Marso na Aba pulas na tayo magtampisaw sa dagat Last year ito kuha sa Matabungkay Resort White sand at malinaw ang tubig alat.Ang daming puting bato at sa floating cottage kami.First time ko dito.Medyo nahilo pa nga ako dahil dinuduyan ng alon ang cottage Kailan kaya uli kami babalik dito Sana makapunta ulit dahil summer na ulit Kaso low tide siya sa umaga Bandang hapon saka naman tataas ang tubig at lalakas na din ang alon
@Gellihernz in March 2022
Katatapos ko lang magtanghalian Silip silip lang uli dito at kabisihan na naman Well nasa shopee app lang naman ako Nahihirapan ako pumili ng beauty care products kahit virtual nakakaloka pumili.Paulit ulit purchase ko kung saan may free shipping.Dapat sa 3/3 omorder pero parang di ko na mahintay dahil wala na akong lotion at body wash.Mga personal care ba.Wala din dito sa grocery store na pinagwoworkan ko kaloka kaya try ko si Watson sa shopee.Sige na babalikan ko na ulit…
Mga Kananay Kamomshies Nag fillup na din ba kayo ng survey para sa nalalapit na face to face class ng mga bata.Pinahihintulutan ko ang anak ko.Dati pa naman lagi ang fillup ko ay face to face class kahit kasagsagan pa ng covid noon.Noon gustong gusto ko isuggest na magturo ang teacher ng kahit tig 10 na magkakalayo ang distansya at may oras na bukod bukod para patuloy na may matutunan ang mga Bata.Iba pa din kase ang turo ng isang guro kaysa sa magulang lalo pa kung yung…
Murang kalabasa sa tanghalian May kaulam na tuyo pero di ko na napicturan Gutom na ako.Salamat naman may sabaw ang ulam ko ngayon Kayo po ba nakapagtamghalian na Sobrang init dito sa amin.Matingkad ang sikat ng araw pero mahangin naman kaya presko pa din Masarap kumain lalo na at tomguts na tomguts na
Beach beach beach ⛱️🏖️ Mukha na akong beach Napapaghalata ang gustung gusto lagi nakatubog sa tubig.Kung makasabi ako sa mga Bata na excited e ako din nman.Hindi maaari na hindi tutubog mainit man o malamig nagkataon pumunta.Hindi palalampasin hindi makasisid kahit languy languyan lang o tubog litaw lang Sila nga pala anak ko,pamankin at hipag ko na nanlibre ng aming beach na ito
Naku nagmamadali na nman si Inday Kaya eentry muna ulit ng isa kahit walang picture nagmamadali nga.Uuwi na kase ako isinisingit ko lang itong post ko habang may customer pa.Pahinto hinto basta itutuloy ko pa din kase aagawin na itong cp ng anak kong bunso.Bandang 8:30 ko na ulit ito mahahawakan kaya lulubusin ko muna Sige na at mag close na kami tindahan Dadating na aking madam.Yayakagin na ako pauwi kaya isang entry post muna
Mothers Best Being Mom is the best happen in mylife.You know why,because all their efforts and sacrifices reflects to me.Specially now I am a Mother also.I am hoping that my children may adopt what I am doing right now,giving them a beautiful life.Hope they realize what I should realize to my loving parents who was very good to me. I want to introduce the two Mother that I really admired❤️❤️❤️ Firstly,my Mom who was in white shirt.I love her so much.Even were not so sweet in…
Kanina ay natanaw ko si Haring Araw pero ito ay panandalian lamang.Ngayon ay nagtago na siyang muli.Mukhang luluha ang kalangitan. Ngayon natanaw ko uli siya,ginugulo tuloy ang aking kaisipan.Parang bumbilyang patay sindi.Sa oras ngayon kahit lumantad na siya ay malamig pa din ang dampi ng hangin at ngayon nga ay damang dama. Magandang Umaga Araw ng Huwebes sa lahat.
3/3 Shopee Online Hinintay ko na lang ang date ngayon 3/3 para makapag online shopping para sa diskwento.Tutal wala na din akong lotion,liquid bath at personal hygiene kaya yan napa order kay watson.Si Watson talaga ang pinili ko store compare sa ibang store na mas mura baka kase imitation.Gusto ko sana pumunta ng mall kaso wala akong time tsaka tinatamad ako kaya online shopping na lang. Omorder na din ako ng mga simcards na kulang tulad ng Smart,Talkntext at Globe.Konti…
Tanghalian ko kanina😅 Natatawa ako lagi na lang mangga Hindi na nga ako nagsawa sa mangga Isang hinog na kinalabaw at isang hilaw Indian mango at konting ulam na adobong Pusit Sarap pa din nman ng kain ko.Hindi yata ako nagsasawa sa mangga.Sana next time singkamas naman
My younger daughter is looking cute with her cousin friendmate Chuchai.Habang nasa likod sila kami naman nasa bandang unahan para makinig sa seremonya ng kasal.On that time social distancing pa din at bawal ang mga Bata kaya nagpaiwan sila doon habang nag ccp at yan na nga panay pala selfie nila. Sina Kiraray todo selfie kaya napuno nman storage ng cp ko Like Mother like daughter talaga kase ako din po mahilig sa Selfies hihi😁
My Dinner Ulam ko kanina malunggay at pinais na isda Biling ulam lang yan.Natira lang nila sa akin dahil late na ako kumain 7pm na.Hindi ako nakasabay mas maaga sila.6pm naghahapunan na sila samantala ako 7-7:30 bago maghapunan.Ngayon lang nman at nabusy ako sa pag asssemble ng shoerack na order ko last January pa.Ngayon ko lang naisip na gawin Siya kanoise ano naman ang inulam nyo ngayong gabi?
Good Morning😊 Kagigising lang Medyo tanghali na dahil walang pasok Nakapamalengke na si Habibi samantala ako bagong nag uunat unat ng katawan Yan nga nakapantulog pa Pero hawak ko muna si walis tambo Magwalis muna sa loob Mamaya kakain nman hinihintay ko lang yung piniprito nya.Sige na gawa gawa na muna tayo!
