Tapos na kaming mag meeting sa Grade 2. Next meeting naman ay Kindergarten at 3 pm. Alam ko lahat kayo agree na kapag bata pa ang estudyante talagang mahabang pasensya at pagpapaliwanag palagi sa bata ang kailangan. Puro lalake ang mga anak ko, pero hindi ko ineexpect na mas maarte pa sila haha! Namimili po ng teacher kasi maganda daw 😂 hindi masaya sa color coding dahil hindi nila gusto ang kulay lalo na yung kindergarten ko iniyakan pa yung clearbook at folder nya na kulay purple dahil yun kasi ang color coding ng kindergarten eh ang fave color nya sky blue. Yung pangalawa ko naman na anak grade 1 gusto maganda ang teacher. Buti nalang din at modular class ngayong bata pa sila masasaktan ang teacher nito na masasabihan na pangit eh. Naku, kailangan talaga lahat ipapaliwanag sa bata kung kinakailangan.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
3 comments
Natatawa ako don ate sa maganda ang teacher hAHHAHAHAHAHAH
Kaya nga, buti nalang modular class pa, ako lang lahat nakakarinig nang mga reklamo nya. May biktima na sya dati, teacher sa daycare na inayawan nya dahil mas maganda daw ang dati nyang teacher.
Hala sya buti pala di face to face ang class sis. Kung nagkataon yari si teacher at baka mayari din grades ng anak mo. Hehe 😅😂