Bigyan pa sana ako ng mas mahabang pasenya at pang unawa. Baka meron pang ibang paraan para pumayag na mag aral sya. Tinulugan nya talaga yung module. Kahit isa wala syang ginawa. Yung pang 2 weeks na modules ay pang dalawang araw palang natatapos nya. Parang gusto ko syang paulitin ng Grade 1. Naisip ko di naman masamang umulit, ang pangit ay yung uusad sya sa Grade 1 na walang natutunan sa Grade 1. Almost 1 month na kasi mas masipag pa sa kanya yung kinder. Since daycare sya talagang ayaw nya magsulat kaya more on recitation lang sya. Sana kapag 7 years old na sya magbago na yung pananaw nya sa pag aaral.
4 comments
Try to set a prize po kapag mataas po score niya. If hindi man po, may mga videos naman po sa DepEd hehe. At saka, try niyo po na may kasama siya sa pag-a-aral na ka-edad niya hehe. Mas maganda po sana kung lalaki kasama niya para may kalaro po siya after ng klase
Hala. Kawawa se baby, guide nyo po siya para matapos module niya.
gawin mong fun time play time ang pagtuturo sa kanya. ang anak ko nung nasa ganyan edad ginawa namin laro ang pag aaral nya. saka may kondisyon ako na pwede na sya maglaro ng computer kapag natapos na ang mga homeworks. wag mo bigyan ng premyo kasi makakalakhan na dapat may kapalit kapag may dapat tapusin.
kung bigyan mo siya ng deal sis pagnakatapos siya ng Isang module may prize siya kahit maliit na bagay na gusto nya.