Good evening, kumusta po ang lahat? It’s been 2 weeks since the last time I post here. Actually hindi talaga maganda pasok ng taon for us. January 3, when my husband tested covid positive. For me hindi na bago un, since 2 years mahigit na rin naman ang pandemic. So imbes magpanic ako, sinabihan ko nalang siya na umuwi agad after ng swab test for confirmation. And the same day nag isolate na kami, medyo natagalan labas ng RTPCR Test niya due sa pag surge ng gustong mag pa test. Wednesday night lumabas yung result confirming na positive talaga. So kami ng mga bata hindi na namin naisipan umalis ng bahay para makituloy muna sa tita ko since close contact nga kami. Kasi kung nagkataon magwe Gwyneth Chua ang peg namin, naghasik ng lagim😁 Kidding aside, todo ingat po tayo. Huwag na po muna tayong lalabas kung wala naman tayong importanteng dapat gawin sa labas. Thankful ako kasi mild symptoms lang kami. At mga kids ko ganun din. Sinipon lang pero may panlasa at pang amoy kami. Ito na nga yung bagong variant ng covid na Omicron. At lalong lalo na, thankful ako kasi ang babait talaga ng dalawa kong kapitbahay dito. Sa panahon na ganito mo talaga malalaman yung mga taong may malasakit sayo. Sila kasi nag offer na sila nalang mamimili ng nga kailangan namin. Good thing talaga uso na online transactions. Pinapadala ko nalang yung pambili through Gcash, kaya less hassle na rin. And yesterday, may nareceived kaming blessings from my inlaws. Nagpa groceries sila sa anak nilang bunso na nandito rin sa Manila. Kaya ang saya lang kahit na may ganitong pasubok, makakakita ka pa rin ng bright side. Na nandiyan lang yung mga taong nag-aalala at aagapay sayo…
5 comments
Welcome back, sis! Glad you're okay na.
Hello sis, maraming salamat. God bless and keep safe.
Salamat, sis! Kaw din po!
Welcome back! And I’m glad you guys seems fine now ate. 😊
Sending prayers po sa inyo ate Mel.. Malalampasan nyo din po lahat ng pagsubok. Nakakatuwa po makita ung malasakit sa sitwasyon po ninyo ngaun.