagawa sa bahay.

@Ghie4945

Kagaling ko lang ng palengke at bumili ng mantika na de bote, isang dosena, nilagay ko sa bisikleta ko, dami na namin pinagsamahan ng bisikleta ko sa totoo lang. So isang dosena nga sya, kapag nilagay mo sa bike need talaga maingat at maayos ang pagkakatali ng kahon,saka tamang patakbo lang at hawak ng manibela pati break, dahil may pataas at pababa na kalye sa amin, anytime na magkamali pwede sumubsob o sumemplang haha.

@Ghie4945

Bihira ko magpost ngayon, dami kasi gawa ngayon sa bahay, need ko pa gumising pala ng maaga bukas di kasi ko nakapagdilig ngayon ng halaman, expected ko pa naman uulan kaninang hapon dahil medyo kulimlim na kanina, umambon lang ng konti, di naman tumuloy umulan. Anyway, di ko na napicturan yun ulam namin kanina, sa sobrang busy.Ngayon naman closing na tindahan namin, si mader naman laging maaga sa pagbubukas ng tindahan.

@Ghie4945

Morning, sayang naman nakaset up na yun loptop table,kukunin naman agad ng pamangkin ko huhuhu. Ganda pa naman nito, gusto ko pa naman hingin haha, ayaw nga lang pumayag ng pamangkin ko hehe, tiningnan ko sa lazada, mahal pala nito nasa 799 pesos yun pinakamura ganitong ganito itsura pero wala syang exsose fan sa ilalim, tapos yun nakita ko pinakamahal nasa 2k plus. Galing pa kasi to sa Malaysia padala ng ate ko sa anak nya, anyway di nman ako ibibili ng ate ko nito. Makapag…

@Ghie4945

Dami ko kain kanina ng tortang talong, sarap ng pagkakaluto ni mader, saka maganda yun nabili nyang talong bagong pitas, di ko nanaman napicturan. Agahan ko ng tulog ngayon, at dami nanaman work bukas, agahan ko ulit gising para makapag paaraw naman.

@Ghie4945

Morning, kagasing lang at need na naman gumawa muna sa bahay, maikwento ko lang etong si katkat in the middle of the night, hinahanap namin, may nalusutan pala na butas kaya nakapasok sa loob, mag uumaga na kanina, buti na lang nailabas din namin nun time na yon sa loob ng tindahan, bk magkabasag basag de bote namin sa loob, sa akyat baba nya.

@Ghie4945

Good morning guys,paposing muna sa inyong wall ang aking furbabies na si creampuff,napakalanditay naman ng posing posing nya.😊😊😊

@Ghie4945

Excited na ko sa magaganap sa "Abot kamay ang Pangarap"naku magkakaalaman na mamaya,malapit ng makilala ni Analyn ang tunay nyang Ama na si Rj. At si Rj naman maghihinala na sya na si Analyn ang tunay nyang anak kay Lynette.

@Ghie4945

Maigi talaga tong taga bantay ko ng tindahan nakikiMarites din talaga sa labas haha malayo ang tingin😂😂😂

@Ghie4945

Ramdam ko na guys, yun totally paglipat na talaga sa Noise App, unti unti ko na nararamdaman na nawawala na ang free tipss natin dito. Kaya i think mas active na ko sa Noise app. find me na lang sa Noise app, same name parin naman ako. Kung nakapaglike ako sa Noise app nyo find me na lang sa Like post nyo then Explore then follow nyo din ako para same tayo makacomment sa mga post, same thing din sa post ko find ko kayo sa post ko sa Like then Explore.😊😊😊

@Ghie4945

Thank you guys,nakakatuwa naman sa narereceive ko, happy kasi surprising yun narereceive ko,nadadagdagan na sya bawat araw. Thank you sa anonymous na nagbibigay dito sa bago natin bahay. God bless to all.😊😊😊

