read.cash Log in
@Ghie4945 more from that month

Dami ko gawain ngayon araw,naglaba ulit ako para di maipon,di natuloy yun bed sheet kaya babad na lang bukas then labhan manipis naman tela nun at madali matuyo. Bukas mapaliguan naman yun isang aso namin kapag maaraw,maedad na yun almost 13years old na ata yun isang dog namin,medyo may kalabuan na rin mata nya pero malakas parin sya kumain. Naalala ko tuloy yun isang dog namin na pumanaw na,ilan taon din kami nagsama nun almost 10 years na rin,namatay na lang din dahil sa katandaan at may sakit na rin bukod sa kalabuan na rin ng mata. Sakit sa dibdib nun time na yun, kasi mahal na mahal ko yun dog ko na yun haiz pero ganun talaga buhay una una lang,maiksi lang buhay nila pero mahalaga naiparamdam mo yun pagmamahal ko sa kanya hanggang sa huling buhay nya kasama ko sya.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.