read.cash Log in
@Ghie4945

@Ghie4945 in August 2022

@Ghie4945

NkapagShoppee o Lazada na ba lahat this end of July haha, sinasamantala ko kapag may free shipping kapag may kailangan sa bahay para di na ko lumabas pa hassle pa magbitbit at mamasahe. May gusto nanaman ako bilhin. bukod sa solar panel ko, gusto ko pa magdagdag,maganda kaya to para sa phone ko,need ko fast charging sa phone ko, yun gamit ko kasi na solar panel pang small gadgets lang.

@Ghie4945

Tawang tawa ko sa itsura ng alaga ko haha,bakit ang liit daw ng fan nyaπŸ˜‚. Sama ng mukhaπŸ˜†πŸ˜…πŸ˜‚

@Ghie4945

Kain tayo guys,late lunch na,adobong itlog at luckyme noodles na milkyme.

@Ghie4945

Late ko na naman napicturan haha,nasa 209 pesos din nagastos ko ngayon mcdelivery,may discount pa yun sa sc ni mader,hinatian ko pa nanay at kapatid ko sa double cheese burger,softdrink,apple pie at mcflurry.

@Ghie4945

Morning.Sarap matulog,pero need bumangon para kumayod nanaman sa maghapon. Buti naman,mabait na mga alaga ko kahit takbo ng takbo tuwing gabi sa buong bahay namin,binubuksan na kasi namin yun kwarto tuwing matutulog sa gabi.

@Ghie4945

Breakfast this morning, Champorado,di masyado malagkit yun binigay sa kanya ng kapitbahay namin pero ok lang bigay lang naman. Milo na lang nilagay namin at gatas,sarap din nman.

@Ghie4945

Dumating na din yun panregalo ni mader ko sa anak ng pinsan ko sa birthday nya,may color pencil pa yan, waiting pa dumating, 8 years old na ata yun batang yun sa August 10.

@Ghie4945

Ataduhin ko sa piso,maisabit sa tindahan ulit,haiz hirap na talaga buhay ngayon. Wala mabili sa piso,kahit candy tumataas na din,yun na lang kaya ng bata bilhin,ngayon wala na mabili sa piso,pero mahalaga pa rin piso, Papiso piso lang tubo sa kada load. #Edit Add pic.

@Ghie4945

Update sa Saga ai,may 1 week na ata to,so abutin kaya to ng 500 pesos in 30 days, tingnan natin haha, nasave lang naman yan sa phone ko iunstalled na lang kung di maiwidraw, wala nman ako ginawa dyan hehe. Update nman sa Lingomate,try ko na iwidraw,kung mawidraw let me see 10$ sayang din to😊

@Ghie4945

Ulam ko for today lunch, luto ni mader ulit, afritadang manok ata to, may patatas, siling presko,may karots.

@Ghie4945

Dumating na ulit inorder ko sa Lazada,pandagdag sa battery ko, ganito na gamit ko sa remote at iba pa,AA din sa wall clock, puro rechargeable na ang power nanggagaling sa sikat ng araw.😊😊😊

@Ghie4945

Padaan ang lola nyo,ganun ata talaga kapag nagkakaedad na, bihira na magselfie selfie lalo na sa fb haha. Kakatapos ko lang maligo. Good vibes lang tayo sa maghapon, importante kahit naghihirap, nakakaraos pa rin sa araw araw...😊😊😊

@Ghie4945

Di po ko buntis.Busog lang po koπŸ˜…πŸ˜†. Matutulog na lang nag iisip nanaman ng kakainin para bukasπŸ˜… Nagmumuni-muni lang muna bago matulog. Si Shoppee at Lazada lang nagpapakilig sakin,tuwing magbubukas ako ng parcel,para kong nagbubukas ng giftπŸ˜…Surprise haha...

@Ghie4945

Ang bait ni Doc, buti di busy at nagreply sa katanungan ko,konting pag aantay na lang at makukuha ko na rin documents ko na kailangan ipasa sa kanya para makadiscount sa operasyon ni mother sa mata nya(laser). Halos kalahati rin madidiscount nya sa operasyon,mantakin nyo 31 k both eyes, kung makuha ko yun kailangan documents 18 k na lang babayaran.

@Ghie4945

Agahan, this morning, kamoteng nilupak. Ok din ang sarap nya kahit di na nilagyan ni mader ng asukal, gatas lang hinalo nya daw, ayaw nya daw kasi ng matamis. Matamis na rin nman yun kamote, kaya masarap nman.

@Ghie4945

Madaragdagan ulit yan ng isa pang solar panel,yun isang malaki dyan connected sa ceiling light namin,na regalo ng tito ko sa mader ko nun birthday nya, yun isa naman sa mga gadgets,medyo mahina lang yan kasi dati yan solar panel ng emergency light ko na nasira na matagal na,ginamit ko pangcharge ng small gadgets,bali 6v and 3watts lang yun panel sa small size kaya mahina pasok ng power nya sa big gadgets like smartphone.

@Ghie4945

Lunch namin kanina ginisang upo. Sarap nun nabili ni mader na upo sariwang sariwa,manamis-namis.

@Ghie4945

Matutuwa,inaanak ko sa pinsan sa regalo ni mader ko, nakumpleto rin yun gift nya sa birthday. Lalagyan ko na lang ng Dedication letter, binalot ko na gamit ng Long Art paper na nakastock sa tindahan namin,tapos nilagyan ko na lang ng red ribbon.

@Ghie4945

Nagbike ako this afternoon at nagpunta ng palengke para bumili ng ilan pabili sakin ni mader at catfood,habang nagbibike ako,may nakita ako kuting sa kalsada,sobrang naawa ko kasi patay na nasagasaan sa kalsada😒😒😒.Wala na lang ako magawa kundi ang hirap tingnan.

@Ghie4945

Nakapwesto na si Katkat,inunahan pa si mader sa higaan nya,while si Creampuff naman eto nililikot nanaman yun rubber mat ko haha,bata pa kasi si creampuff mahilig pa sa laro,wala pa sya 1 years old,bukas gulo-gulo nanaman eto,ayusin ko nanaman haha. Hinahayaan ko na galawin nya basta wag lang sya magbabasag ng gamit o pupunta ng telebisyon,nilalagyan namin ng harang baka kasi tumaob yun flat screen tv.

@Ghie4945

Bukas na ko babawi guys haha,para isang bagsakan na lang ulit hehe.For the meantime i'm going to sleep. Goodnight sa lahat😊😊😊

@Ghie4945

Morning,aga si shoppee na agad binisita ko, wala nman ako inabutan piso deal na 100 load 6 to 7 am haha. Anyway chineck ko na lang padating na item ko 😍😍😍😊😊😊,di naman ako excited, tuwing my darating na item.πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚. Nakapagbayad na din ng bill sa kuryente kagabi at nkadiscount ng 100 pesos sa voucher ni shoppee, maynilad na lang mamaya 12nn try ko yun nkalagay na 1k off mpasama kaya yun bill ko wala pa 1k

@Ghie4945

Breakfast this morning, nakatulog ulit ako kanina paggising ko ng maaga,nakapagbreakfast 10 am na. Macaroni spagetti halo pa rin cornbeef like before😊😊😊

@Ghie4945

Dumating na yun solar panel na inorder ko sa Shoppee,natest ko na nagchacharge naman,pero medyo makulimlim pa samin kanina, kaya di ko pa matest ng sobra kung ok talaga sya, nakapagcharge pa rin nman ako kanina ng battery at power bank pero di pa fully charge, mabagal kapag marami nakacharge lalo pa mahina sikat ng araw kanina.