Magandang Hapon Pilipinas Nandito ako ngayon sa bahay nina Nanay Ang tahimik lang dito.Dyan din ba sa inyo? Kulimlim pero wala namang ulan Nawala din mga bata ko dito Gumala na pumunta sa kalarong kapitbahay Sarap magkape sa ganitong oras Nakalimot na ako sa kape pero dito mukhang mapapakape ako dahil sa panahon ditong tahimik at may kakuwentuhan
Mag goodnight na Ako Tamang silip lang muna Bukas ako babawi.Sobrang busy sa kwentuhan don sa pinuntahan ko mga Auntie at kapatid ko.Happy kahit wala ang batang laruan ko.Hindi ako maka focus sa cp kapag andon kase naeenjoy ako makibonding.Walang katapusang kwentuhan.Isa pa palagi nasa anak ko itong cp Sige na po goodnight na SquadmatesNoisemates Have a good night and Sweet dreams to us...
Champorado time kami kahapon sa kainitan.Sa katanghalian ito pagkain namin dahil walang ulam.Bago pumunta sa bahay ni Nanay ayan nag champorado muna.Malabnaw ang pagkaluto ko sa champorado haha pero naubos din naman namin
Tinola Sabaw kapag day off dahil madaming home task.Kapag nasa bahay saka lang ako nakakagana ng kain compare kapag nasa tindahan.Hassle don kahit madaming pagkain para bang makita pa lang ng aking mga mata ay busog na.Iba talaga kapag pagkain sa bahay o lutong bahay mas masarap mas nakakagana. Kailangan talaga may bukod akong bowl para sa paghigop ng sabaw.More on papak pa pagkatapos ubusin ang kanin sa plato
Nakalabas nga naman ng mall ang mag Couz Naku pinasama namin para samahan si Nanay sa dialysis clinic ng kapatid ko para may kakwentuhan don habang nag aantay yun pala lumaboy ng lumaboy at namiss ang mall.Panay pa selfie ng dalwa.Naiwan nman ang Bunso ko.May iba pinuntahan kasama ng kanyang papa sa bundok naman dahil may birthday ni Lola.First time maghiwalay ng dalwang magkapatid at magkabukod sila ng lakad. Ano kaya ang kwento nila sa akin pamaya?
Meryenda ko ay turon.Hindi ko mahawakan ng ayos dahil malaki.Grabe nman pagkagawa sa turon.Sulit naman ang 15pesos dahil siksik at malaman sa loob.May saging na,may langka pa.Tapos crispy ang balat.Yummy yummy yummy.Tubig lang katapat nito bawal kase sa akin ang softdrinks
Thank you APPICS for notice my post within 2 weeks.Special thanks to Miss jinia junior ambassador.Thanks in 10apx delegates that you gave me so now I can upvotes some users of APPICS who was always supporting my post from start unto now.I am finally positive and have power to votes post yehey! Thanks also to Ms Karen macrensie in advice that I keep on being active and this is the fruit of what you said to me.There's are more who was I've been thankful,the users who gave…
Hapyaw na pinta sa bahay ko Aba nag-iba nga naman ang itsura Kung sa Tao ay nabihisan at nakaporma Sa pagpipinta ng asawa ko sa mga bahay na pasideline sideline natuto nga naman siya.Wala pa isang taon siya sumasama sa pintor tapos sideline lang sa kanya hindi permanente.Malaking kausuran din na marunong siya nito.Sayang din ang 500 per day kaya nga lang minsanan lang ito pero malaking bagay na din Ang ganda sana kung buong bahay namin ay mapintahan kaso kapos na sa…
Mga ka Momshies kumusta po ba? Ngayon po baon ko na naman ang sangkatutak na modules.Magrarush na ulit ako sa paggawa dahil bukas na ipapasa.Kailangan ko na naman si Mareng Google at si Beshie Brainy. Sige na gagawa na ako mga Mamsh nang matapos na Goodluck to me
2012 versus 2022 May pinag iba ba? Feeling ko wala naman Mas lalo pa yata ako pumayat Sana all may changes ng appearance Ako kase mukhang wala ih Kailan kaya ma reach ang pagtaba Before 40 kaya tumaba na ako Mag 34 na ako pero yung style ko at pigura ko pang teenager pa din. How I wish maiba naman Something new naman sana Yung buhok ko pala humaba,yun lang yata ang nagbago😅
Breakfast As usual ripe mango ang side dish Tara kain muna kahit late na Mas inuuna muna ibang bagay eh Gusto ko kase kapag kakain na e yung gutom na gutom na Ano ba ito ulam ko sarsa lang at mangga Kahit ganyan lang naman ay nabusog pa rin ako
Happy birthday Lola sa side ni Father in Heaven Sorry ho hindi ako nakadalo Kapalit naman ho ang bunso ko at yan pa dalwa nyo apo sa tuhod.Napag iwan na naman ako sa happenings. Mga kaapo kasama ni Lola sa umbrella cash ang dami pa kulang dyan dahil ang iba ay mga busy sa trabaho at hindi nakauwi yung iba na nasa malayo. Sana Lola ay madami pang kaarawan ang inyong sapitin.Sorry na minsan lang tayo magpangi pangita More birthdays to come Lola.Miss na po kita😘
Share ko lang sa inyo noong kaliliitan pa nila at sobrang kukulit at bibo pa.Tatlong Mariang magpipinsan na ngayon ay dalaginding at dalaga na.Ang cucute nila dito wacky pose lang eh.Kakatuwa balikan ang mga picture na nakatabi sa atin.Tapos matatawa ka.Maiisip mo ano ang pagkakaiba noon at ngayon.Ang laki na ng improvement kase ngayon ang tatangkad na nila.Dito ay 5,6,7 lang siguro ang edad nila
Saan na ba ako natambay? Di na ako makatambay dito ng matagal May nadiskubre na nman bago ih Parang noon nang mag read ako napinpressure ako.Ang tagal ko makatapos ng artikulo pero hindi ako nag in pero ganun talaga hindi siya para sa akin. Ngayon naman nag eenjoy naman ako tumambay sa APPICS habang nakikipag interact sa mga foreigner.Ang sarap nila ienteerain.Bago pa lang ako don pero try ng try sa mga challenge.Malay natin palarin Mag goodnight na ako.Super late na post ko…
Morning Pips Ito na lang almusal ko Lomi ngayong late breakfast Mixture of breakfast and merienda Lahat ba ay kumain na? Ako lang siguro ang always late Siya ako ay susubo muna Tara po kumain
Newlife routine of Mom's and Sister Dahil nga lifetime na ang dialysis ng kapatid ko kaya kasama na ito sa buhay nila lalong lalo na sa kapatid ko at syempre ang palagiang pag sama ni Nanay.Ang dialysis clinic ay nag ooperate sa isang malapit na mall sa amin.Dito siya nirecomend ng doktor nya dahil wala ng slots sa public hospital kung saan siya naadmit kamakailan.Mas mura sana kung doon mismo dahil 400 lang sana ang babayaran pero dahil private clinic ito ay mas mataas ng…
