Kasakal (kasal + sakal)

0 19
Avatar for Gege
Written by
3 years ago

Ano nga ba ang kasal?

Base sa pagkakaintindi ko, yan yung ginagawa kayong isa. Pinagsasama kayo sa ngalan ng batas at simbahan.

Kailan dapat magpakasal?

Base sa pagkakaalam ko 18 years old pataas.

Dapat nagmamahalan kayo at sigurado na sa isa't isa kaso nga pang habang buhay kayong magsasama.

Dapat may stable ka ng trabaho para hindi magutom ang pamilya mo.

Dapat sawa ka na sa buhay pagkabinata at dalaga para pamilya na talaga ang prayoridad mo.

Dapat ay reaponsable ka na kasi nga bubuo ka na ng sarili mong pamilya.

Ano ang mga dapat gawin kapag ikaw ay kasal na?

Bigyan ng oras ang pamilya mo. Dapat sila ang prayoridad mo hindi na ang barkada o bisyo mo.

Umalis sa poder ng magulang kasi nga bubuo ka na ng sarili mong pamilya. At maiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan ng pamilya mo at ng asawa mo.

Magpaalam sa asawa kung ikaw man ay gagabihin.

Magbigayan. Magmahalan. Magtulungan.

Kung may problema ay pag-usapan. Maaring humingi ng payo sa magulang pero tandaan na kayo pa rin ang makakapagbigay ng solusyon sa inyong problema.

Wag maglihim sa isa't isa para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

Wag mananakit, pisikal, emosyonal o spiritual man.

Ang babae ay dapat magpasakop sa lalaki pero hindi naman ibigsabihin na oo na lang oo sa gusto Mister.

Wag masyadong magseselos.

Pag-isipan ang mga desisyon sa buhay.

Sabi nila mas nagtatagal daw kapag sa simbahan kinasal. Para sa akin nasa tao yan. Nasa pagdadala nyo sa relasyon nyo. Kung paano nyo ihahandle ang mga problema at pagsubok na darating sa inyo. Kung kayo ba ay magpapatukso o hindi. Choice kasi natin yan. Kung alam mong matutukso ka lumayo ka na habang maaga pa. Isipin mo ba lang na may pamilya kang dapat alagaan. Kesa magmahal ka ng iba mas mahalin mo na lang ang iyong pamilya.

Isipin mo na lang lahat ng mga pagsubok at problema na nadaanan nyo. Nakaya nyo nga noong nagsisimula palang kayo bakit hindi ngayon di ba? Kung kailan madami na kayong pinagdaanan na magkasama.

Para sa akin ganito dapat pero baka nga kagaya ng sabi nila hindi ko naman kasi alam. Wala akong alam kasi wala pa naman akong asawa. Wala ako sa sitwasyon.

2
$ 0.43
$ 0.43 from @TheRandomRewarder
Avatar for Gege
Written by
3 years ago

Comments