@Ghie4945

Yun tinatamad ako bumangon, dahil kakain na, inaantok pero di nanaman makatulog, nagkape nanaman kasi kanina. Makabangon na nga at kumain, puno nanaman tindahan namin,dahil dumating na kanina yun paninda nya inorder kahapon. Nasa 5k din yun nabili nya pero kung titingnan mo kakaunti na lang sa mahal ng bilihin,parang 2k lang yun npamili nya kung titingnan..

@Ghie4945

Dinner ko kanina hotdog with ketsup,naubos na yun niluto ni mader nun pananghalian na ginataang tilapya kaya nagprito na lang ako ng hotdog. Maagang antukin ata ko ngayon gabi.Agahan ko ulit gising ko bukas para magwarm up. Nagulat ako kanina inadd ako ng kapitbahay namin sa Zumba gc,pinag iisipan ko sumama haha.

@Ghie4945

Umagang kay ganda,buti nman kahit makulimlim nkkpagcharge pa din. Late na naman nagising, inumaga nanaman kasi pagtulog,nangangati pa mata ko nanaman at pasulpot sulpot na sipon.

@Ghie4945

Maulan buhay sa lahat.Kanina makulimlim dito samin,ngayon naman umuulan na,ingat sa mga lugar na malalakas ang ulan,ingat sa paglusong sa baha,mga papasok at uuwi ng work,lalo na mamayang hapon. Di ako masyadong updated ngayon sa panahon kung may bagyo ba,bihira ako ngayon manood ng news. How i wish kahit umuulan walang kulog at kidlat,dahil manonood ako mamaya ng telebisyon,matatapos na kasi yun "Apoy sa Langit". Enjoy sa mga nananghalian,ako maya maya ng onti.Breakfast ko…

@Ghie4945

Late post Breakfast Egg sandwich😊

@Ghie4945

Kaloka, nakailang KYC ako, di pa ko makawidraw,inaabutan ako ng cut off sa 10$.kapag nakawidraw na ko dito itutuloy tuloy ko na din to.Learn chinese lang nman ginagawa ko madalas at check in.πŸ˜‚ Update: Mukhang naapprove na KYC ko,dapat ata same o tugma yun sasabihin mo sa written introduction,inedit ko kasi.15 seconds lang naman pagtyagaan na hehe

@Ghie4945

Lunch para sa maulan panahon. Tena sopas tayo.

@Ghie4945

Omg...inaantok ang lola nyo...sarap ng pasoundtrip ni mader araw araw hehe... Para ko dinuduyan,katapos ko lang maligo medyo pinapatuyo ko pa buhok ko. Pansin ko lang bakit ganun dati naman ako gumagamit ng keypad phone sa pagtetext,ngayon parang hirap na hirap na ko gumamit nito haha,ginagamit ko na lang talaga sya pagtawag tawag. Kapag no choice at di makontak yun tinatawagan dun na lang magagamit yun pantext haha.

@Ghie4945

Guys,naisip ko lang pwede pa naman bumalik ang Nokia phone,need lang nila mag upgrade kasi kilala na yun pangalan nila sa industry,sila na yun nanguna noon pa man. Pero marami sila kakompitensya nandyan Vivo,Samsung,Iphone,Huwei,Xiomi,Sony at Myphone mukhang nahuhuli na ata sa market,aba Real Me ngayon ata kilala ngayon na cp. Maganda ba Xiomi Real Me,gusto ko sana itry yun once magkabudget,phone ko ok pa nman Vivo phone ko almost 6 year na sakin,pero need ko rin kasi ng…

@Ghie4945

Sinubukan ko to oregano with tanglad pinakuluan ko ngayon tapos palalamigin ko, then yun katas o pinakuluan ilalagay ko sa spray bottle o kaya subukan ko ilagay o ipatak sa water purifier namin, pang taboy ng lamok, pwede din daw sa ipis ewan ko lang kung effective pero ginawa ko to talaga para ihalo sa water purifier namin, di ako makabili ng oil na pinapatak kaya try ko to kung effective o may amoy para pangtaboy sa lamok.

@Ghie4945

Eto na nga guys ntry ko na, tinantya ko lang muna yun lagay mga apat na kutsara sa water purifier namin, mukhang wala nman lamok, sa pagpapakulo ko lang kanina amoy na amoy na,pati yun dumating na nagdeliver samin ng tubig amoy na agad,alam na may nagluluto ng tanglad,pero ngayon sa water purifier dahil hindi purong pinakulo nilagay ko, medyo maamoy pero onti lang pwede na rin, mukhang wala nman lamok all around. Konti lang din kasi yun nilagay kong oregano,tipid pa ko sa…

@Ghie4945

Dahil sa binabalita na tataas nanaman daw singil sa Meralco,nag iisip na kong mag invest ng Complete solar panel na hopefully yun kaya lang ng budget at gusto ko rin matutunan yun mga nag bubuild ng sarili nilang Solar power sa kanilang bahay. Simulan ko muna sa maliit para makabawas sa bayarin,problema lang kapag ganitong tag ulan,pero mas tipid kapag tag ulan dahil walang aircon at bihira mag electricfan.

@Ghie4945

Nakakatuwa naman kapag nagtip ka pl sa nagrenoise big logo pala lalabas hehe, ngayon ko lang nanotice, bihira lang ako mkpagtip sa nagrenoise at di rin ako nagrerenoise pa hehe.

@Ghie4945

Update sa SAGA AI: Anyway naglog out sya bigla at mag sign in ka may nakalagay ng password,wala nman password na created sa una pa lang cp number at invitation code lang ilalagay. So ayun na nga nagsearch ako malaman sa una lang nakakapay out yun iba then ngayon scam na katagalan,anyway buti n lang free lang at di ako nag invest hehe Uninstall😊😊😊 Update: Nagtry ako magsign up ulit gamit yun dati ko number pa rin tapos invitation code nilagay ko 123456 lang,try lang. Eto…

@Ghie4945

Update: Lingomate widrawal Saktong 10 pm nman quota na agad kakaloko tong Lingomate haha.

@Ghie4945

Kaloka tong si Katkat ngayon gabi, naglalambing nahiga sa bandang tyan ko, mahilig talaga to kumalong kahit nun maliit pa,malambing na minsan may pasimpleng kagat haha, namiss nya ang kalong.😊😊😊

@Ghie4945

Maulang morning, umaraw saglit tapos ngayon nag uulan na ulit. Kanina pa gising pero ngayon pa lang mag aalmusal, nagcheck in lang sa mga earning site. Kumusta umaga nyo,mamaya pinapapunta kami sa kapitbahay namin sa kamag anak din nmin sa side ng tatay ko,bati tiyahin ko. Birthday nya kasi, siguro dun tanghalian o mirienda na namin, may kaunting handaan na magaganap😊

@Ghie4945

Ganda nito,pero i'm sure mahal nito,nakita ko lang sa fb napadaan pagscroll ko. Di na ko nagtanong dahil wala naman ako pambiliπŸ˜…πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

@Ghie4945

Kain.tinamad magpunta ng birthday.haha

@Ghie4945

Di nakapunta sa may birthday, dinalhan na lang kami sa bahay namin.hehe😊😊😊

@Ghie4945

Gudnyt guys, napasilip lang, sarap ng feeling malamig,tipid sa fan,gamit ko lang small rechargeable fan. Di pa nman ako masyado antok kasi napaidlip ako kanina.Nagchecheck lang din ng balita thru fb.

