Suko na sa laban

0 13
Avatar for Gege
Written by
3 years ago

Hindi ko akalain na darating ang araw na para akong nasa pelikula.

Yung minalas yung bida tapos biglang umulan. Bukod sa ulan, matatalsikan ka pa ng tubig galing sa kalsada. Uuwi kang basa at habang naglalakad ay umiiyak ka.

Sa mga palabas, pwedeng nakipaghiwalay ang kasintahan kaya ka umiiyak at magpapakabasa sa ulan tapos matatalsikan ka ng tubig kalye kaya mas iiyak ka.

May mga napanood din ako na tinanggal sa trabaho o kusang umalis sa trabaho kasi pagod na. At kung anu-ano pa ang nangyayari habang pauwi ka.

Habang nagsusulat ako ngayon, umuulan sa labas. Hindi naman sobrang lakas pero mababasa ka pa din.

Nagpapasalamat na rin na umuulan at kailangang magsuot ng face mask at face shield. Walang nakakakita na ako ay umiiyak.

Last week, buong linggo kaming nag-inventory. Dahil minadali na ang lahat maikling panahon lang kami para tapusin ito. Nagkaroon ako ng pahinga ngayong linggo. Dahil nga sa wala sa opisina tambak na ang mga papel sa aming mesa.

Habang wala pala kami at nagbibilang, may isang tao sa team na ang daming hinihingi sa amin. Alam nya namang busy kami buong week last week at ngayong linggo. Hindi ko nakayanan kaya sinasagot-sagot ko sya.

Mali ba ang ginawa ko? Pinagtanggol ko lang naman kami ng katrabaho ko kasi nga busy kami. Wala sa opisina kaya walang oras sa hinihingi nya.

May mga tao pala talagang walang konsiderasyon sa kasamahan nila. Sabi nila team kami pero bakit pilit nila kaming ibinabaon?

Hanggang sa hindi ko na nga nakayanan ang lahat kanina ng mabasa ko ang mga hinihingi nya. Palibhasa hindi sya busy.

Muli ko syang sinagot-sagot. Kung hindi nya kami maintindihan pwede naman kami ipull out sa pinapagawa samin. Hindi na nga sya nakakatulong, dumadagdag pa sya sa problema at trabaho.

Hanggang sa napagdesisyonan kong umuwi kahit malakas ang ulan. Hindi ko na kaya ang pagod, stress at pressure. Suko na ako. Hindi ko na kaya.

Naglalakad ako habang umiiyak kasi hindi ko na kaya. Ang nakakatawa natalsikan pa ako ng bahang tubig sa kalsada pero hindi ko ramdam ang lamig. Ang gusto ko lang makauwi sa pamilya ko at makapagpahinga.

Dahil sa mga pangyayari naisip ko ng sumuko. Kung ang kasama ko sa trabaho ay walang pakialam sa kanyang nasasakupan wala na akong magagawa pa. Ako na mismo ang susuko.

Sana lang sa mga susunod na mahahire maging maayos na sila.

Sa mga nakakabasa, hindi ibigsabihin nasa taas kang pwesto ay boss ka na. Sakop mo ang iyong team. Ikaw sana ang masasandalan at tutulong. Wag nyong pababayaan ang mga tao nyo.

2
$ 0.00
Avatar for Gege
Written by
3 years ago

Comments