He's the One

0 9
Avatar for Gege
Written by
3 years ago

Halos lahat naman ng babae ay hinahanap or hinihintay ang kanilang Mr. Right.

Sino nga ba si Mr. Right?

Si Mr. Right yung iniisip natin na perfect makasama habang buhay.

Yung magiging asawa natin.

Yung taong makakasama natin sa hirap at ginhawa at bubuo ng pamilya.

Sya yung bubuo ng araw mo.

Taong pangangakuan mo ng pagmamahal.

Hindi sya yung icing sa ibabaw ng cupcake mo by Kim Chu.

Pero syempre kung hindi para sa atin hindi talaga para sa atin.

Sa panahon ngayon, paano nga ba pumili ng Mr. Right? Napipili nga ba si Mr. Right?

Hindi dahil mahal natin ang isang tao ay sya na nga si Mr. Right.

Dapat pumili din tayo ng taong makakasama natin habang buhay.

Kung mahal mo sya pero wala namang trabaho aba mag-isip ka muna. Sa hirap ng buhay dapat may trabaho din sya.

Hindi naman masamang magmahal pero isipin mo muna ang mangyayari kung ang asawa mo ay walang trabaho. Matatanggap mo ba sya?

Kung sya naman ay puro pangarap pero walang ginagawa, pag-isipan mo ulit. Masaya yung tipong kasama ka sa pangarap nya pero ang tanong mangyayari kaya yung mga yun kung wala naman syang ginagawa para matupad ang mga pangarap nyo?

Kung sya naman ay nagawa ng magloko, pag-isipan mo ulit. Kasi kung nagawa nya nung una maaring ulitin nya ulit yun.

Kung nagawa ka nyang saktan ng isang beses, pag-isipan mong maigi. Kasi hindi tamang manakit ang sinuman. Babae o lalaki. Physical man o emotional. Kasi kung mahal mo ang isang tao hindi mo sya sasaktan. Poprotektahan mo sya at aalagaan kasi nga mahal mo sya. Ayaw nating nakikita na nasasaktan ang mahal natin sa buhay. Gusto natin silang nakikita na masaya. Kung minsan nga nakakalimutan na natin ang ating sarili sa sobrang pagmamahal natin sa isang tao.

Kung kulang Naman sya sa diskarte sa buhay, ikaw ang maging gabay nya. Wag mo syang iwan at sukuan. Depende pa rin kasi sa atin kung sya nga ba o hindi Mr. Right.

2
$ 0.00
Avatar for Gege
Written by
3 years ago

Comments