@Ghie4945

Morning guys, dami ko binigyan this morning, yun natira ko pondo sa Noise cash pinamigay ko na dahil wala ng dumating na ft., so meaning nito Noise App na talaga ang active ngayon pagdating sa extra natin income. Anyway, di ko pa rin to maiwanan...nagtira na lang ako ng remembrance muna hehe😊😊😊

@Ghie4945

Laking tipid sakin to guys, sa tuwing kapag nagloload ako sa GOplus99, may narereceive ako ganito, so ayun nga sa Shopee na ko bumibili ng load kasi may discount ako na 50 pesos, kapag new user naman ng shopee 100 pesos.,tapos bukod pa yun nadidiscount ko sa flash deal nila sa load. Yan yunlast load ko noon , 46 pesos ko lang nabili yun Go+99. Next time ganun ulit kasi may voucher ulit ako at matagal pa din expiry nya kaya magagamit ko next load ko ulit.😊😊😊

@Ghie4945

Yun mag 2am na di pa rin ako dalawin ng antok😂, Lord, i pray na bukas 50 pesos na to or more hehe...Thank you Lord sa Blessing na galing sa apps na to,laking tulong sa tulad kong nasa bahay lang nag eextra extra...parang sa Darna Lipad haha😂. Mananaginip ata ko ng pera ngayon gabi na madaling araw na pala hehe.💲💸💲💸💷💶🌜 Good Mornights😊😊😊

@Ghie4945

Goodmorning, sa lahat. Ang bilis lang din pala makaearned dito basta masipag ka lang sa pagpost, comment at heart. Kanina nga morning nagpost ako magkano lang sya, malaki laki din nadagdag ngayon pag gising ko this morning. Anyway , mag almusal pa lang ako at maya maya eh ibabad ko na ilang labahin ko. Yun karamihan nauna na maglaba dito, ako maya pa hehe.

@Ghie4945

Sa mga di pa active sa Noise App, be active na kayo dun napakabilis lang maka earn sa bago nating bahay. Basta sipag lang sa pagpopost, comment at heart, pagdating sa earning, ang Noise app na bahala sayo... Anonymous ang earning. Ang earning ko kahapon 33 pesos, ngayon 35 pesos na this morning, kakapost ko lang dun. If you like to follow me there search nyo lang ako dun,same user name pa din, Once you follow me,same tayo makakacomment sa isa't isa.

@Ghie4945

Almusal namin this Morning,Champorado late post, nabusy lang. Sabi ng friend ko masarap daw to iterno sa tuyo, may tuyo naman kami kanina pero di na ko nagtuyo, pang tanggal daw kasi ng umay yun tuyo, sa tingin ko nga. Mukhang di nanaman ata ko makakalaba ngayon, medyo masakit kasi mata ko, medyo nangangati dahil siguro sa sipon ko, pasulpot sulpot yun sipon ko, medyo barado pa rin ilong ko ngayon.

@Ghie4945

Ang galing naman di ako nakapag internet kagabi dahil inatake nanaman ako ng migraine ko, pagcheck ko ngayon lang good news, yun sabi ko maka 50 pesos ako kahapon, natupad yun wish ko lampas pa sya ng 50 pesos. Thank you Lord sa blessing.😊😊😊

@Ghie4945

Wala pa yun pananghalian namin pero may nakasaing na...Nakakatuwa naman sa Noise app naka 80 pesos na naiipon ko.

@Ghie4945

Dahil Sunday ngayon, tinamad na magluto at wala din kami Gas Tank ngayon kakaubos lang kagabi kaya ayan bumili na lang sa labas ng Lechon manok si friend, tapos sya din naghugas ng tambak na hugasin kagabi dahil inatake nanaman kasi ko ng migraine ko kagabi, di na rin ako nakakain kagabi, kinain ko lang kagabi skyflakes at tubig tapos nahiga lang sa kwarto. Ngayon nagstay na lang ulit ako sa kwarto, pagkakain namin kanina, di na ko nagtigil ng matagal sa sala dahil sobrang…