Happy Womens Month I am proud of myself as a Woman mga ka Squads.Nakita ko lang sa gallery photos ko Some mixture picture namin nina Bagets Hiling ko lang kapag lumaki na sila Manatili silang mabuti at may magandang layunin sa buhay para mapatunayan na walang kapantay ang isang KABABAIHAN Happy Womens Month sa lahat Saludo sa lahat ng Kababaihan na kayang magtaguyod ng Pamilya at kayang makipagsabayan sa mga kalalakihan
Mga kapwa ko Momshies👋 Una binabati ko muna kayo ng HappyWomansDay❤️ Kumusta ang buong maghapon nyo? Ako fruitfull naman... Sa katunayan nga ngayong gabi ay naisipan ko pa iassemble yung binili ko shoerack nung january pa.Ngayon ko lang naisipan gawin sa sobrang kabusy-han ko Yan na nga nagmodel pa si Bunso ng paglalagay ng sapatos.Tulong kaming dalwa.Busy naman si Ate sa modules nya. Maayos ba ang pagka set up ko Ngayon madali na hanapin ang sapatos kaysa dati na hirap…
Sweet Candy Sweet candy in the morning! To my special someone charrr No...its for me A liitle candies🍬 Thats my dessert after meal in my breakfast,lunch and dinner
Ganap tuwing umaga Na minsan nakakalimutan ko din gawin Lalo na ng mag join ako ng mag join sa earning sites kung saan pwede ako kumita Minsan inaalala ko din ito gawin Mga twice a week siguro Pero dati nung hindi pa ako naho hook sa mga earning apps halos araw2 ako nag aatouch nyan saka nakakatulog pa ako at more on chats sa kapamilya Dati yun,ngayon hindi na Yan lang naman ilan sa makeups kit ko💄👄 Sino papa make up?
My make up Output Yan dahil may make up ako kanina Para hindi sayang pag aplay ko kaya nagselfie with make up.Ang dami pa kulang walang eyeliner,liquid para sana mabago itsura kung gusto mo singkit o mas mabilog na mata.Maganda din yun may art kase ang mata.Wala din pencil eyeliner para sa ilalim ng mata.Ang meron lang ako face powder,blusher,eyeshadow,eyebrow at lipstick.Pero hindi ko kinapalan ang eyeshadow at blush kase baka magtaka mga tao dito kapag matingkad ang nasa…
Hindi talaga ako magaling sa hair braiding Kaya yan ganan lang nagawa sa mahabang buhok ng anak ko.Sayang kung marunong lang ako ng iba ibang style ng salapid ginawa ko na.Alam ko lang kase ay lugay lang at pony.Kahit anong panood ko sa youtube ng mga braiding styles kung paano gawin hindi ko makuha kuha.Ganyan lang ang kaya ko gawin yung common lang.Kahit yung panglahatan na unti unti kinukuha yung buhok hindi ko din kayang gawin.Ganyan lang talaga.Bilib sa mga may talento…
Magandang Umaga Kagigising lang.Nakakatamad pa bumangon Ang lamig kase.Nag change off ako kaya yan hilatang hilata pa sa kama.Pero babangon na ako nakakahiya naman sa Hubby ko ang dami na nagawa bago pumasok sa pagpipinta Mga bata hinatid na din nya sa mga Nanay Naiwan ako dito pero pamaya may pupuntahan din ako.Pero maglalaba muna Sige na kilos kilos muna ako. Morning again!
Our rides in tricycle papunta sa mall kung saan ang dialysis clinuc ng kapatid ko.Ngayon lang ulit ako nakalabas ng ibang bayan.Finally masisilayan muli ang mall at dunadayong bayan para mamalengke lalo na ng sariwang isda gulay at mga prutas Sa ngayon dito na ulit kami sa bahay ni Nanay Pamaya pa gabi uwi namin sa amin
View of Province is quite impressive in all the time.Just look up the sky and see the beautiful environment.Everytime is amazing! No one to choose.All the time is pleasant
Yung anak mo hands on na hands on na mag alaga ng Bata na hindi ko kunareer noong edad ko ganyan.Naglalaro ako ng baby at natutuwa sa bata mula infant hangang 3years old.Kapag tumaas na don edad hindi ko na masyado kinagigiliwan.Pero yan si Ate magiliwin sa Bata.Mahilig magkarga.Pwede na nga siya mag alaga ng nakababatang kapatid kaya lang bokya pa din.Wala pa din ako ulit Baby kahit 11 years old na Bunso ko. Pinsan nya yan Bata.Pamangkin ko ba kinagigiliwan namin sa sobrang…
Sa 4hours ko paghihintay kahapon sa dialysis ni sister Donut lang kinain namin pantawid gutom dahil kumain nman muna kami bago pumunta ng bayan.Syempre nagtake out ako ng tatlo para sa mag aama ko May natira pa isa reserba ko talaga ngayon umaga para katuwang sa kape Wait kumulo na ang tubig.Titimpla na ako kape kahit nauna na ako kumagat sa Donut
Thank you Shopee and Watsons for arriving my orders today.Yehey may hygiene kit na ulit kami nina Bagets.Nagtiis ako one week walang lotion.Mabuti na lang may polbos pa ako sa mukha at sabong mabango kahit yun na lang muna ang personal care nang nagdaang linggo.Ngayon ayan meron bath scrub,lotion at fem.hygiene alam nyo na para no irritation.Sulit nman si 420 3items with a big pack.Ika career na ito pamaya pag uwi
If you want to unwind this summer🏖️ Try to visit our place Theres a lot of chosen resort that makes you feel comfort Free to see our pride nearest beach Lets go guys Its Summer time😎
Ginawa din ba ng mga kidos nyo ito? Ganap ito kahapon pagkatapos panoorin ang earthquake drill kailangan iacting din ng mga bata.Taon taon na ito ginagawa.Minsan twice a year pa nga.Syempre dapat lagi bago ang picture.Palibhasa may pinuntahan ako kahapon kaya late na ako nakapagpasa sa task na ito. Sabi nga "Its better late than Nothing" Gabi na ako nakapagsend kahapon sa Gc pero hineart pa din nman ni teacher kase umefort pa din ang bata
Saturday! Hello its Saturday Maganda sana ang araw ko kaso ang aga mawalan ng kuryente.Kainis hindi ako nakapag charge 40% na lang battery ko.Mapaabot ko kaya hangang gabi ito? Ang dami ko pa nman bubuksan sites Pero ang lakas nman makalobat ng data Ay tiis ako ngayon...silip silip again Babyeeeeee