@Ghie4945

Gandang morning, nagbreakfast lang ng saging na saba,haiz, di pa rin ako makawidraw sa lingomate,yaan ko lang muna sya dyan baka mkatyamba makawidraw hehe.

@Ghie4945

Balik ako mamaya,makaligo muna kahit medyo malamig tubig sa gripo hehe,pero sa una lang naman. Maulan pa rin,ano kaya mamirienda,biscuit na lang ulit,walang mabili sa labasan.

@Ghie4945

Kumuha na lang sa tindahan ng makakain, di nakabili sa labas ng ibang makakain o nakapagluto😊

@Ghie4945

Padaan nga po,naisipan lang magselfie haha, kukunin nanaman ako ng liwanag nitoπŸ˜‚

@Ghie4945

Haiz,good night na,masarap matulog ngayon,dinaanan ko lang yun lingomate,kumusta kaya yun nadaanan ko naglilive dun ng kabastusan, nireport ko na lang... Anyway nanood ako ng KMJS,yun mamang di na nya pinangarap yun makakain ng maayos na ulam,makita mo sobrang saya na nya na napakain sya ng masarap na ulam,samantalang yun iba hindi pa masaya kahit mayron na lahat lahat.

@Ghie4945

Yun bigla ko nagising dahil sa shoppee 8.8 πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚.Sayang di ako umabot sa load Goplus99 piso pa namanπŸ˜….anyway yun 10 sa piso na lang.tapos nagshake shake haha

@Ghie4945

Gandang morning guys, makulimlim nanaman,kagabi ayun nakaorder nanaman sa shoppee,ng kailangan bilhin basta free shipping,tamad na lumabas at bumili sa labas,lahat online na, napabili din piso load sa 10. Advantage lang kasi sa online, hassle na sa oras na marami ka magagawa dadalhin na lang order mo sa bahay di ka na maaabala pa,di ka na magbibitbit pa,nakatipid ka pa sa pamasahe.

@Ghie4945

Sarap ng tulog ng baby ko,puyat na puyat haha.

@Ghie4945

Late upload Tinolang Tilapia, ulam nitong lunch.Makulimlim nanaman.Masarap sana magtulog pero need kumayod hehe.

@Ghie4945

Ang lamig guys,tinamad ako maligo, pero naligo nman kahaponπŸ˜…. Nagugutom na ko maghahagilap nanaman ng makakain sa tindahan nanaman. Eto lang kagandahan kapag may tindahan, di na ko lalabas para bumili, pipitas na lang ng kakainin basta may laman tindahan haha

@Ghie4945

Late upload,my dinner,naubos yun ulam kaninang tanghalian namin.Kumusta ang gabi,nagfan pa rin ako pero yun small fan ko na lang,gusto ko pa rin kasi may hangin pa rin.

@Ghie4945

Agahan this morning,pinuyat ako ng mga alaga ko kagabi,pinagsarhan ko na rin sila ng pinto ng kwarto kanina paumaga na takbo ng takbo. Puto na may keso na niluto sa lanyera ng lecheplan.

@Ghie4945

Blessing,may mabait na kapitbahay nagbigay, di ko alam ano okasyon, niloko pa ko birthday ko daw haha malayo pa birthday ko december haha. May pang ulam na kami ginataan daw yan miki na pancit,di ko lam tawag dyan sa pansit na yan,pwede rin iulam sa kanin. Thank you Lord,maya na magluluto si mader ng ulam namin.😊😊😊

@Ghie4945

Wow,blessing talaga may kasunod pa yun kanina, nalibre nman ngayon ng miriendaπŸ˜‚. Birthday nga nya nun nagbigay na kapitbahay namin,niregaluhan na rin ni mader ko ng isang 1.5 Pepsi hehe. Namiss ko nga kumain ng spagettiπŸ˜πŸ˜πŸ˜πŸ˜‹πŸ˜‹πŸ˜‹

@Ghie4945

Kasarapan ng tulog, nagising lang ako para magWiwi hehe,time check 5:16am, gisingin ko na rin si Share it haha, tapos balik tulog ulitπŸ˜…πŸ˜Š. Anyway nakita ko to kagabi, nasabi ko sabi ko na pambansang ulam nga ang itlog.Ang itlog bow haha. #CTTO Source pic: Fb

@Ghie4945

Ngayon pa lang magbreakfast.Nagbiscuit na lang at kape. Ubos nanaman mainit na tubig, kaya nagpakulo pa ko, wala pang nagkakape sa mga kasama ko hehe.

@Ghie4945

Katapos ko lang gawin, gift sa my birthday, mamaya makalibre nanaman ng kain haha. Magustuhan to ng isa ko pa inaanak sa pamankin.😊😊😊 Diy gift wrapping,lumang ribbon at color paper hehe.

@Ghie4945

Daming handa,saya ng mga bata sa birthday girl😊😊😊

@Ghie4945

Daming handa, nakapagtake out pa kami ng menudo,spagetti,shanghai at fried chicken haha. Maya maya pa namin kainin,kauwi lang namin ng around 6:30pm. Hatid sundo rin kami kanina. Dagdagan pa raw sana ni mader yun menudo para hanggang bukasπŸ˜‚.,nahiya lang daw syaπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Anyway ang daming handa,di ko lang napicturan lahat,may pininyahan manok,Maha,puto,kutsinta,butchi,Cupcake,marsmallow na may hotdog pa nga at Birthday Cake,sa dami ng handa di nagalaw yun birthday cake πŸ˜†πŸ˜‚

@Ghie4945

Binigyan kami ng kakilala namin ng timpladong tapa,iulam na daw namin ngayon tanghalian,maya na daw yun gulay pag uwi nya mamaya. Dun kasi sa tinitirhan nila ngayon lagi mga karne ulam sawa na daw sya, kaya binigay samin. Gusto naman nya gulay ulam, kaya dito naman sya kakain samin mamaya gabi pagtapos ng work nya. Gulay naman ulam namin mamaya.

@Ghie4945

Sabi na eh πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ pambansang ulam talaga ang itlog, hindi lang sa pilipinas,buong mundo faMous ang itlog ng pinoy hahaπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Source: Fb

@Ghie4945

Dumating na yun inorder ko sa shoppee kaya pala kinakabahan ako,biyak pala sya😭😭😭. Excited pa naman si mader,may magagamit na sya panglabahan nya,gusto nya medyo maliit lang size. First time ko makareceive ng damage item. Nagrequest ako ng return/refund, i choose gogo express free pick up sa address ko,tomorrow na din.

@Ghie4945

Kailangan pala maireturn na agad.August 16 automatic di na maisasauli yun item.Tama lang bukas na agad pinili ko schedule.

@Ghie4945

Eto na nga yun ulam namin ngayon ginisang itlog na may ampalaya. Wait pa namin yun nagbigay ng tapa kanina,nasa work pa kasi sya at pauwi pa lang,nag ot ata sa work, para naman sabay sabay kami kakain ng hapunan.😊😊😊.

