Pamilya
Teenager palang ako nakakakita na ako ng mga bata pa na nabubuntis at bumubuo ng sarili nilang pamilya. Minsan pa nga ang partner din nila ay tulad nilang bata pa din.
Naiinggit ako kasi magkaka-anak na sila na kasabay nilang lalaki. Kung titignan mi ang sitwasyon nila para bang napakadaling bumuo ng sariling pamilya kahit na wala ka pa sa tamang edad at trabaho.
Pero sa hirap na dinanas namin noon natatakot akong mag-asawa ng maaga at umasa sa aking mga magulang. Baka maranasan lang ng anak ko ang hirap na dinanas ko at yun ang ayokong mangyari.
Ngayon na ako 28 years old na at unti-unti ng bumubuo ng aking pamilya kasama ang aking partner na mas bata sa aking ng apat na taon. Ako ngayon ay anim na buwang buntis na.
Sa pamilya ko pag ikaw ay may asawa na ay bawal ka ng tumira pa sa bahay ng magulang. Ayoko ding makitira sa kanila kaya kami ng partner ko ay bumukod na.
May trabaho ako at si partner pero ramdam ko pa din ang unting hirap. Mahirap talaga pala bumuo ng sarili mong pamilya ng hindi ka pa totally stable. Yes, regular sa trabaho pero wala ka pang napundar na bahay para ikaw ay hindi na umupa. Mga gamit na gagamitin sa pang araw-araw. Ganun na rin ang inyong kakainin sa araw-araw.
Hanggang ngayon napapaisip ako paano kaya nakakayanan ng kabataan ang ganitong sitwasyon? Samantalang ako ay parang hindi pa din handa sa lahat ng gastusin. Paano nila nabubuhay ang mga anak nila ng iisa lamang ang nagtatrabaho?
Nasa diskarte nga kaya o depende sa iyong napiling pamumuhay?
Nag asawa din ako NG maaga, 19 PA Lang ako nag asawa, wala kaming trabaho pareho pero sa awa ng Dios ay nakakaraos din naman. Mahirap ang buhay ngayong PA ahon nato,, lahat nagttaasan ng presyo, pero magsikap Lang tayo, at manalig sa Dios. Tuloy lang ang buhay.