With Nona On her 72th birthday she celebrate her birthday with full of support from her daughters and sons.With all son/daughter in laws that we are.All granddughter,relatives and friends.She have many visitors.She was so happy on that time. Happy nga naman si Mother.Sa kabila ng pinagdaanang pagsusumikap sa abroad.Sa sipag at tyaga.Lahat ng 11 anak ay naitaguyod.Maswerte ang iba na mga asensado na.Hindi man kami sobrang asenso pero masaya din nman kung anong meron kami sa…
My lunch and dinner same manggang hilaw Kay sarap naman.Parang atsara lang.Dati puro hinog ngayon naman hilaw naman inulam ko.Nakasawsaw sa toyo.Ang sarap ng kain ko ka Food trip.Sana masarap din lagi ang kain nyo umaga,tanghali at gabi
Mapagpalang Linggo Weekend ngayon araw ng Samba Ako ang dami ng utang kay Jesus Sorry po🙏 Sa sobrang init kahapon kapalit pala ngayon ay ulan.Pumasok ako sa trabaho na umuulan.Nalate na nga dahil hindi agad nakabangon sa sarap ng tulog kapag umuulan Magandang Umaga ng Linggo sa ating lahat
Throwback Squadmates Medyo burukis pa pisngi ko 3 years ago yan wala pa pamdemic Malaya pa ang lahat kung saan mang dako sumigalod.Panahon ng mahal na araw yan.Umakyat kami sa bundok.Dinadayo yan ang Kabanal banalang Puso ni Hesus na matatagpuan sa San Luis Batangas.Worth it naman ang pagod sa pag akyat.Masaya sa pakiramdam na ngagawa mo magpenentensya katulad ng sakrapisyong ginawa ni Kristo habang pasan pasan ang krus Kailangan maramdaman natin ang sakripisyo nya para…
Mga Kaingay Kapinas at Kanoise sa buong mundo ngayon lang uli napasilip ang inyong BagetsMomshie sa kadahilanan dumating si kumare at kumpare.May dalang softdrinks,loaf,at 1 bilaong pansit.May kwatro at Andoks pa Alam na this kwarta are' sapagkat sila ay nagsabi.Magmamanugang na sina Pare at Mare kaya ihanda na ang bulsa at tiyak na kwartang malinis.Are ay pahiwatig lamang iba pa ho ang dadalhin sa bisperas ng baysanan.Bukod pa iyun karneng baboy.Maigi kong kilo laang pero…
Ito ang dala ni Mare at Pare kagabi Abay nagkagulo na,puro kamay na laang Gabi na nakatapos bumarik.Inabot din ng 9:30.Tapos kami ni Mare ay nagkwentuhan muna sa loob ng bahay.Sari sari napagkwentuhan.Kabata ng mga anak nag asawa na.21 si lalaki yung anak nila at 20 nman ang babaeng mapapangasawa.Sabi ko nga hindi biro ang mag asawa.Isipin ng 10 beses pero kapag napagusto wala ng magagawa.Baka sabihin "gusto nyo ay kayo lamang" haha joke lang po ✌️ kasabihan lang nman yun
Alam nyo ba na mahilig ako sumali sa challenge pero hindi nananalo ahaha Kailangan kaya mananalo sa mga pa challenge? Ako naman ay manalo o matalo ay okay lang Natutuwa lang ako makijoin Dahil gumagana creativity at utak ko kung paano mag express at mashare yung mga moments lifestyle ko Yan nga oh naki WACKY PHOTO CHALLENGE ako kay APPICS😉✌️
Me and Nephew Dati liit liit pa nya Ngayon ang bilis bilis na lumakad Tapos ang dami na alam na salita Kung ano na lang marinig sinasabi Putatan Spiderman Kaka Captain America Tatan Tatay Nanan Nanay Inlie ako Alie Nathalie Lots Eloise Nanang Ninang Bebe Vicky At madami pang iba.Ilang araw na hindi nakakapunta don Miss ko na ang laruan kong may buhay😅
Meet my Pet 🐈😸 Miming...Ang mabait na alaga Lagi nasa paanan ko tuwing gabi Hindi siya masibang pusa na mambubulakwat pa talaga ng ulam sa lamesa Naghihintay siya kung ano lang ibigay sa kanya.Ang tagal na nya sa amin pero never pa siya nagbuntis kahit babae siya.Baog yata ito.Okay na din ako na siya na lang.Ayaw ko din dumami ang lahi nya kase ayoko naman ng kuting gusto ko ganyan lang na malaki na siya
Nagkulot si Ako Ayos ba mga ka NFSG? Sinubukan ko gawin kagabi sa sarili ko Palibhasa wala ang dalwa kong dalaga Doon natulog kina Nanay Hindi namin nakaon kase ang lakas ng ulan kahapon eh siningle muna ni Papi motor Wala sidecar,so walang bubong yung motor Solo namin ang bahay ni Habibi🤭 Kaya ba nagkulot ako. ? Tutulog na nga lang may pa ganito pa Wala itong issue,napagtripan ko lang☺️
Good evening sa lahat Pasensya na kayo ngayon lang ulit nakadalaw Ang dami ko task ngayong araw Tapos ngayon malalim na ang gabi Kailangan na matulog Bukas na lang ako kukwento sa inyo At babawi ng pagbabahagi na aking nakagawian Sige na po goodnight na at maaga pa ako gigising bukas
My breakfast Not late pero late ang post ko Madami ginawa si Inday Inuna muna mga gawain dito sa store Namiss ko na mag ingay dito Kaya yan dinamihan ko ang kain ko kanina Ngayon gutom na ulit.. Ano na naman kaya makain? Tomjones na tomguts na ulit
Nung 3/3 inorder ko ito sa Shopee Diamond ring 💍 ofcourse imitation kase 19pesos lang yan dalwang yan nasa flash deals lang naenganya lang ako kase paubos na Tigisa kami ni Ate.May pansuot na kapag umattend ng wedding ni inaanak
My Hubby and Mom in Law How sweet naman sinasayaw si Mother Lahat ng anak sinayaw siya Maliban na lang sa iba na nasa abroad Sobrang saya ni Mother Earth nung time na yan at naka dalwang outfit pa talaga siya Unang outfit bourgandy dress Second outfit and last yan red dress nya Looking beautiful nman si Mother kahit 72 years old na
Magandang Araw ng Huwebes Sobrang tirik ng araw ilang araw na Ito ang kapalit ng nagdaang ulan Sobra naman ang iniiinit Maaga pa lang tuluan na ang pawis Dati hindi ako pinagpapawisan kahit may ginagawa ako Ngayon naman kahit nakaupo ka lang Tutulo pa din ang pawis Ngayon araw araw na ako naliligo Dahil kapag hindi naligo nangangati ang katawan ko.Dati kase lumilikdang ako sa pagligo dahil nilalamig ako.Ngayon sobra naman banas.Araw araw na dapat ang ligo at pwede din…
Chicken caldereta Fresh okra and eggplants🍆 Our dinner last night With siblings Now its lunch time I have no dish right now.. Hope same last night is delicious dished preserved...Just hope so.. But the real is just noodles and boiled egg as usual Happy lunch to all....
