Habang nagmumuni-muni ako iniisip ko bakit ko nga ba pinipilipit ang sarili ko na magsulat ng english article kahit ang hirap? Bukod sa mahirap, hindi ko talaga mapaabot ang article ko ng kahit man lang limang minuto para basahin.
Ikinuwento sakin ng kapatid ko kung ano ang pinagkaabalahan nya ng panahon ng pandemic. Wala kasi syang trabaho kasi hindi na muna sya pinagtrabaho. Masyado kasing delikado si Covid-19 para sa kanya. Marami ng pinagdaanan yung katawan nya na mga sakit kaya doble ingat na lang sa kanya. Sabi nya nagsusulat sya ng article sa readcash. Malaki ang kinikita nya kasi magaling naman talaga sya kaya nga sya naging teacher. Readcash yung tumulong sa kanya para may pagkaabalahan ngayong wala pa syang trabaho. Kaya tinry ko din.
Nang nagregister ako sa readcash ang nasa isip ko talaga dito ko isusulat lahat ng nangyayari sa akin araw-araw. Lahat ng inis at stress ko sa trabaho. Mga nararanasan kong hirap araw-araw at syempre kung may hirap may saya din. Hindi naman laging pangit ang araw ko. May mga tao lang talaga na magaling manira ng araw.
Nung nagsulat ako dito, hindi ko inexpect na magkakapera ako. Kaya nung nagkaroon ng laman ang wallet ko dito grabe ang tuwa ko. Hindi ko talaga inakala na mabibigyan ako ng tip. Hanggang sa inaabangan ko na kung magkano na ba ang laman ng readcash wallet ko. Halos lahat ng sulat ko nagkakatip. Maliliit pero ok naman kapag naipon.
Pinipilipit ko na magsulat ng english kasi nagpapraktis ako sa pag-english. One of these days, kasi maghahanap ako ng mas maayos at mas malaking pasahod na trabaho. Minimum lang kasi ang salary ko. Kaya kailangan ko maghanap ng ibang trabaho. Ang iniisip ko na pag-applyan kasi call center. Malaki kasi ang salary tsaka maganda din ang benefits. Kaya nagpapraktis ako para maready ako. Hindi kasi ako magaling sa interview. Talo talaga ako sa interview tapos hindi pa magaling mag-english. Ito talaga ang pinakadahilan ko.
Oh di ba? Nalabas ko na saloobin ko, nakapagpraktis pa ako. Tapos may bonus pa na tip. Kaya lang maiksi lang talaga ako magsulat. Hindi ko kasi kaya magpaliguy-ligoy. Direct to the point agad. Prangka kasi ako kaya nga kung minsan nasasabihan na lang ako na maldita daw ako. Pero ang totoo nagpaliwanag lang naman ako.
Kaya ngayon tinatry ko naman ang tagalog para makita ko kung kaya ko ba talaga magsulat ng mahab o hindi. Pero kung kaya ng iba dapat kaya ko din di ba? Ganun dapat. Lalo na ngayon, tagalog naman ang ginagawa ko baka kaya kong magsulat ng mahabang article. Kung hindi baka pang dalawang minuto lang talaga ako.
Natutunan ko din sa readcash ang mga pwedeng gawin sa coinsph. May mga natutunan ako na hindi ko alam dati. Oh di ba? Laking tulong talaga ni readcash.
Nakapagpraktis na ako, nalabas saloobin ko, kumita at may mga natutunan pa ako.