Opisina

0 12
Avatar for Gege
Written by
3 years ago

Nagresign ako sa trabaho February 24, 2021 dahil sa aming manager na pinag-iinitan ako. Araw-araw akong sinisigawan hanggang sa isang araw ayokong mapansin nya pa ako. Hinihiling ko na sana invisible ako sa mata nya. Kahit paghinga ko ayokong mapansin at marinig nya.

Una akong nagpasa ng resignation ko ay January palang. Hindi nya tinanggap kasi kailangan nya pa raw ako. Kailangan nya ng tulong para maging maayos ang company. Kung gusto ko daw ilipat nya na lang ako ng ibang position. From Accounts Receivable to Accounts Payable daw. Ang problema walang makuha na tao para sa Accounts Receivable. May nahire pero after three days hindi na pumasok. Ganun din yung pangalawang nahire after two days hindi na pumasok. Kaya Hindi pa rin nangyari na mailipat ako sa ibang position.

Lahat ng trabaho mahirap wala namang madali pero mas humihirap pag ang kasama mo ay lagi kang sisigawan sa harap ng mga kasama mo. Minsan sabi nya "Hindi naman sayo sasama or bababa ang tingin ng kasama mo. Sa akin sila maiinis or magagalit". Kinakausap nya kasi kami minsan para tanungin kung kumusta. Hindi naman ako naglilihim sa kanya. Lagi akong honest tuwing manghihingi sya ng feedback sa kanya.

Alam nya sa sarili nya ang ugali nya pero never din naman sya nagbago. Kung baga manghihingi ng opinyon sa amin pero kung ano ang gusto nya isipin ayun pa din yun. Wala naman na kaming kontrol dun. Ganun na talaga sya.

Hanggang sa hindi ko na nakayanan at pinilit ko na syang hayaan na ako. Ayoko na talaga syang katrabaho. Hindi ko kayang monster ang manager. Pumirma naman na sya sa resignation ko. Akala ko okay na. Yung pala pinapahold nya agad ang sweldo ko ng katapusan agad. Buti nakausap ko na Hr at hindi na pwedeng ihold kasi sahod na kinaumagahan. At sosobra na sa mahohold na cut offs.

Hanggang sa last day ko na sana ng March 24, 2021. May leave pa ako na pwedeng gamitin pero hindi nya ako pinayagan. Extend daw muna ako kahit hanggang March 26. March 25 and 26 ko daw gamitin leave ko para makapasok ako hanggang 24.

Dumating ang March 24 at kinausap nya kami ng kasama ko tungkol sa nasabi nya one week before ang last day ko. Nasabihan nya kaming "Kung ayaw nyo magtrabaho umalis na kayo". Para sa akin okay lang kasi paalis na ako pero wala syang karapatan na pagsalitaan kami ng ganun. Kasi gusto nya maginstall kami ng skype sa personal phone namin para sa trabaho. Para sa akin hindi mo cellphone to, hindi rin sa company. Akin to kaya may karapatan ako sa ayaw kong install. Hanggang sa sinabi nya na "Na-approve ko ba leave mo". Akala nya ata may pasok pa ako kaya pinaalala ko na sa kanya na "last day ko na po ngayon". Nagulat pa sya na ang bilis daw. Ayoko na magpa-extend nuh. Tama na yung pagsira nya sa tiwala ko sa sarili ko. Tapos, hindi daw ako effective sa Accounts Receivable pero ipursue ko pa daw at ilagay sya sa reference ko. Syempre hindi ko sya ilalagay.

Hanggang sa inipit nya clearance ko. Buti may nagsumbong sa boss tungkol sa mga clearance ng nagresign na naiipit sa kanya. Bumilis ang process hanggang sa nakuha ko na last pay ko. Sinabihan nya pa ako na "pag may kailangan daw sila kausapin ko pa din sila". Syempre ayoko na ng ugnayan sa kanila pero umoo ako.

Hanggang ngayon dala-dala ko pa din yung trauma. Baka pag nag-apply ako sa iba ganun pa din mangyari. Sigaw-sigawan ako sa halagang minimum na pasahod. Pero unti-unti namang nahihilom. Unti-unti ng bumabalik ang tiwala ko sa kakayahan at sarili ko. Hindi na ako masyadong takot na sumubok ulit mag-apply. After almost four months kaya ko na ulit makipagsapalaran para sa mga pangarap ko sa buhay.

Sa ngayon nagpapasa na ako ng applications sa online at naghihintay matext, email o matawagan for interview. Unang hakbang sa pagbangon.

1
$ 0.00
Avatar for Gege
Written by
3 years ago

Comments