November 01,2021 All Souls Day
Noong ako ay bata pa noong buhay pa ang aking ama ay may kakaibang pangyayari sa buhay ko.
28 Taon na ang Nakalipas....
Nakatira kami sa bundok.Ang bahay namin ay kubo lamang at malayo sa kapitbahay.Malayo kami sa bayan at dalawa lamang ang kapitbahay.Ang bahay ng aking Lola at ang bahay ng aking Umping.Nasa ilalim ang bahay namin tatlo.Bagama't tatlo kaming magkakapitbahay pero medyo malayo ang pagitan ng aming tirahan.Ang aming bahay ang nasa gitna.Ang likod namin ay lagnasan at madaming malalaking puno.Matarik at baku bakung daanan paakyat sa itaas bago makarating sa bagong kapitbahay.Makitid na daan.Magkabila ay mga bangin at lagnasan.Madaming mga naglalakihan na mga puno.Sagana at sariwa ang hangin dito.Maririnig mo ang mga huni ng mga kuliglig,kulisap,mga ibon at mga ungol ng iba pang uri ng hayop.Malayo kami sa kabihasnan.Wala pa kuryente noon.Gamit ang sinaunang ilaw na LAMPARA ito ay binubomba para magkaroon ng liwanag ang gasa sa loob at iyon na ang aming magsisilbing ilaw.Wala pa din GRIPO noon,ang meron lang ay PUSO-NEGRO na kailangan pa tungain.Kailangan itong tipirin dahil ipon lang ito galing sa tubig ulan.ALAHIBI ang tawag sa imbakan ng tubig na pinagkukuhanan ng tubig sa POSO.Inaakyat namin ito para makaigib ng tubig.Ito ang ginagamit sa pagluluto at inumin din kung minsan.Ang tubig naman panlaba ay galing sa ulan na sinahod sa drum.Kumukuha din ng tubig sa KARITAN na galing sa puno ng tuba.Doon yun makikita sa lagnasan.Iyon naman ang gagamitin sa tubig panlaba.Napakalamig ng tubig na iyon.
Sadyang ibang iba ang panahon noon.Malayong malayo na sa panahon ngayon.
Sa aming Bahay-Kubo
Natutulog na kami noon.Dahil bundok ang aming lugar.Walang kuryente kaya huni lang ng KUWAGO o kuliglig ang iyong maririnig..Tulog na yata si Inay at ang tatlo kong kapatid.Mga bata pa lang kami noon..Ang bahay namin ay walang panarado dahil kubo lang ito gawa sa kawayan.May hagdan na mababa na madaling akyatin..
Tahimik na ang lahat.. Tulog na nga sila habang ako ay mulat na mulat pa...
Nang bigla...
Hindi ako magalaw..Nagulat ako ng may makitang itim na ANINO.
Hindi ko alam kung anong tawag doon kung MULTO o TAO pero malabong Tao ito dahil wala naman pumupunta sa amin sa ganoong oras.Sadyang may kakaiba lang sa akin noon.Hindi ko lang maalala kung buhay pa ang Tatay ko noon o patay na siya dahil minsan lang namin siya makasama dahil naghahanapbuhay siya sa Maynila para maglako ng tsinelas.Buwanan lang siya kung umuwi sa amin...
Hindi ko na ito kinuwento sa pamilya ko dahil hindi naman sila maniniwala.Sasabihin nila imahinasyon ko lang yun.Pero tandang tanda ko pa ang itsura nya "Maitim ang kulay nya buong mukha buong katawan"para siyang anino pero totoong gumagalaw siya.Parang nakita ko na siya sa pelikula pero noong panahong yun wala pa ako napapanoodan ng TV dahil sa bundok lang kami nakatira.Nasabi ko lang na parang nakita ko ang imaheng iyon sa TV ngayon na matanda na ako.Marahil nga totoo na may mga kakaibang nilalang.Mas nagpaparamdam sila at nagpapakita sa mga batang musmos pa lamang.Hangang ngayon hindi alam yun ng mga kapatid at Nanay ko.Kinalimutan ko na din.Basta wala nman nangyari sa akin.Hindi nman ako natakot nung time na yun.Ngayon nga lang kung kailan matanda na ako ay saka tumitirik ang balahibo ko kapag naaalala ko ang ANINONG ITIM.