@Ghie4945

Yun maglalaba sana ko pero nauwi sa buong araw na pahinga dahil sa migraine ko kagabi. Buong araw din ako di humawak ng gadgets, nagpost lang kanina ng food saglit, at di muna ko nagextra extra kanina. Bukas need ko na talaga maglaba,bukas naman siguro totally ok na ko. Sabi ng kaBrother namin sa church mas mahirap daw migraine ko kung may kasamang sinus, barado nga ilong ko ilang araw na, kaya masakit talaga sa ulo. Sa ngayon di pa rin ako dalawin ng antok, buti nman di…

@Ghie4945

Good morning guys, sa mga di pa nka pagfollow sakin sa Noise app, follow nyo lang ako sa noise.app/Ghie4945 baka sakali sa ganitong format makita nyo ko, makita ko din kayo.

@Ghie4945

Good morning guys,Tuwing umaga eto ang kasakasama ng mader ko tuwing umaga, pinaltan ko ulit ng rechargeable battery dahil lowbat na at ang madalas nya pakinggan tuwing umaga Am Radio lang talaga habang nag aalmusal.hehe. Wait nyo na lang yun almusal time ko, alam ko yun iba nauna na hehe.

@Ghie4945

Guys, kain tayo,palaman keso with mayonaise at mainit na Greatest choco coffee mix,pinagkaysa ko na lang yun keso, kaunti na lang pala natira.Good morning.

@Ghie4945

Mention ko lang si @Blendz di nya ko mahanap eh haha, naghahanapan kami dito...hehe...sa mga di ko pa nfollow, mention nyo lang ako para mfollow back ko kayo, nasa comment ako, ok pwede nyo ilike yun new post ko. Thank you guys, welcome ang lahat dito.😊😊😊 Nakababad na labahin ko.😊😊😊

@Ghie4945

Paano kaya iblack screen tong sa youtube parang walang black screen sa setting, mas komportable kasi mata ko sa black screen setting.

@Ghie4945

Malaki laki din to once pumasok na coins ko, income ko sa 2captcha, noise cash at yun income ko dito na di ko pa nacoconvert na nasa 117 pesos na din.😊😊😊

@Ghie4945

Eto nga guys pumasok na sya, yun total nya eto, so panibagong gawa ulit ng earning at pay out pay out ulit...Tyagaan lang basta free time kahit nasa bahay😊

@Ghie4945

Morning guys, eto kakagising ko lang chineck ko na agad coin ph ko excited sa bumabahang blessing, mukhang maganda pasko natin ngayon, ganda ng papasko ni Noise app,tandaan ko yun time na nagstart eto i think Oct. 01, 2022. Paggising ko bumabahang notification narereceived ko at hanggang ngayon may pending payment pa, ang saya saya d b.

@Ghie4945

Maulang umaga, ipunin ko pa sana, no choice, kailangan ko na iconvert, nagpaload si bayaw, walang laman eloading wallet ko,ayoko nman mangutang ulit kaya galawin na lang yun napay out kahapon sa mga extra extra, need na rin gumastos nanaman hehe

@Ghie4945

Good morning guys, bihira na ko makapagpost dito dahil busy na ko sa kabila. Sa mga di pa updated sa Noise app sa bago nating tahanan, mag sign in na kayo dun sayang din ang kita nakamagkano na din ako dun, naka ipon na ko ng 200 pesos as of now nag start ako dun Oct 1 na nagstart yun i think, sayang nga nun time na yun dahil hindi pa ko active dun nun time na yun kasi nakakareceive pa ko ng ft dito. Pero ngayon totally wala na talaga ft dito almost a week na, kaya very…

@Ghie4945

Yun iba nakapagpost na ng pananghalian nila dito, ako ngayon pa lang pero tapos na kami kumain. Pancit na may halong sardines na may sibuyas at bawang, nilagyan ng kaunting pampalasa, yan inulam namin sa kanin ngayon. Parang ang sarap magchamporado ngayon, maulan kasi ngayon dito samin, pagkatapos kumain ang sarap matulog pero need ko kumita ulit ng pera haha.