@Ghie4945

Buti na lang ok lahat tong button lights na binili ko, maayos dumating kahit yun isa bukas na sa lagayan. Mayron na ko nito sa kwarto ko,etong dalawa sa kwarto ng kuya ko naman at yun isa sa salas,kulang pa sa taas na lang,medyo mura ko lang nabili to 18 pesos isa triple AAA battery rechargeable sa araw kaya tipid. Bumili ako nyan kasi yun isa tagal na sa akin ok pa naman, nagagamit ko pa 2 years na.Ginagamit ko yan kapag matutulog na sa gabi.Di na kailangan buksan pa yun…

@Ghie4945

Wow,may Gcash na sya nagtry ako magwidraw, parang di pa rin ako makawidraw.Nandun pa rin yun amount.

@Ghie4945

Ayun lumabas din yun timer.Kanina wala eh,abangers ko tomorrow😊.Wag maexcite...yahoo...possible nasa 600 plus din to😊😊😊 Pero 10$ lang mawiwidraw so equavalent to 556 pesos,next payout yun matitira. Goodmornights...time as now 2:20 am😊😊😊

@Ghie4945

Buti nman ipickup na nila,baka mamaya ipagpabukas bukas pa hanggang ma autocancel yun nireturn item ko na may damage, nagchat ako sa live chat ng help center ng shoppee at nagresponse nman agad.May nareceive na rin ako text sa Gogo Express.

@Ghie4945

Nagulat ako may naipost pala ko sa Fb ko nito,nag appear sa memories ko, After 1 year hiwalay na silaπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

@Ghie4945

Napick up na,pero may paganito pa pala.Need iconfirm ng seller para marefund ng shoppee, minessage ko si seller no reply pa until now,ininform ko na kahapon pa,mahirap pala talaga magreturn,pano kung di agad iconfirm.Kailangan ko nanaman ichat ang help center.

@Ghie4945

Buti naman at marerefund ko once naireturn na,hintayin ko pa refund. Buti nagresponse na si seller.Ok lang sagot nya.

@Ghie4945

Parang di nman takot ang lamok sa oregano ahπŸ˜…,katulad ng bawang at lemon grass nakadapoπŸ˜† Nakita ko yaN bathroom namin habang naliligo ko sa loob haha

@Ghie4945

Buti naman at narefund agad,agad. Kala ko abutin pa ng ilan araw.Nagreflect na rin agad sa shoppee wallet ko.

@Ghie4945

Dahil sinauli ko yun basin na nabili ko ng sira sa Shoppee, nagtry nman ako sa Lazada saka size 16" na Basin ang kailangan ni mader sa paglalaba nya sa lababo, sa Lazada ko nakakita ng mas malaki laki na size hopefully this time maayos makarating yun inorder ko.

@Ghie4945

Gandang morning,listening yun mga naglilive sa lingomate na kumakanta hehe. Mag almusal pa lang ngayon umaga. Dami na naman labahin need nanaman maglaba,kapag sinipagπŸ˜…πŸ˜Š Gawa nyo po.Ingat sa mga nabyahe.

@Ghie4945

Super busog,ulam namin yun ampalaya nun isang gabi pa ulam,ininit na lang,kasi kagabi inulam namin sinigang na baboy. Dito kasi kumain yun dalawang kakilala namin, at yun like nila kainin kagabi. Kanina nman umaga napabili ako ng empanada talap talap,yan yun sinisigaw nya tuwing umaga "Empanada Talap talap" so napabili ko tatlong piraso 15 pesos isa, agahan ko kanina,tapos minirienda ko na lang ngayon yun saba na nilaga na niluto ni mader kanina umaga.

@Ghie4945

Good night guys, nakakalungkot na balita, yun malapit na kaibigan ng nanay ko na kalapit bahay namin nasa ospital at balita ko tinubuhan na😒😒😒. Di pa namin alam kung ano maitutulong namin basta ang alam lang namin tanging panalangin sa ngayon,mataimtim na dasal. I pray na malampasan nya yun pinagdadaanan nya ngayon at lumaban sya sa kanyang karamdaman.

@Ghie4945

Church day naman muna.πŸ˜ŠπŸ™πŸ™πŸ™

@Ghie4945

Nakakalungkot na balita,wala na yun malapit na kaibigan ng mader ko,dineklared na patay na,yun napost ko na dinala sa ospital at tinubuhan. Bihira lang talaga nabubuhay once tinubuhan kana. Di ko makakalimutan yun kabutihan nya samin, yun pagtulong nya sa simpleng paraan. Pero sabi nga ng church member kasister nmin sa church,masaya na sya sa piling ni Lord, tapos na paghihirap nya sa mundong ito😒😒😒

@Ghie4945

Pasensya na guys, hindi ko talaga maiwasan maiyak ngayonπŸ˜₯πŸ˜₯πŸ˜₯,lalo na nababasa ko yun mga mensahe ng mga kaanak ng malapit nmin kaibigan na pumanaw na. Mahina talaga ko sa ganito na may lumilisan,lalo naging malapit samin, nakakausap madalas kahit di namin cya kamag anak. Nanay ko matatag sa ganito,di sya iyakin na tulad ko, handa na sya sa mga ganitong pangyayari. Iniiyak ko lang sa isang sulok at di ko pinapakita yun kahinaan ko😒πŸ˜₯

@Ghie4945

Nakakalimutan ko patulugin sya. Puro pansit laman ng tyan ko ngayon,bukod sa kumain kami kanina sa Church dahil 34th anniversary ng Church ng pansit,menudo,maha at minatamis na malagkit,lechon manok, may nagbigay nman ulit ng pancit galing sa birthday sa kapitbahay namin na anak ng anak ng pinsan ko sa side ng tatay ko nman. Kaya nakatipid uli kmi sa tanghalian at mirienda na hapuna na rin.

@Ghie4945

Guys sino naka encounter na pagwidraw sa lingomate apps,ntry nyo na sa gcash. Yun sa akin kasi lumalabas "Paypal account has been linked" bakit kaya di pa rin ako makawidraw,ano kaya meaning nun,kailangan ba alisin ko yun account ko sa paypal, di nman sya maedit kahit sa gcash once na naglagay ka na ng information.

@Ghie4945

Pang 5th langπŸ˜‚.Kulang sa shake shake.πŸ˜†πŸ˜‚

@Ghie4945

Buti naman nagtext na yun sa pgh online, pero yun tanong parang same lang din ng nafilledupan ko,may nadagdag lang sa tanong.Wait ulit ako ng reply. Nkapagmirienda na ba kayo,ako katapos lang kumain ng kahapon natira sa ref na malagkit at nag Milo. Katapos ko lang din maglaba, pero konti lang nilabhan ko,bukas na ulit yun iba,tinamad na at maggagabi na,late na nkalaba😊

@Ghie4945

Ayan,nag uulan nanaman,mga pauwi galing work ingat at madulas ang daan,me tamang nood lng muna ng tv,buti di kumukulog,pinapatay kasi namin tv kapag nakulog at nakidlat baka masira tv at tv box. Handa nanaman sahuran ng ulan sa may kusina namin dahil nagtutuluan na bubungan.

@Ghie4945

Kain tayo guys,ngayon pa lang ako kakain,tortang talong ulam namin ngayon hapunan😊😊😊

@Ghie4945

Ano to guysπŸ˜†πŸ˜…? may nareceive ba kayong ganito sa lingomate bigyan nyo nga ko ng idea, may interview pa kong nabasa for scheduleπŸ˜…. Di pa naman ako mahilig maglive,learning language lang madalas ko gawin at magview ng nagliliveπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚. Kailangan ba to para makapag widraw akoπŸ˜†πŸ˜…

@Ghie4945

Morning,pinagpawisan ako pagsasampay ng nilabhan ko kahapon,sinampay ko sa bubungan namin para matuyo agad,habang may araw pa, mamaya uulan nanaman sa palagay ko.