Naku ito na nga ang invitation Soon na ang Wedding Kailangan ng magprepare ng pangsabog sa inaanak.Next week na nga ito magaganap Sana naman hindi malaki ang ibigay na sabit para hindi malaki ang kapalit dahil kapag ganun ihanda na ang 10k kase doble ninang na sa binyag,ninang pa sa kasal.Kinakabahan na ako first time ko mag ninang sa kasal
Kilala nyo ba ang kiraray na ito? Siya lang naman po ang bunso kong anak Abay akalain mo dalaga na din At nag mirror shot pa sa mall Dyan din ako nag selfie nung nakaraan Ngayon lang ulit siya nakapunta ng mall at tuwang tuwa kaya sinulit ang paggala don lalo na sa fun play time na bumibili ng tokens Naubos ang baon.Tig 100 lang sila ngayon. Kailangan nila pagkasyahin. Hindi kaya sumakit ulo ni Nanay nito Tatlong apong Maria ang kasama nya sa pag alalay sa kapatid ko…
Sa pagsali ko sa challenge Nadedevelop ang pagka creativity ko Tulad nyan sombrero ng magsasaka lang ang meron ako.Para maging fashion ikinover ko ang cotton skirt ko na color green para hindi masyado halata na pang farm ung sombrero ko. I did it! And nice comment sa mga Appics Ambassador.. I got little value only pero okay na ako dyan basta meron kaysa zero Okay po ba ang outcome ng fashion ko? Feeling model lang ang peg😂
One month ko na po kahapon sa Appics Delay na po ngayon ng 1 day.Posible po ba marecieve ko na ngayon ang payout ko o ilang days pa ako maghihintay.. Still active naman po ako don Simula pa lang ng first day ko Pwede po ba humingi ng support sa inyo Mag drop po ako ng link para manotice nyo ako.Thanks in advance po😊 https://web.appics.com/s/p/appics-v1-appics-im-73744-4d3f3fc7Bf
Ang tuwa ng Bebe ko nakapanalo ng mini teddy bear sa claw machine sa mall.Swerte sa padalwang subok nakuha nya ito plus rewards pa chocolates.Malakas loob magtanong kung anong free kaya naman nagka rewards nga.Akala kp may daya don at hindi talaga makakuha pero may sinuswerte lang talaga Yung chocolates di ko na napicturan kase kinain agad nila
Mga Momshie help me naman po kung alin magandang dressgown dyan para yun piliin ko orderen sa shopee.Nalilito ako lahat sila fabulous. Alin ang mas fit na pang Ninang sa Kasal? Pinakamura na dyan yung ang model ay koreana o chinesse ung twin 200 lang yun,ung blue 450 tapos yung tatlo na off shoulder design 500...Alin kaya dyan ang mabili ko? Suggest kayo mg maganda.Salamat😁
Yesterday Ive got a blessings from Mam Olivia.She gave me 141 APX delegation so right now and starting yesterday in noon time I have energy power to upvotes again.Now I learned that I should know that delegation is need to maintain.Dont give to much percent to upvotes,give atleast 1-50percent only😊 Lesson learned for me APPICS Fam☺️ Ofcourse a big thank to you Mam Olivia.Your such a generous one.God bless po😇
Dele Mundo corned beef preserved Ang sarap ng corned beef na ito Sobrang meaty at malinamnam Hindi nakakasawang kainin Same sila ng lasa ng Purefoods Yan ganyan brand ng corned beef Pinaka best sa akin Ang dami ko tuloy nakain🤤😋 With design pa yan😍 Damo at dahon dahon ahahay Kainin na yan...
Tara Kapuso❤️ Kapamilya,👨👩👧👧👩👩👧👧👩👩👦👦👨👦👦👨👧👦👨👧👧Kapilipinas🇵🇭 Sino sasama sa barangay Fiesta?Tara na po,magbihis na ang sasama Pwede na uli ang fiestahan May handaan kina Ate at sa mga tiyahin ko.. Happy fiesta sa aming Mahal na Patron Santo San Jose😇
Handa ni Ate Dahil fiesta ng aming mahal na Patron Santo San Jose.Yan naghanda si Ate karneng manok at karneng baka.Sa kanya lang ang napicturan kong handaan.Sa dalwa ko tita hindi ko na napicturan at nabusy ako maghugas ng plato.Imagine yung outfit ko pang dishwasher hehe.Okay lang naman katulong ko naman si Ate sa pag assist.Pili na kayo Squadmates ng putahe na gusto nyo
The 3 Beshies Happy sina Trio Gusto same style gown nila Kahit madami pwede gawin na design sa gown.Gusto nila uniform Kahit sa damit,minsan naguusap sila Gusto e pare pareho Mag friends na sila Mag cousins pa
Coffee Jelly and Gelatin Desert ni Ate sa fiestahan Sayang walang salad,wala na daw siya budget eh.May ube pa pala at graham kaya lang di ko napicturan.Para daw sa Vip visitors nya yun Kapag fiesta hindi ako makakain ng madami Pagtingin ko pa lang nabubusog na agad ako😁
Fresh Buko Juice 🥤 Happy ulit kase pinagbaon ni Hubby ng fresh buko juice.Ang lamig nya na simula kanina umaga pagdating ko dito inilagay ko muna sa ref.At ngayon ready to drink na.Uhaw na uhaw ako.Sarap nito.Walang artificial flavor.Kahit sugar hindi na din ako nag add
Talong isda at alamang ang mas pinili ko iulam kaysa karne de rekado.Para sa akin hindi ako nauumay dito.Lalo na kung may patis yung sabaw ng isda.Ito kinain ko ng tangahali sa fiestahan.Noong umaga beef nilaga.Noong gabi parang di na yata ako nakakain ng kanin nag dessert na lang ako
Inaantok na ako mga my momshies Napagod na nga sa work Pagod pa sa modules Ilang gabi na ako puyaters Dapat pa nman madagdagan timbang ko bago mag linggo Para naman malaman laman ako sa susuotin ko outfit sa pagiging ninang sa kasak.Goodnight na po sa lahat.Tulog muna ako maaga😴
#Happy10th monthsNFSG🎉😊 Two month left na lang ANNIVERSARRY na Kay bilis naman..Noong makapasok ako dito ay 4months na ang channel tapos ngayon monthly kasama na ako sa celebration.Salamat sa friendship dito lalo na sa mga kasama sa Tg at higit sa lahat sa mga moderators natin @AyaMedel @Kaytlyn @Shellyberry Mga Mam/Sir thank you sa simula pa lang ay nadama na agad ang kabaitan nyo☺️ Sana hindi kayo magbago Happy 10 monthsarry po🎊