Isa pang pangyayari na kakaiba..Panahon naman na nag aaral na ako at lumipat na ako ng tirahan.Dito na sa side ng Nanay ko.Hindi na nakatira sa bundok pero sa bukid naman.
Dalaga na ako ng ma experience ko naman ang kakaiba na namang pangyayari.PARANORMAL ba ang tawag sa akin?Ako kase ang Taong tahimik lang at nag iisa palagi sa buhay noong kabataan pa.Epekto yata ito ng pagkawala ng maaga ng Tatay ko at kawalan ng oras ng aking Ina.
Noong highschool ako medyo nadevelop na ang pakikisalamuha ko.Unti unti nagkaroon ako ng mga kaibigan.Nakikisali na din ako sa group activities.
Habang magkakasama kami ng mga kaklase ko na kagrupo ko sa isang activity na aming gagawin.Naisipan namin na maglaro ng SPIRIT OF THE GLASS.Hindi ko alam kung anong laro yun pero nakisali din ako.Medyo tahimik pa din ako noong time na yun.Tapos gumawa na sila ng cardboard may letra at numbers.May shot glass din..Naghawak hawak kami ng kamay.Mga anim o lima yata kaming andon.Sabi nila ipikit daw namin ang aming mga mata at magkapit kapit kamay kami.Sineryoso namin ang laro.Sabi nila wala daw bibitaw.
Hangang sa ....
Gumana nga ang laro..nanginig ako.May nakita akong babae na nakaputi (WHITELADY) siguro yun at sinabi nya ang pangalan nya hindi ko na lang matandaan.Tumirik ang balahibo ko/namin at bumitaw ako sa kanila..Kahit mga kasama ko ay natakot din.Mabuti na lang hindi ko na ulit nakita ang babaeng nakaputi.Ngayon ay alaala na lang din iyon.
Pasalamat ako sa Panginoon hindi ko na nararanasan ngayon ang makakita ng kakaibang mga MULTO
Binigyan yata ako ni Lord ng Power o kakaibang pakiramdam sa ibang mga Bagay.Hindi ko alam kung anong tawag sa akin.Ang pinakahuling kakaiba ay binibigyan nya ako ng PANGITAIN...sa panaginip nya yun pinapakita sa akin.Takot akong magbahagi ng panaginip lalo at pangitain ito..Sasarilinin ko na lang.. lalo kung nakakatakot o hindi magandang pangyayari...Kapag nangyari na,maiisip ko...Tunay nga yung pangitain na ipinakita sa akin sa panaginip.Hindi ko naman alam kung paano kontrahin yun.PAGDARASAL lang ang tangi kong sandata para sa pangitain na nakikita ko.Kung hindi ko kayang pigilan alam ko pinapaghanda lang ako ng Panginoon.
Minsan pa napapanaginipan ko din ang pangyayari sa Bibliya.Nang magising ako at mapatingin sa langit may mga imahe ipinakita sa akin na nabubuo sa pamamagitan ng ulap.Napanaginipan ko din ang kakaibang tunog parang musika sa paraiso,nakakahalina parang tunog ng mga trumpeta sa kalangitan.Basta kakaiba siya sa aking pandinig.Noon ko lang iyon napakingan.Alam ko galing sa Panginoon ang lahat ng mga kakaibang nararamdaman ko.Sinusubok nya ang katatagan ng pagiging espiritwal kong Tao.Ang manatiling manalig sa kanya at humingi ng kapatawaran sa mga kasalanan ko.Parang sinasabi nya sa akin hindi pa huli ang lahat..
Magsisi at magbalik loob sa kanya!
Gellihernzâ¨