@Ghie4945

Napatakbo ko sa bubungan namin kung di pa ko tinawag ni mader,tuluyan na nabasa ng sobra yun sinampay ko haha. Pahinto hinto naman ang ulan,nkakalokong ulan. Busy lang naman kakapindot ng cp,may kausap mader ko,ang balae nya,asawa ng kapatid ng tatay ko,bali Tita ko sa side ng tatay ko, napasyal samin nangumusta.

@Ghie4945

Yes,natyempuhan din...try nyo na now lang hehe...may balance pa,itutuloy ko na to once maapproved😊😊😊

@Ghie4945

Waiting na lang for approval😊😊😊...πŸ™πŸ™πŸ™

@Ghie4945

yehey,approved na sya waiting na lang ako pumasok sa Gcash ko heheπŸ˜‚ Saya saya😊😊😊

@Ghie4945

Study muna...Morning.magtanghali na hehe. Parang gusto ko maglaba ulit mamaya,2nd round di pa tapos hehe

@Ghie4945

Pananghalian Sinigang na isda,bangus,tena kain guys... Maya makalaba ulit😊😊😊 Happy lunch time. Hindi pala sya bangus,yellow pin pala hehe.

@Ghie4945

Ganda nun nabili ko sa Lazada,ok nman sya dumating kahapon,mukhang makapal size 16" sakto lang sa lababo namin worth 99.75,100 pesos na rin. Masaya na makapaglalaba si mader,ayaw nya kasi maglaba ng nakaupo mas bet nya maglaba ng nakatayo. Pero baka ako unang gumamit nyan,tinatamad pa raw sya maglaba.bet ko yun size nya di masyado malaki hehe

@Ghie4945

Morning,aga ko nagising,namulikat kasi bigla kanang braso ko hanggang kamay,natakot ko paggising ko inikot ikot ko yun braso ko para mabuhayan yun dugo ko,parang namanhid ba na di magalaw yun mga daliri ng kamay ko, hanggang sa unti unti bumalik,katakot din eh.

@Ghie4945

Tiklop tiklop muna ng damit,yan pa yun first batch,yun kahapon di pa tuyo, maya may 3rd laba ulit.

@Ghie4945

Ganda nun binili ko USB charger ko para sa AAA at AA rechargeable battery sana ok sya dito sa ordinary rechargeable.

@Ghie4945

Sarap ng sopas, tanghalian,mirienda na rin,kapag may natira hapunan na rin,ganun kami mag ulam para isang lutuan na lang. Magluto na lang sa gabi ng kahit ano kapag walang natira😊

@Ghie4945

Guys.eto na nga sya nareceived ko na rin yun na earn ko sa lingomate pumasok na rin sa wakas. Mag iipon na ulit ako, 2 months din inabot. Umuulan na,nagising ako sa pag idlip ko dahil tumunog cp ko😊😊😊

@Ghie4945

Sayang tong apps na to, gusto ko to dati, kaso bihira ko na laruin to kasi dami ng apps nakakapuno ng phone storage tapos tagal din makaipon. Bukod sa marami ng nagpopop up na ads,tumaas na din widrawal nila pero liit lang ng points na marereceive bago pa makaipon ng minimum 0.69$.

@Ghie4945

Ngayon pa lang nag almusal,may pinagkabisihan pa kanina.Nilagang saging na saba😊😊😊

@Ghie4945

Grabe lakas ng kulog, mukhang di ako mkkapanood ng tv ngaun sa internet na lng siguro,matatapos na yun pinapanood ko na " Apoy sa Langit"Dito muna sa kwarto tong makulit kong alaga,medyo natatakot sa kulog. Mahilig mang agaw ng cp, may nilalaro kasi sya sa cp ko catch the fish haha.

@Ghie4945

Di ko nanaman napicturan yun burger na kinain ko naalala ko lang ubos na haha. May nagtitinda na ulit malapit samin, kapitbahay at kamag anak ko sa side ng tatay ko. Wala na yun dati sila na pumalit, sarap ng burger nila worth 30 pesos pwede na,tinapay na may meat,lettuce,keso,pipino at ketsup with mayonaise kaysa bumili ako ng regular burger sa mcdo wala pang gulay sa loob ketsup lng at meat sa loob ng burger. Masaya kuya at mader ko nalibre ko sila katas ng naearn ko sa…

@Ghie4945

Noon mader ko natutuwa sakin nun baby pa ko at nun bata pa ko, ngayon ako naman natutuwa sa nanay ko kapag nakikita kong masaya at tumatawa habang nanonood ng Bubble Gang haha.

@Ghie4945

Kumain na lang ako ng Jumpong na noodles tapos naghati na lang kami ni mader ko, nabusog daw kasi sya sa minirienda namin kaninang burger,ako nman nagkanin pero onti lng saka jumpong,tapos ngayon parang gusto ko na lang kumain ng biscuit medyo nagutom pa ata ko dahil sa paglilinis ng toilet namin.

@Ghie4945

Morning,sakit ng singaw ko sa bibig sa bandang ilalim pa nman ng dila,natatamaan ng denture ko,tinanggal ko muna tuloy denture ko. Wala pa sa mood mag almusal,pagkagising nagmumog lang muna ng maligamgam na tubig na may asin para gumaling yun singaw ko sa bibig. Ngayon araw pala yun pamamahagi ng Educational Assistance ni Erwin Tulfo,hanggang September 24 din,sa mga may anak na nag aaral at hirap sa buhay,nationwide. Source:…

@Ghie4945

Nakamirienda na rin ng hopia,buti may hopia pa sa tindahan namin at nagkape na lang ako 3 in 1 pagkatapos maligo. Next time na lang ulit bumili ng burger,ipon ipon ulit,kakayod muna ulit para may pangkain hehe.

@Ghie4945

Bumaba na naman pala ang Crypto,di ko pa mawidraw earn ko dito wait ko pa sya tumaas taas naman para malaki laki sana.

@Ghie4945

Eto yun happening kagabi ng dalawa kong alaga,alert na alert sila sa gabi,laro na nila ang magwrestling sa higaan pa ni mader. Ugali na ni Katkat na mahiga sa kandungan ng nanay ko kahit nun bata pa sya hanggang ngayon dala dala pa rin nya yun ugali nyang ganun,si mader naman pinatatanggal nya rin si Katkat, mainit daw kasi katawan ramdam nya hehe.

@Ghie4945

Gandang morning,maagang gising para magbreakfast,thanks God Sunday worship day,punta muna ko church,saka ko na gawin mga bagay bagay. Maghahalukay ulit sa tindahan namin ng maaalmusal,either biscuit na lang at pangkape para mabilis at maligo pa rin ako, cya dyan muna kayo magrerefill pa rin ako medyo mabagal ang dating😊😊😊.

@Ghie4945

Dahil birthday ng sister ko na nasa malayo,nagluto asawa nya ng pancit. Happy birthday sa Sister ko na nasa malayong lugar na nagwowork sa malayo sa ibang bansa .Ingat sya palagi.

