Bago pa ang dumating ang pandemya, marami ng nausong online shops kung saan maari kang umorder ng pang araw-araw na kailangan. Tulad ng bigas, ulam at mga groceries.
Dahil din sa pandemya marami akong nalamang mga online shops kung saan ako ay nakatipid dahil sa kanilang mga papromo.
Una na dito ang SHOPEE, kung saan ay aking naging sandalan sa unang lockdown dito sa Pilipinas. Dahil nga sa lockdown kaya hindi makapasok ng trabaho. Piling empleyado lamang ang piniling makapasok at hindi ako pinalad. At ng dahil nga sa shopee, ako ay nakahanap ng alternatibong pwedeng gawin. Ako ay namimili ng mga gamit pambata at akin ding binibenta.
Ikalawa ang LAZADA. Ito yung unang shop na nakilala ko ng magkatrabaho ako pero mas nagustuhan ko si Shopee. At nang mawalan ako ng trabaho ay nagbalik loob ulit ako sa Lazada. May nasalihan akong Facebook group kung saan ipinopost nila ay mga sale na items. Mula sa sabong panlaba, fabric conditioners, sabong panligo at mga gamit. Kahit wala akong trabaho ay gusto kong magbigay tulong pa rin sa aking pamilya. Kaya kapag may mga sale na lalo na 50% off ay bumibili ako. At dahil sa ayaw ko pa magtrabaho ay naiisip ko ulit pumasok sa pagbebenta pero mga sabon naman. Una kong nabentahan ay aking pamilya, si mama at kapatid ko. Malaki ang kita lalo na kung hindi ako mahihiya mag-alok sa kapitbahay.
Pangatlo ay ang FOOD PANDA. Nakita ko lang din sa fb group ang tungkol sa five pesos deals nila o tinatawag na "crazy deals". Nakakabaliw nga naman dahil sa limang piso na lamang ang ibang items nila. May araw din na may naka50% off sila lalo na ang itlog na kung saan ay kailangan ngayong pandemya para makatipid. Bukod dyan minsan ay meron din silang mga vouchers kung saan ay magkakadiscount ka may minimum amount nga lang. Malaking tulong lalo na kung ikaw ay may tindahan. Hindi mo na kailangang lumabas para mamili. Mas naging ligtas ka dahil hindi na kailangan pang lumabas. Bukod sa mga paninda ay maari ka ding bumili ng pagkain lalo na kung ikaw ay tinatamad magluto. Madalas ay may 50% off sila pero capped nya ay 75 pesos lang.
Ikaapat ay si METROMART. Ngayong August ko nakilala si Metromart. Nakilala ko ito dahil din sa group na aking nasalihan. Nagkroon sila ng promo na Php400 off para sa mga new users at may Php200 off pa kung ikaw ay nirefer minimum na kailangan mong bilhin ay Php1,000. Ngunit may babayaran kang Php100 para sa mag-aasikaso ng orders mo at Php80 para naman sa delivery fee. Dito ko nabilhan si mama ng bagong map, pang-ulam at dessert. Swerte ko at may naorder akong ice cream kaya free ang delivery. Ang total ng order ko ay Php1,060 pero ang binayaran ko lamang ay Php560.
Ikalima ay si Grab. Nang ako ay magbenta ng unang lockdown Grab ang ginagamit ko para sa pagdedeliver. Dito ako may mga nakilala na iba't ibang ugali ng rider hanggang sa nagkaroon na ako ng rider kung saan itetext ko lang para sya na maghahatid. Sa ngayon nagagamit sya pag may handaan. Kapag kami ay oorder ng cake ang gamit namin ay Grab dahil na din sa mga padiscount nila pero may minimum amount din.
Ikaanim ay SHOPBACK. Ito naman ay ginagamit ko bago umorder. Pumupunta muna ako dito bago ako umorder sa mga nasa taas na online shops. Dito kasi ay makakaipon ka din kahit papano. Minsan din ay may magagamit kang voucher para sa shop kung saan ka mamimili. At may babalik sayong pera pagkatapos ng transaksyon.
Ang anim na ito ang aking ginagamit ngayon upang ako ay makatipid. Sana ay may matutunan din kayo kung paano makakatipid lalo na sa panahon ngayon kung saan ay pinapahirapan tayo ng pandemya.