read.cash Log in
@Gellihernz more from that month

Mga Kananay Kamomshies Nag fillup na din ba kayo ng survey para sa nalalapit na face to face class ng mga bata.Pinahihintulutan ko ang anak ko.Dati pa naman lagi ang fillup ko ay face to face class kahit kasagsagan pa ng covid noon.Noon gustong gusto ko isuggest na magturo ang teacher ng kahit tig 10 na magkakalayo ang distansya at may oras na bukod bukod para patuloy na may matutunan ang mga Bata.Iba pa din kase ang turo ng isang guro kaysa sa magulang lalo pa kung yung anak mo e ayaw nman makinig sayo.Nakak stress lang.Sa kabilang banda naririnig ko sa ibang side ng Nanay mas gusto na daw nila ang modular dahil magastos daw ang limited face to face class dahil madaming kailangan tulad ng facemask alcohol at hygiene kit.Tapos alternate nman ang limited class hindi siya tuloy2.Nag aalala din ang iba na baka mahawa sa covid ang anak nila.Maski ako nag aalala din sa bagay na yun kaya bago sumabak ang anak ko papangaralan ko muna na huwag nya tatangalin ang facemask nya at wag masyado didikit sa kaklase.Basta dapat may sariling gamit siya.Wag na manghiram para safe.Palagay ko naman makakaahon na din tayo sa virus basta sumunod lang sa mga protocols.Basta ako handa na par sa face to face class ng mga anak ko.Ibayong pag iingat lang ang kailangan

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.