@Ghie4945

Sobrang nakakaantok nman ang hapon,kakaligo ko lang kani kanila lang. Sino may lingomate dyan,pasilip silip lang ako, di ko pa natry magvideo streaming,madalas kasi lagi ko nakaspagetti sa bahay,mainit kasi,baka masagwa tingnan mabastos ng ibang lahi. Saka shy ako sa mga video video na yan.,malaki lang talaga points dyan,yun iba naglilive stream naman pero di pinapakita full face.hehe

@Ghie4945

Namimiss ko yun cake,wala pang kasunod yun pansit,tinanong ko yun pamankin ko,wala pang sagotπŸ˜‚,o kaya ice creamπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Kapag birthday talaga yun hinahanap eh noπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

@Ghie4945

Last 2 weeks na lang yun pinapanood ko sa Gma 7. Matatapos na manganganak na rin si Stella na may ala pusa na may siyam na buhayπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Source: Fb

@Ghie4945

Nakakahiya naman humingi, maliit lang pala binili nila cake haha, di bali kapag sinipag ako lumabas bibili ko ng cake kahit sa panahon na walang okasyon, magustuhan lang kumain,pagsasaluhan namin ni nanay at kuya. Ayoko naman na ako lang kakain.😊😊😊

@Ghie4945

Konti na lang ipon at makakabawi na ko sa iba,sana wala ko makaligtaan mamaya bago ko matulog....πŸ˜ŠπŸ˜„πŸ˜Š Parang gusto ko tuloy lumabas bukas na bukas din para kumain ng cake hahaha. Pero sabi ko lang yun, itulog ko lang to ngayon gabi lipas na rin yun craving ko sa cake haha,pero mayron pa kong namimiss inumin actually yun Sagu na nabibili sa Mall,iba't ibang flavor mayron yun favorite ko yun pandan flavor,bet ko sya inumin kahit medyo may singaw pa ilalim ng dila ko.😊😊😊

@Ghie4945

Ayun naman pala nalate lang haha, Red ribbon to hehe,chocolate,ok na rin. Pero bet ko sa Cake maybe mocha, chocolate kasi sobrang tamis lasa ko. Pero pansin ng nanay ko parang di raw masyado matamis ngayon yun chocolate flavor ng red ribbon ngayon. Baka daw nagbabawas ng sugar dahil mahal ang sugar ngayon.😊😊😊

@Ghie4945

Magkano kaya gastos ng mga studyante ngayon sa pagbili ng mga gamit pang school nila.Noon naalala ko gastos ng mader ko nasa 1k lang mahigit,skul supply na yun,mayron na rin ako medyas at bag nun,uniform ko naman noon pinagliitan ng ate ko,pamasahe naman bukod pa ata,sa Sm SouthMall pa kami nakakarating nun wala pang malapit na Mall sa Cavite. Ang sarap isipin lang noong bata pa ko excited ako sa mga bagong gamit ko pang school puro bago gamit,tapos parang pabidahan pa kayo…

@Ghie4945

Labada day, babad muna para mabilis lang labada. Face to face na mga bata ngayon, naku super namiss nila yun magkikita silang magkaklase,i'm sure.

@Ghie4945

Stop muna si labada, nood muna ng "Apoy sa Langit" babad naman decolor, para madali na lang labhan,may washing machine nman kami pero mas gusto ko pa rin magkamay,nasisira kasi damit ko sa washing machine lalo na yun may garter, kaya mas bet ko pa rin magkamay.

@Ghie4945

Pinakakaba talaga ko ng Apoy sa Langit sa tingin ko di matutuloy yun tuturukan na si Anthony ng pampatay. Patay na ulit tv, back to labada ulit😊😊😊

@Ghie4945

Naghiga higa muna matapos maglaba kanina. Kapag sinipag linis electricfan nman at laba ng bedsheet nman,natapos ko na labhan kumot at punda. Mas matrabaho talaga sa bahay,di maubos ubos na gawain. Maghahapunan na naman,maya pa kami kakain,ot pa sa work yun makikisabay samin sa hapag kainan.

@Ghie4945

Agahan ko na gising sa umaga para masanay,parang napasok na rin ulit sa skul o sa work haha,baka hilahin nanaman ako ni higaan maulan pa naman ngayon hehe. Ingat dahil sa ulat panahon may bagyo ngayon lalo na sa bandang Northern Region,papunta dyan ang bagyo ayon sa weather forecast ng Pag Asa.

@Ghie4945

Gandang Morning,aga ko nagising kanina pero natulog ulit ako,medyo kulang kasi tulog ko dahil sa mga alaga ko kagugulo tuwing gabi, pinagsarhan ko ulit ng kwarto, dun sila sa labas ng kwarto ko kagabi. Pero mader ko maaga talaga nagigising 6am araw araw gising na yun para magbukas ng tindahan, pero maaga naman sya matulog sa gabi 10 pm sarado na tindahan sleep na din sya while ako inaabot pa ng 12 midnight haha.

@Ghie4945

First time ko maglive stream sa lingomate haha.

@Ghie4945

Yan lang kapag maulan,mahirap magpatuyo ng damit, medyo malamig ngayon,kakain pa lang ako ng lunch. Yun lunch namin parang agahan,sinangag na kanin at pritong itlog,marami kasi natirang kanin kagabi. Maya pa raw lutuin yun gulay na nabili ni mader pangsinigang na baboy ata,dahil yun karne na baboy sa nakatira samin,maya pa gabi ulit uwi dahil sa work,siya kasi may ari nun karne,dito ulit sya kakain samin hehe.

@Ghie4945

jusko!!!Papatayin na si AnthonyπŸ˜±πŸ˜±πŸ˜±πŸ˜…πŸ˜†.Kinakabahan nanaman ako,aabutan ni Ningning,sa tingin ko di matutuloy,o matuloy man macontrol pa. #watchingapoysalangit #2weeknalang

@Ghie4945

Sarap ng tulog ng bebe na yan, maya active nanaman sila.

@Ghie4945

Buti na lang dumaan kanina umaga yun kakilala ni mader kalapit bahay,inalok sya kahit wala pang pambayad,sa hapon na daw bayaran pero mukhang bukas na sya maniningil,kaya bukas na rin to mababayaran. Kain tayo guys,suman at Milo,kape sana kaso kakakape ko lang kanina umaga.

@Ghie4945

Sarap ng panahon, malamig ang gabi,kaya nkasweeter me ngayon at kumot,wala muna si fan,pero minsan type ko magbukas ng fan para may air pa rin sa kwarto kaya minsan open ko si small mini fan. Muntik ko nanaman di patulugin si Muning sa share it ko, minsan ng nakalimutan ko. Panay ulan ngayon dito samin, medyo kampante na kami sa ilog namin malapit dito samin dahil tinaasan na ng bakod,kahit papaano bawas pangamba na umapaw agad ang ilog.

@Ghie4945

Agang, morning, need na gumising hangga't maaraw pa, need ko pumunta ng palengke para bumili ng Cat food. Almusal lang ako at makapunta na gamit ang bisikleta ko, may pabili din si mader na mantika.

@Ghie4945

Pinagpawisan din sa pagbibike,buti may sumbrero at jacket akong dala,umambon pa naman,pahinga lang muna at maya maya maliligo nman. Kung dati rati naliligo muna ko tuwing aalis at magbibike, ngayon alis muna bago ligo para siguradong malinis pag uwi ng bahay. Bumili lang nman ako mantika,,hotdog,paminta at catfood,half lang binili ko kasi nag order ako sa lazada padating na rin, naubusan lang sa cat food,ngayon lang nakalabas ulit at maulan kahapon.