@Ghie4945

Nachallenge ako ubusin yun unread messages, tiningnan ko kung sino yun dulo, di rin maubos ubos yun 7 days ago😂😂😂. Tinigilan ko na utom na ko eh. Silipin ko pa yun ulam namin ngayon haha

@Ghie4945

Wala na,di na kaya ng powers ko😂, bawi na lang bukas ng umaga, masarap matulog ngayon. Kaya para fresh ang utak ko ngayon bawi muna this night matulog ng maaga aga. Para bukas may lakas sa extra extra, hopefully sipagin na ko maglaba ulit bukas, di pa tapos yun ibang labahin ko hehe. Bukas ko na panoorin sa youtube si Darna lipad. Bukas na ko magbabasa ng mga unread messages. Goodnight guys...Thank you😘😘😘

@Ghie4945

Gandang morning, aga ko nagising 5:15 am nagising na ko madilim pa sa labas hehe, at malamig ang simoy sa labas, nakabukas pa rin small Fan ko. Anyway eto yun kinita ko kahapon dito hehe. Ganda ng gising ko pag mulat ko ng mata chineck ko agad Coin ph ko😊.

@Ghie4945

Pananghalian for today, cup noodles at pritong purefood cheese dog...with ufc banana ketsup. Happy Lunch sa atin.😊😊😊

@Ghie4945

Let's eat guys, ang pambansang ulam pritong itlog na may halong sibuyas, di nakabili ng gulay at karne sa labas, kaya kung ano na lang stock sa tindahan, yon ulamin. Happy dinner sa lahat, while watching Maria Clara Ibarra.😊😊😊😊

@Ghie4945

Maikwento ko lang, bago ko matulog tonight, naka 50 pesos plus din ako dito within 2 days at may pending payments pa, thank you very much sa mga kind hearted na donor dito sa noise app, very happy and greatful me.😊😊😊😘😘😘

@Ghie4945

Morning, maaga ko pinahirapan ng alaga ko pusang si Katkat, pasaway talaga, dahil payatot nakakalusot sa nga sulok sulok at kaya nyang dalhin katawan nya sa pag akyat akyat.Pinahirapan ako sa pagkuha sa kisame ng atik namin, kaya mamayang gabi nakakulong na muna sya sa isang kulungan. Kaya pala malungkot si creampuff, si creampuff kasi hindi mahilig mag aakyat sa matataas, sa baba lang sya madalas.

@Ghie4945

Katapos ko lang kumain at eto ulam namin, pakbet pakbetan,walang masyadong sahog,pero busog pa rin naman, kapag walang meat na halo ang gulay, gusto ko talaga may ternong crackers or chicharon tapos malamig na soft drink sa mainit na panahon, pero minsan lang ako magsoftdrink masama din kasi sobra, tubig tubig din pagtapos magsoftdrink hehe.

@Ghie4945

Wala pa yun episode ngayon araw, mamaya pa siguro, kapag napagod na mata ko, maybe tomorrow ko na mapapanood ang "Darna Lipad" binabawasan ko na pagpupuyat ngayon at bukas ay need ko lumabas at ayon sa weather forecast ay hapon ang pag ulan sa amin.😊

@Ghie4945

Mag- ina nga sila talaga hehe, malapit na kunin ulit ang Mommy Karina nya sa akin friendship.Ayaw nga lang nya sa tunay nyang mommy, kinikilala nyang mommy si Katkat payatot haha. Padaan muna sila bago ko matulog.Good night sa lahat😊😊😊

@Ghie4945

Good morning guys, kagising ko lang, sarap matulog di masyado mainit kagabi. Sa Noise app eto yun pinaka ayaw ko pindutin hehe. Kasi alam ko yun feeling yun gusto mo sya, pero ayaw sayo...parang pag ibig lang haha...charot... Makaalmusal na nga at aalis ako saglit hehe...

@Ghie4945

Agahan this morning, Pan cake at mainit na Milo. Mamaya na ko magbackread guys, alis muna ko baka abutan ng ulan, si bike nanaman kasama ko hehe.

