Edukasyon ang isa sa pinakamahalang aspetong dapat makamtan ng bawat kabataan, susi ito sa pinto ng kanilang mga pangarap. Ngunit sa kasalukuyang kalagayan ng mundo pwede pa ba na managarap ang isang indibidwal? Paano makakamtan ang inaasan na kasanayan at karunungan sa kabila ng banta sa ating mga kalusugan?
Online class, isang makabagong sistema na nabuo upang maipagpatuloy ang paghahatid ng edukasyon sa kabila ng pandemya na dinaranas sa buong mundo. Isa itong uri ng plataporma ng pag-aaral na kinakailangan ng paggamit internet, sa ganitong pamamaraan ay hindi na kinakailangan ng mga estudyante na lumabas ng kanikanilang mga bahay upang mag-aral. Ang ganitong uri ng pag-aaral ay nahahati sa dalawang klasipikasyon ang synchronous at asynchronous. Ang unang kategorya ay ginaganap sa akwal na oras ng klase na isinasagawa sa isang virtual na plataporma sa pamamagitan nito ay malayang makibahagi ang bawat mga mag-aaral sa klase at sa gabay ng kanilang guro ay nagsasagawa sila ng mga aktibidad, diskusyon, at panayam ukol sa kanilang asignatura, sa ganitong pamamaraan ay nagkakaroon ng pagkakataon na makipagpalitan ng opinion at mga katanungan ang ito ayon sa kanilang mga araling sa itinakdang oras ng klase. Sa kabilang banda, ang ikalawang pamamaraan naman ng pag-aaral ay tumutukoy sa pagkakaroon ng isang estudyante ng parehong material. Dito ay malayang gumawa ang isang idibidwal ng kanyang mga aktibidad sa bawat asignatura sa nais niyang oras at lokasyon.
Para sa aking opinyon, bagamat may negatibong epekto ang pag usbong ng makabagong sistema ng edukasyon ay sumasang-ayon na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng online classes, ito ay dahil ang pagpapatuloy na paghahatid ng edukasyon ay isang tulay upang maipagpatuloy ang paggalaw ng ekonomiya sa ating bansa. Maituturing din itong sa mga may malaking ambag sa ating lipunan, ang kasalukuyang paggamit ng modernong teknolohiya maaaring isa sa mga pinakamalakas na tugon sa lumalaking pangangailangan ng bansa sa edukasyon.
Ayon kay Eugenio (2020), Nailunsad noong nakaraang taong 2020 ang makabagong sistema ng pag-aaral ito ay upang abutin ang natitirang mga klase, ang mga propesor at guro ay nagpunta sa pagtuturo sa online, isang pamamaraan na hindi kinaugalian ng bansang Pilipinas. Sa kaniyang arikulo sa isinagawang panayam ay inimungkahi ng ilang mga mag-aaral ang kanilang mga damdamin tungkol sa kanilang mga karanasan at diskurso sa klase. Isa sa mga ito ay nagsinabi na hindi nagging madali ang kanyang karanasan sa bagong pamamraan ng klase lalo na at hindi lahat ay kayang makipagsabayan sa larangan ng internet, ngunit ayon din dito ay isa ito sa magandang bagay na natutunan niya ay maging matiyaga maparaan.