Makeup collections💄💋👛👠👗 Ready na rumampa sa Sunday Ako na lang mag aayos sa sarili kaysa bumayad pa ako ng makeup artist Ang laki na nga ng nagagastos ko Hindi pa naguumpisa kasal ni Groom at Bride Panay na paunti unti ng bili ko mga gamit Kinumpleto ko yung makeup kit Hinihintay ko pa dumating yung dress gown ko.Then di ko pa alam kung anong wallet o bag ang ipapartner ko at shoes na din.Still searching pa din ako sa wallet at shoes
Nfsg...malungkot ako kase nag away na naman kami ng anak ko.Ang tigas kase ng ulo nya ayaw makinig sa sinasabi ko,ipinipilit ang gusto.Ako naman walang tigil ang bunganga ko na sabi ko tama na tiktok at matulog na ay nagdadabog na sinisipa sipa silya kaya nairita ako,tapos sumagot pa siya at parang kapatid lang ako na gusto pa lumaban kaya ayun natulak ko siya at natampal ko sa pusngi pero hindi naman todo.Gigil na gigil ako habang umaandar bunganga ko,pero tahimik naman na…
Nakakatuwa si PayMaya Pa third time ko na sa SendMoney challenge Nagkakaroon ako ng libreng load tywing may ganito.Tapos another voucher uli kapag ginamit ko ung voucher na pang load kaya thankful ako sa nag invite sa akin dito.Salamat sa pagtitiwala sa 10k na pinagpapasa pasahan natin.Di masisilaw don,hindi pasisira.Happy na sa free voucher na nakukuha sa simpling way lang ng pasahan ng pera.Okay na yan 124 pesos kahit monthly may ganyan.Konting time lang na ilaan wala nman…
Yung kagabi na malungkot ako Kanina umaga parang wala lang nangyari Humihingi na ng pera yung anak ko Mas gusto ko naman yun means hindi nya dinamdam yung naging alitan namin kagabi.Dalaga na nga at narerealize nga na mali siya.Pinadalhan ko pa ng pasalubong Happy ako na okay na ulit kami ni Ate At nagchachat sa akin na kung ano mga gagawin nya ngayon
Yung hindi ko inaasahan na ganito In a minute post may 3.23$ apx in one vote.Feeling ko galing ito sa kanya kay sir Daniel.First time mag upvote sa akin laki agad value.Sana palaging ganito ng makalaki agad ng ipon.Sabi sa bio nya ng Appics account nya ay creative stuff maker siya ni Appics.Well good naman na nanotice nya ako.Im not sure kung dahil sa upvote nya o dahil nagkapower na ako at nag power up ako agad.Unti unti matutunan ko din ang kalakaran ni Appics.Sa ngayon…
Momshies? Kumusta po? Ako naman good mood na maghapon Good girl sina Bagets ngayon At nagsimba pa sa tuklong ngayon hapon Nakakatuwa kase kanina nagbisita sina father and sister sa bahay bahay.Inisa isa dito sa amin.Pareho kami may trabaho ni Mister.Mabuti na lang kahit wala kami na entertain ng mga bata at napabendisyunan pa din ang bahay namin.Salamat po mahal na Santo ng aming mahal na Ina ng laging saklolo😇
Isaw for breakfast So yummy3 I miss eating street foods Pero pulutan ito hehe Babawas lang ako 5 para iulam ko Sige na sa inyo na ito Mga tangero taga tagay at magbabarik Nakuha ko na ang ganang sa akin Kakain muna me😋
My lucky day I cant believe blessings all at once First month,first earnings first won to challenge... Naalala nyo po ung sombrero challenge na pinost ko dito.Ayan po nakasungkit ako ng rewards.Enjoy enjoy ko lang pagpopost don Aba nga naman may naging bunga Long process pa para sa payout pero magandang simulain ito para mas makaipon ng coins and trade na sa peso kapag na reach ko na ang target ko Ang saya saya ko lang ka Noise hindi na ako masyado nakakapag ingay dito gawa…
Ang ganda ng bulaklak kahit artificial lang Ang kulay dalagang dalaga kase kulay rosas Tamang tama sa birthday party Pang debut o kung ano pa mang edad yan Kung may handa at bingang okasyon ay isa ito sa display.Kailan nga ba ito.Noon pa pala itong birthday ng byenan ko.Ngayon ko lang naupload ang bulaklak Oh di ba hindi siya nalalanta Natural kase artificial lang pero agaw atensyon din dahil sa malabinibini nyang kulay pandalaga.Babaeng babae.Yan paborito ko kulay PINK
Nagpa tatoo siya Ang daya iniwan ako sa ere Maliit lang naman pina tatoo nya ASTIG alyas ginaya pati tatak ng tricykel namin.Next in line naman ako.Kaylan kaya ako,payagan mo na ako Papito sa sunod na balik ni kuya ako naman ha.Nasend nys na yung design ng Love. ..Im so excited na kahit mesheket😩
Ladies wallet May wallet nga pero walang pera Mabuti pa may pera kahit walang wallet Pwede na ibutsaka sa supot Para di mahalata na may pera O may sosyal na wallet o bihis pero wala naman pera Para yang mahirap ka lang pero kung umasta ay mayaman At yung taong mayaman na simpli lang ang kasuotan,hindi mo iisipin na madami pala itong kayamanan na ayaw ipagyabang Samantalang yung isa na mahirap na nagpipilit na mukha siyang mayaman Sabi siguro mahirap ka na nga magpapakahirap…
Pa throwback si Inday kase summer naman Medyo blurry picture kase old phone di kalinawan camera.Mumurahin lang na cp ako meron dati. See short hair pa ako Medyo may laman ng konti Tapos yan mahilig talaga ako sa dress kapag nasa beach Year 2015 at Cml and Waterpark Resort
Halo-halo tayo mga Besh Sa init ba naman ito kaylangang kaylangan madiligan ng malamig na malamig ang ating lalamunan.Sa oras na ito tirik na tirik pa ang araw.Bago mawala ang sikat ng araw dito ay bandang alas 6 na ng hapon.Ganun po katingkad ang init dito.May mga puno pa dito,paano na kaya sa kamaynilaan at sa syudad.Kawawa naman ang mga hanapbuhay ay construction kase para silang sinisilab habang naka duty.Sana may kanlong o malakas pangangatawan nila panlaban sa init ng…
Nakakamiss naman si Porky at si Piglets Naalala ko dati napupuyat kami tuwing manganganak itong baboy namin pero okay lang naman.Mabait si porky pero kailangan asikasuhin mga biik.Kailangan maputulan agad ng ngipin at pusod.Syempre kailangan linisin din siya maalis yung parang plastik na nakabalot galing sa inunan ng inahing baboy.Sana next month makabili na ulit kami ng inahing baboy Miss you all...
