Paano nga ba natin masasabi na ang isang tao ay mabigat?
Yun ba yung pag binuhat mo sya at hindi mo kaya, sya ay pabigat na?
Hindi. Dahil ang tawag pag hindi mo mabuhat ay mabigat.
Kapag ba wala kang trabaho ikaw ay pabigat?
Depende.
Paano nga ba nagiging pabigat kapag ang isang tao ay walang trabaho?
Kung ikaw ay walang trabaho pero ikaw ay nakakatulong man lang sa gawaing bahay hindi ka pabigat. Kasi nakakatulong ka hindi nga lang financially pero nakakatulong ka pa din.
Pero kung ikaw ay walang trabaho tapos wala ka pang ginagawa sa bahay, masasabi nating ikaw ay pabigat.
Kung ikaw ay walang trabaho at sakit ka pa sa ulo, ikaw ay pabigat.
Kung ikaw naman ay walang trabaho at cellphone mo lang lagi ang hawak mo, kakalaro ng mga online games, kakanood sa YouTube, kakafacebook ikaw ay pabigat. Lalo na kung ikaw ay magkakasakit pa. Hindi ka na nga nakatulong, napagastos pa dahil sayo.
Pero kung ikaw ay nagcellphone at gumagawa ng sideline, kumikita pa din ng pera para makatulong sa gastusin sa bahay ikaw ay hindi pabigat.
Kaya hindi ibigsabihin na wala kang trabaho ikaw ay pabigat. Depende na lang kung nakakatulong ka pa ba sa pamilya o hindi.
Kapag ba maysakit ka ikaw ay pabigat?
Depende.
Kung nagkasakit ka kakatrabaho at sa pagsusumikap na makatulong sa pamilya mo hindi ka isang pabigat. Nagkasakit ka sa kagustuhan mong matulungan sila kaya hindi nila maaaring sabihin na ikaw ay pabigat.
Kung nagkasakit ka naman dahil sa kapabayaan mo sa sarili kahit sarili mo na lang iniintindi mo, masasabi kong oo, ikaw ay pabigat sa pamilya.
May mga tao namang kahit maysakit nagagawa pa ring tumulong ng paunti-unti. Hindi man pera pero nakakatulong pa din lalo na sa maliliit na bagay.
Sa panahon ngayon, bawal ang pabigat. Kasi ang hirap ng buhay. Tayo ay nasa pamdemya. Dapat nagtutulungan hindi yung umaasa lang.
Walang mangyayari kung tayo ay magiging pabigat sa mahal natin sa buhay. Pahihirapan lang natin sila.