@Ghie4945

Sinigang na baboy,natirang ulam kagabi.Kakain pa lang😊

@Ghie4945

May natira pang suman,kaya nakamirienda ulit. Hindi naghanda yun may birthday na kapitbahay ko ngayon, napasabay daw kasi sa sabay sabay na gastos,pasukan na kasi ng mga bata kaya siguro tapos ilaw at tubig bill mayron na rin,wala pa yun sahod nya sa work nya.

@Ghie4945

Kawawa naman, muntik ko nanaman sya makalimutan patulugin hehe,cge na patulugin na kita hehe. Laking tulong to sakin,yun load na narereceive ko, pinangpapasa load ko.😊😊😊

@Ghie4945

Morning,aga gising,ginising ako ng pamankin ko papaload daw sya, di rin nman nkapagpaload wala yun promo na gusto nya sa tm sim nya. Need na bumangon, maraming gagawin sa bahay,laba bedsheet at lilinis din muna. Pero almusal muna ko bago gawin gawain bahay.

@Ghie4945

Tiklop tiklop lang ng mga nilabhan nun isang araw pa,ngayon lang natuyo. Haiz,padating nanaman si order ko sa lazada,cat food,nasa 297 pesos din,pangmatagalan na nila maubos. Napalitan ko na din bedsheet ko at punda ng unan kagabi pa,bago matulog,music music ng praise and worship song,habang may ginagawa.

@Ghie4945

May part 2 pa ata,nakatakas si Cezar haha. Patola mga pulis,naposasan na naagawan pa ng baril.πŸ˜…πŸ˜‚πŸ˜‚ Pilay pilay pa yun,bilis tumakboπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Comercial pa,daming comercial. #Watching apoy sa langit

@Ghie4945

Masaya nanaman alaga ko,dami nanaman nila food,tagal na to maubos,ubos nanaman bulsa ko pero ok lang ganun talaga kapag may alaga,nkakawala nman sila ng stress sa buhay.

@Ghie4945

Burger sana bilhin ko,eh mahal ang burger 30 pesos isa,naubos na pera ko,kaya fishbol na lang binili ko,walang gustong maglabas ehπŸ˜…πŸ˜…πŸ˜… sa mga kasama ko sa bahay. Para lahat makakain,iulam ko na lang sa kanin,masarap din naman pati sauce😊

@Ghie4945

Dami ko gawain ngayon araw,naglaba ulit ako para di maipon,di natuloy yun bed sheet kaya babad na lang bukas then labhan manipis naman tela nun at madali matuyo. Bukas mapaliguan naman yun isang aso namin kapag maaraw,maedad na yun almost 13years old na ata yun isang dog namin,medyo may kalabuan na rin mata nya pero malakas parin sya kumain. Naalala ko tuloy yun isang dog namin na pumanaw na,ilan taon din kami nagsama nun almost 10 years na rin,namatay na lang din dahil sa…

@Ghie4945

Morning,breakfast this morning,nilupak na kamote.

@Ghie4945

Kagabi to buti umabot ako sa oras sa share it past 12 midnight na kasi yun. Napakainit nanaman ngayon,bilis makacharge ngayon sa solar ko. Pagbukas ko sa noise wallet ko nagulat ako nawala yun earn ko,buti pagset ko ulit ng seed phrase bumalik nman,widrawin ko na nga nasa 10$ na din baka pera na maging bato paπŸ˜…πŸ˜†.

@Ghie4945

Nareceive at naiconvert ko na din sa peso yun kinita ko dito. Panibagong ipon ipon ulit.😊😊😊

@Ghie4945

Naku,eto nanaman tayo ginugutom nanaman ako at hanap ay mirienda,hanap na lang muna biscuit sa tindahan ni mader. 2nd widrawal ko na to kung sakali makatsamba ulit sa widrawal 5$ kung di makawidraw tataas lang to at maiipon maximum widrawal 10$ sa paypal,gcash 5$ na lang maximum nila,ok na din basta makawidraw. Maulan nanaman,kala ko di na uulan pa ulit,super init na ng panahon kanina. Padaan daan lang ulan dito samin.😊😊😊

@Ghie4945

Ngayon lang ulit ako nakakain ng isaw,nakitikim lang sa binili ng pamankin ko,yun isaw kaya mataba tinubog sa arina. Masarap nman malutong din,sawsaw sa suka na may sili.

@Ghie4945

Late upload,nabusy nanaman kanina,lunch namin kanina itlog na may halong corn beef. As of now tulog na si mader,kami na lang ng brother ko gising sa bahay at mga alaga kong pusa na duty nila tuwing gabi haha. Wala na ulit ulan,di na masyado mainit ngayon gabi pero nakaFan pa rin ako. Mukhang bumaba naman kuryente ngayon month dahil di kami nag aircon ngayon month,tapos dim light lang bukas at gamit ng kuya ko sa kwarto nya,sa solar din yun battery na rechargeable,charging…

@Ghie4945

Morning guys,late breakfast nanaman me,napuyat nanaman sa paextra extra kagabi,sarap din ng weather di masyado mainit. Nag iisip ako kung ano need ko bilhin desktop,loptop o tablet para sa extra extra ko,sira na kasi yun mini loptop ko,di na rin kaya iupgrade daw nasa 2gb lang storage nun at Windows Xp cya,pero kulang pa ipon kaya kaya wait wait muna,kung loptop need ko bumili ng mas high end.

@Ghie4945

Kain muna ko guys,maya na yun iba na bawi ko.hopefully wala ko malimutan hehe. Adobong manok with pineapple tidbits.Mukhang mapapasoftdrink nanaman ako nito hehe. Pero kapag softdrink ngayon maya tubig naman,mahirap na magkasakit sa panahon ngayon.

@Ghie4945

Dahil tikim lang yun kahapon,napabili ako ngayon ng isaw. Si mader ko na mareklamo lagi tuwing bibili ako sa labas,parang tubig daw yun sawsawan na sukaπŸ˜…,tinikman nya kasi yun nabili ko. May asim naman di na nga lang sa ineexpect nya,sabi ko na lang sa mader ko,wag ka na magreklamo at pambenta yun syempreπŸ˜….

@Ghie4945

Agahan ko matulog ngayon,para naman makapunta ng church bukas ng umaga. Mahirap din yun laging puyat.Kapag ganitong sunday namimiss ko na gumala,like kapag day off ko sa work punta sa labas kakain ng slice cake nun nagwowork pa ko sa malaysia. Ngayon wala na ko mabilhan dito sa pinas ng slice cake,pero pricy nga lang talaga yun nabili ko slice cake noon,nkkaubos ako ng 200 pesos sa slice cake na tiramizu with tea,pero sulit kasi sobrang sarap talaga hehe,nkkbili lang nman…

@Ghie4945

Umagang kay sa sakit ng ulo,namimitik mitik ng onti,maagang natulog pero gising nman ang diwa. Nakabreakfast na din,biscuit at milo.Need na umorder ng ilan paninda ni mader,kahit panggamit sa bahay,matumal naman ang tindahan dahil sa dami na ng may tindahan sa lugar namin.

@Ghie4945

May kikiam pa pala sa ref kaya niluto ni mader panfmirienda sawsaw na lang sa suka at toyo. Nawala wala na migraine ko,mainit nanaman kasi.