Happy 7months to me in noise.cash 7months na tayo Sana for life na tayo magkasama Wag ka sana magsawa sa akin Salamat sa pagtangkilik palagi ng kung anu ano na lang ma posts ko.Habang may buhay may post din.Kahit minsan parang nauubusan na ako ng content pero yung kaisipan ko naman ay patuloy pa din gumagana para lang may masabi dito Thanks kahit paano nag gain pa din ang subscribers...Naka 860 subscribers sobrang bagal talaga ng usad.Ang importante naman ay patuloy mo ako…
Breakfast ko kanina Tapos ngayon mag lumch na ulit kaya pala nato tomguts na.Ano nman kaya ang maulam ngayon lunch.Sana masarap ulit para magana palagi kain ko Advance lunch time na din sa iba dyan
My own pedicure Nagtyaga na ako maglinis ng kuko ko kaysa magpa pedicure pa ako sa iba.Sayang ang ibabayad.May cuticle at gamot na pula naman dito.Wala nga lang cutex.Kahit linis linisan lang yan mahalaga natangal ng kaunti ang libag sa kuko.Kakahiya naman kase naka dress gown na maganda ang suot tapos malibag naman ang kuko.Wala man lang design kuko ko eh kase lagi siya pudpod hindi humahaba haha...marupok kase aking kuko parang ako lang charot lang🤣
Antok much na Mag goodnight na ako Kailangan ko ng beauty rest bago sumabak sa pag ninang Bukas na ako mag reply sa inyo Babagsak na talaga ang mata ko Antok na antok na Goodnight na guys
Ang ganda naman ng umaga bumulaga sa akin mga ka noise.Thank you @AyaMedel Sir sa maagang blessings... Napakagandang simulain ngayong araw ng Sabado.Mukhang mapapatambay ako dito ng matagal... Namiss na din makipagkwentuhan Pero bago ang lahat Nagkape na ba o nag almusal na Sa totoo nyan ako ay hindi pa kaya Kakain na din muna ako Kumukulo tyan ko Mukhang gusto ng kape
Kanina blessings ngayon nman kakilabot naman.Active na naman si Bulkang Taal.Nagising na nman ang katawang lupa nya.Lord gabayan nyo po kaming mga Batangenyo.Madami na ulit nagdaanan mga tao at sasakyan para lumikas.Huwag lamang po sana lumindol ay mananatili po kami dito sa amin.Yung lang kase lindol ang nakakatakot dahil danas na namin dati pa.Sana pamaya wala na ito
Ito ang ganap kaninang umaga Nung panic ang mga tao Nagpa full tank na para nga naman ready in case nga naman maulit uli yung dating pagsabog ni Bulkang Taal. Pero sa ngayon nman po kalma na siya Nawala na yung malaking usok Dapat yata masanay na kami na part na yata ng bulkang Taal ang mahkaganun kase ung crater nya is butas na butas na Madami na din lumikas kanina Sila yung mismo malapit don na dito mismo sila dumadaan para lumipat ng ibang barangay.Since kalma na ewan ko…
Kanya kanya picture kanina relatives ko ng usok ng bulkan.Kamangha mangha tingnan pero nakakatakot yan.Mabuti na lang nawala na yung malaking usok na nabuo.Sa ngayon medyo panatag na kami.Sana lang talaga wag yumanig pamayang gabi.Kailangan hindi ako ma stress dahil may lakad pa naman ako bukas
I really enjoyed the challenge mula pa ng umaga.At first challenge na reply kay sir Aya bungad na bungad pag open ko ng noise Then nagkakape,even late theres a reward pa din,next natutulog nakahabol pa din ng very late.May hawak na kutsara at tinidor sakto lang.Sumunod itong nakatusok sa ulam ang tinidor at nakapatong ang plato sa ulo late again.Pano kase di nakisama ang signal ang tagal mag upload kaya yun late again Tapos ang dami blessings mula umaga lahat ng post may qr…
Sorry Im late nag attend lang naman po ako ng wedding ceremony as Ninang/Ninong ni Bride at Groom Hindi na ako nakapag open ng phone kanina dahil nasa simbahan ako tapos after punta naman sa reception.Kakain then program ng konti.Nakakapagod pala,sumakit g konti ang ulo ko.Nakakapagod pala maging principal honor.Nabitawan lang naman ang 10k at konting putal na barya.Naku sabi ko na sakto lang sa aming bigay.Naku sa iba bongga talaga may 15k pataas pa Namiss ko agad…
Saan ka rarampa Madam? Hahaha feel na feel ko pagka Madam ngayon Dami ko pa solo pero 4 lang ang kayang iupload hehe.Tsaka nakakahiya naman baka puro mukha ko na lang binabandera dito Mga picture na yan sa bahay namin bago pumunta church at yung kasama si Mama Mary while waiting pa sa ikakasal.Nauna na kami pumunta don sa simbahan Sa tagal nila ayan nag selfie2 muna
Sina Mr.Kulaso at Mrs.Kulasa ahaha on your service chariz Naidaos din ang event ng kasalan Sa wakas wala na din isiping pera Panibagong ipon na naman ulit Para makabawi naman sa nagastos Gusto namin ulit bumili ng baboy para incase na may hindi inaasahang ganito ay may madudukot New weekend na ulit Sabak na ulit sa work kahit medyo pagod pa No choice back to reality Work work mode na ulit
Isang kwarto are' Are' ang dinala sa amin nuoong bisperas ng baysanan.Ang tawag dini ay isang kwarto kaya malaki ang kapalit nari kapag nagsabog sa kasal.At paulit ulit na nga ako nasabi ko na ang katumbas na halaga ay 10 libo mahigitan pa.May kasama pang suman Agad na are' ay ipinamahagi sa kapitbahay Ilang bahay din ang nabigyan Naisingit ko pa naman sa aking Inay at sa kapatid ko.Kaso ay kulang na hindi na nabigyan aking mga tiyahin doon. Natira lang din sa amin ay kaunti…
