Newlife routine of Mom's and Sister Dahil nga lifetime na ang dialysis ng kapatid ko kaya kasama na ito sa buhay nila lalong lalo na sa kapatid ko at syempre ang palagiang pag sama ni Nanay.Ang dialysis clinic ay nag ooperate sa isang malapit na mall sa amin.Dito siya nirecomend ng doktor nya dahil wala ng slots sa public hospital kung saan siya naadmit kamakailan.Mas mura sana kung doon mismo dahil 400 lang sana ang babayaran pero dahil private clinic ito ay mas mataas ng konti.Mabuti na lang covered ng philhealth ang 90 session ng dialysis nya kaya may discount pero naabot pa din ng 2k kapag may kasamang panturok.Kapag wala nman ay 1kplus daw.Pero kung wala ka philhealth 6k ang babayaran kada isang session e tatlong beses sa isang linggo so 18k per week mamumulubi ka talaga. Pero sabi nga God is good dahil hindi nya kami pinapabayaan.May mga taong nagaabot ng tulong pero paano kung wala na o naubos na?Atleast ang diskwento na 3k to 4k weekly ay nagagawan naman namin ng paraan at kinikita nman kahit papaano sa aming pagtutulungan ng buong pamilya. Dahil Women's month ngayon kaya saludo ako sa kapatid ko ba matapang na hinaharap ang hamon ng sakit Sa akin din Ina na palaging nakaalalay sa kanya. "HAPPY WOMENS MONTH" Isang araw ay naisipan isama ang mga Apo Makapasyal kahit saglitnman lang Makalibot libot naman ng bago sa kanilang paningin.Yan nga nag enjoy ang mga Apo at pamangkin ni Tita na nagpapagaling.Mabuti allowede na sumilip kahit saglit habang siya ay nakasalang sa kwarto.Binuksan ang pintuan para daw makita nila pero saglit lang.Pero bakod pa din yan ng salamin at hindi pwedeng puntahan sa loob.Pasyente nurse at doktor lamang ang allowed. Si Gab itong batang maliit tuwang tuwa makita Tita nya.Kinakatok ang salamin at hiyaw ng hiyaw "Ebs ebs " yan kase tawag nya sa Tita nya na si Maybell After nyan konting laro sila sa palaruan Nahtitipid lang 100 pesos na token pinagkasya na nilang lima.Hindi na kumain wala na budget.Ang mahalaga ay maipasyal lang sila kahit saglit.Magsaya ang mga bata sa kaunting oras na paglalaro
1 comment
Happy women's day ka-noise at sa mother and sisters mo.