@Ghie4945

Eto pala yun ulam namin ng dinner,wala mabilhan ng gulay sa labasan, kaya kung ano na lang natira sa ref yun na lang inulam. Rest early na muna ko at may konting migraine pa rin,medyo lumamig ng konti ng panahon,dahil kahit papaano nabasa ang lupa dahil sa buhos ng ulan,ngayon nman huminto na.

@Ghie4945

Morning,agang gising pero nakahiga pa rin masakit ang ulo ,gawa pa rin ng migraine. While yun iba busy na this morning,papunta na sa work at school.

@Ghie4945

Ganito nanaman ulam namin,bukas need ko na talaga lumabas para bumili na sa palengke ng gulay. Ilan araw na kasi walang naglalako ng gulay dito samin,bakit kaya ilang araw na di naglalako yun aleng naglalako sa amin Buti na lang medyo nawala na sakit ng ulo ko dahil sa migraine,nakuha nman sa biogesic.

@Ghie4945

Horror time...Ayan na si manang LucyπŸ˜‚ Watching Apoy sa Langit 1 week na lang...😊

@Ghie4945

Napabili ko sa mcdelivery ulit gamit ang senior citizen ni mader, kaya nakadiscount ulit, nagutom at napaorder ng di oras, basta sa pagkain talaga di talaga mapapatipid. So ayun,binigay ko yun isang pirasong chicken sa brother ko at yun apple pie sa mader ko. Di ko matiis na ako lang kakain while yun kasama ko sa bahay di ko bibigyan. Tapos dito lang ako sa loob ng kwarto at todo aircon,nood lang movie.

@Ghie4945

Dapat pala hindi ko sinet sa timer yun aircon namin, naiset ko pa ata ng 4 hours,mga 6pm pa tuloy to magstop. Para ko naghotel sa sarili kong kwartoπŸ˜†πŸ˜‚πŸ˜….Maliligo pa naman ako.Maya na tuloy ako makaligo ,nasa labas kasi ang Shower haha.

@Ghie4945

Kakatapos ko lang maligo,naku pagkuha ko ng bath towel ko na nakasampay sa sampayan namin,di ko napansin may langgam pala. Ayun kinagat nga ko ng langgam pati kasingit singitan koπŸ˜†. Banlaw ulit ako para malaglag yun maliliit na pulang langgam. Saka ko tinawag mader ko para ikuha ko ng bagong bath towel,at yun towel na may langgam binabad ko na sa sabon na may tubig,at bukas ko na lang ng umaga lalabhan. Buti at ok na pakiramdam ko,aircon,ligo at mcdo lang pala katapat ng…

@Ghie4945

Morning,bayaran na naman electric bill,medyo bumaba yun bill namin dahil di kami nag aircon,sa next billing malaan ulit hehe.

@Ghie4945

Dahil kaunti na lang Data ko,bumili na ko kay Shoppee ng Go50 worth 37 pesos na lang na nkapromo nila ngayon,tapos nakaregister pa ko sa GOSURFBE34 kaya mahaba haba expiry ng load ko,maexpired man sya ng 3 days at di ko maubos within 3 days,may extra pa yan 15 days.

@Ghie4945

Ayos, dami ko nabili ko load worth 1 peso sa 10 peso load,bukod dun yun 15 peso na 1Gb sa Go promo for 1.day nabili ko lang din sa piso. Mamaya,check ko na din sa mga bills payment baka may discount na 100 pesos.

@Ghie4945

Buti naman at may tugon na ang PGH tagal din bago makareceive ng tugon, kala ko di nila natatanggap yun request kong documents. Sabi ni mader ko na mag second opinion pa rin daw sya baka sakali na di na ilaser yun mata nya malaki din magagastos almost 13k may discount na yun,2nd opinion sa nag opera ulit sa kanya, panibagong appointment at gastos nanaman kung sakali.

@Ghie4945

Sa wakas nakakain din ng gulay kaninang tanghaling ulam namin,nalate post ko kala ko napost ko na hehe,kangkong na ginisa sa tuna hehe

@Ghie4945

Dahil sobrang lago na ng Alovera plant ko,ngayon naligo ako,eto na ginawa kong shampoo sa buhok ko,medyo nakatipid ako sa shampoo ngayon. Ok naman mabango naman sa buhok ko.Di lang sya mabula,pero may bula pa rin naman na dulas sa buhok nun nilagay ko na.

@Ghie4945

Gabi nanaman,matutulog nanaman tayo,at bukas kayod nanaman para sa pang araw araw na pangangailangan. Lumilipas ang araw di mo mapapansin,magtatapos na naman ang taon,at yun edad natin haiz...buhay ganyan talaga...isipin na lang natin yun mga masasayang sandali ng ating buhay sa hinaharap... Goodnight😊😊😊

@Ghie4945

Buti naman at makukuha ko na yun documents, kaso lang di ako makakapunta ngayon araw, pwede naman siguro to sa ibang araw either bukas, kaninang umaga lang sila nagtext at late ko na rin nabasa around 10am na,tapos yun kasama ko may lakad din kaya di pwede,ayaw ko naman magcomute at abutan ako ng sobrang traffic,kaya sa ibang araw na lang. Sana lang di kami abutan ng bagyo,may paparating pa naman.

@Ghie4945

Anyway,lunch namin ngayon Sweet and sour Tilapia para maiba naman daw ulam namin ngayon,buti may nabili si mader na dumaan na nagtitinda ng isda,di na kailangan pumunta ng palengke at mahal din ang pamasahe sa trycycle ngayon,mas mahal pa kaysa pamasahe sa jeep at buses.

@Ghie4945

Gawa na alovera shampoo ko,kapag dumating yun baby shampoo ni mader haluan ko na lang ng konti para naman medyo mabula kapag ginamit ko na😊. Ginayat ko lang at inalis ang balat,di ko na binilender,tapos lagay ko sa ref yun natira.

@Ghie4945

Mirienda muna,pagkatapos maligo, at si mader kausap yun nakuha ng order namin sa tindahan, bukas ang delivery.😊

@Ghie4945

Late ko nanaman napicturan yun ulam namin nitong hapunan haha. Tinolang manok,na halo malunggay at papaya. Iyan na lang inabutan ko natira na ulam para sa brother ko na late na kumain.hehe

@Ghie4945

Patulog pa lang ako hehe, at yun iba malamang tulog na at naghihilik na. Bukas maaga me babangon para kunin yun documents na kailangan,hopefully di kami abutan ng bagyo bukas ng maynila. Etong pusa kong si Katkat na paborito sumiksik lagi sa pwetan ng mader ko,di tuloy makagalaw si mader.Maya dun na ulit sila ni creampuff sa labas ng kwarto hehe. Goodnight guys.Bawi muna ng lakas😊😊😊

@Ghie4945

Morning,Aalis sana kami ngayon ng pinsan ko pero di na talaga matutuloy,sabi ko next time na lang at may bagyo,baka abutin pa kami sa daan ng baha,malakas pa naman ang bagyong Henry,kahit hindi sa manila ang sentro ng bagyo. Kumukulog din kanina at may thurderstorm. Ingat sa bagyo lalo na yun bandang Norte,malapit sa ilog at dagat,at sa bundok sa land slide,sa Batanes daw ang sentro ng bagyo ngayon kaya todo ingat at prayers sa lahat.