Bonding with my sisters and cutie nephew on last Sunday night Si Maybell nagbalik na sa dating sigla Si Cathy happy na din kase may work na at naka move on na din sa Hubby nya naghanap ng iba Si cutie Patuti game na game lagi sa selfiehan Kakulitan ko lagi at kalaro Pano yan miss ko na ulit sila Sana mag friday na para makapunta na ulit don sa bahay nila nanay at makipagbonding ulit mula tanghali hangang gabi
Hello mga ka Appics Fam Kumusta kayo Happy ako sa morning blessings galing sa ating mga senior ambassadors @Fycee @godlovermel Thank you so much Feeling ko winner na din po ako sa natanggap kong ito ngayong araw At congratulates ko din ang lahat ng mga winners sa challenges Appicsph lang sakalam Eka nga Mind blowing teams Galing naman talaga ng mga leaders Ofcourse all members are talented,smart,creativity,beauty and fashionista Saan ba ako dito? Doon na lang ako sa fashion…
Hindi pa din tapos ang pictorial ni BagetsMomshie Im with my bestfriend sister si Ate lagi ko nabibiyabit sa lakad ko With pretty couz din binibining marikit Naku yan mga kasama ko mga pangdalagang Pilipina Mga walang anak pa mga yan naku mga napa conservative samantalang ako naman opposite nila pero nagkakasundo kami... Lahat kami magpipinsan at magkakapatid magkakasundo sa lahat sa saya at lungkot sa handaan sa gimikan sa inuman lalong lalo na sa kwentuhan. Iilan lang ang…
Ang lunch ko kanina pork kaldereta Galing sa handaan May take out pa Oh diba init init lang may ulam na Kumusta pala panahon sa inyo Dito sobrang dilim Babagsak na ang ulan Pamihado biglang bagsak nito ay madami kase sobrang dilim ng kalangitan
Super antok na ko guys Mata lalaglag na Bumisita lang at sumilip Super puyat ako kagabi dahil sa aso namin. Na nakaalpas Hilaw tulog ko kaya nga yonb abawi ako Sige na po goodnight na Bukas na uli ang chikahan
Magandang araw! Yung inakala ko kahapon na uulan Yun pala ngayon sobrang tingkad ng init Dami pa din trabaho Sinisingit ko lang mah cp Katatapos ko lang mag pack ng macaroni At ngayon nga nadisplay ko na Nag iba na naman schedule ng day off Ma advance ngayong week na ito Bukas thursday daw muna day off ko Di ayos makapag pahinga agad kahit kaka restday ko lang nung linggo Plano na nman maglakwatsa bukas Tanging kasiyahan lang kapag walang pasok
So happy to see this picture ni Cutie Patuttie Napakabibo talaga..Gustung gusto pinipictutan siya kahit saan.Ito nga dito daw sa bulaklak. Kinatutuwaan talaga lahat ito namin na taga looban.Kahit iwan iwanan ng Nanay at Tatay nya balewala lang sa kanya basta naglalaro siya.Bunibigyan ng pagkain at palaging kinakausap.Yung ibang bata na two years konti pa lang alam na salita pero ito lahat na alam na.Ang bilis magtanda pati ba nman porke wala ang Daddie nya.Kapag tinatanong…
Another picture of cutie Patuttie habang inaamoy nya bulaklak.Sige picture pa more baby ko at bonding pa.Madami na naman palabas ang batang ito pagbalik ko dyan bukas.Magready kana ng mga kwento.Syempre mag ready din ng pasalubong si Tita.Sasabihin na nman nyan ubong sabay buklat sa bag ko.Kapag wala "abili na lang sa tindahan ni Anjo tita Nanay nya.Kapag wala pa din patimpla na lang kape haha.Bata pa ay magkakape na.Ganan siya pinapalaki sa simpling buhay lang.Hindi sobrang…
Our bonding before matulog Pero ngayon tulog na sila mga 1hour ago na Minsan kahit makukulit sila minsan naman kalambingan din gaya ngayon nagseselfie ako dahil sa bagong cap ko ay nakisingit ang dalwa.E di pagbigyan tutal nman minsan na lang sila makasama sa selfiehan Kaya yan mag gu goodnight na sa inyo kaming tatlo.Tutulog na din ako kase tulog na silang dalwa
Grabe nawindang na naman ako sa starmaker Dalwang oras yata ako nag practice kumanta hahaha Wala kase ako kaagaw sa cp ngayon Naku po inuna ko pa ito kaya ngayon tanghali na hindi pa ako nakakapaglaba May pupuntahan pa nman ako Tsk tsk...namiss ko kumanta eh Kaya yan pagmumukha ko habang feel na feel ang pagkanta🎶🎤
Mga moms kanina yan before maglaba then ngayon done na..ay kapagod pero walang choice kasama na sa life Mabuti nga nabawasan ito 3 times a week kase ang laba Sa pangatlo ako Sa una anak ko Sa pangalwa si Hubby Si bunso lang hindi naglalaba Kase siya nakaassign sa pagtatapon ng basura
Dinner na tayo ka Foodtrip Sinigang na hipon Namiss ko itong ulam na ito Ang tagal na ulit hindi nakapag ulam nito Puro instant na lang ilang linggo na Tara kain na po tayong lahat....
Good evening guys I wanna greet before sleep and as usual mag goodnight muna Then i wanna flex you my new look today May napansin ba kayo guys Bukod sa naka cap at pantulog? Naninibago ako sa new aura ko parang di ako sanay at feeling ko di yata bumagay Ano mag eexplore na ba ako nito at magbabaon na rin ng bag pack