@Ghie4945

Inabutan ako ng ulan kanina, kala ko mamaya pa ulan hehe, kakarating ko lang samin, bumili ng gamot at nagpaxerox. Inisprayan ko ng tubig ang aking kapartner araw araw hehe.

@Ghie4945

Dahil nakaluto na si mader ng ulam namin na langgonisa, kakain muna ko at maliligo tapos manonood at gagawin na ang extra extra ulit😊

@Ghie4945

Sarap naman nun nabili ni friend, uwi nya galing work, Leche Egg pie.Sulit daw yun nabili na sa halagang 150 pesos sa isa box na nabili nya. Sulit na sulit nga.😋😋😋

@Ghie4945

Ngayon lang ako nakatikim nito Moron daw tawag dito,uwi pa rin ni friend galing daw sa tita nya. Kakanin sya na may chocolate sa loob pero kapag kinain mo di nman sya katamisan, ayos lang lasa nya at binalot sya sa dahon ng saging.

@Ghie4945

Kala ko di na ko magugutom tonight, dahil sa kinain ko kanina, nagutom pa rin pala ko haha, itlog,tuyo at mainit na gatas.😊😊😊late dinner.Yun iba nyan sa brother ko, nagutom din hehe😂😂😂

@Ghie4945

Late breakfast, haba ng tulog ko,maaga ko nagising kanina pinakain ko lang alaga ko, naku ubos na pala pagkain nila, di ako nakabili kahapon, akala ko kasi makakabili si fren kahapon, kaya mamaya need ko tuloy pumunta sa palengke sa may bilihan ng cat food dun mamaya.

@Ghie4945

Eto pala inulam namin ng lunch kanina, tokwa na sisig, kinulang sa anghang ulit yun siling green nya, pero masarap pa rin naman. Kumusta ang lahat, dito medyo malakas ang hangin, pabugso bugso ang ulan. Di ko lam kung makakalabas ako ngayon pero need ko lumabas para sa cat food.

@Ghie4945

Medyo panatag na ko ngayon dahil nakahingi ako ng konting catfood sa pamangkin ko pandagdag sa natirang catfood, may pagkain na sila kahit papaano tonight. Bukas na ko ng umaga makakalabas, pero nagpabili na lang ako sa isa namin friend, bukas daw kasi mamalengke sya at nagpabili na lang din ako. Lakas kasi ng ulan at hangin ngayon sa amin tapos patay sindi ilaw, nagwangwang na rin kanina at nilagyan na ng harang ang iskinita namin dahil mataas na tubig ng ilog sa amin,…

@Ghie4945

Morning, guys musta kayo,ako eto hanggang ngayon lang ako nakapagpost, pang 2 days na, linisin di pa rin tapos, laki ng tubig samin hanggang beywang,nawalan ng kuryente, tubig ng isang araw tapos wala din signal,at ngayon lang nagkaroon.

@Ghie4945

Dami kong pagod dahil sa paglilinis,pag aalis ng burak o putik sa loob ng bahay dahil sa bagyong Paeng, eto na ata pinakamalubhang baha na nangyari samin, pero mapalad pa rin ako at pamilya ko dahil di kami nkaranas tulad ng iba na nirerescue na sa ibabaw ng bubungan ng yero, mayron daw parting sa amin na nirescue,di rin kmi nag evacuate dahil may taas kami. Buti ngayon may Kuryente at tubig na kahit papaano at signal. Pasencya sa di ko pagbisita, natambakan tuloy ako ng…

@Ghie4945

Morning guys, umagang kay ganda, need ko na gumising, sa ngayon naman maayos na tulog hindi katulad nitong nagdaang bagyo na siksikan kami sa taas ng atik namin, kasama namin dalawang pamilya at si friend na sinalba lahat ng kayang isalba na gamit kaya lahat kami nakaupo matulog sa taas,bali siyam kami sa atik, yun dalawa nasa hagdanan tagabantay sa taas ng baha sa sala, tapos yun mga alagang aso at pusa nasa ibabaw ng cabinet na kahoy, dun sila nakapatong lahat. Nalinis ko…