"Uhm, ate ayos kalang?" Tanong ng babaeng lumapit saakin na parang kaedad ko.
"HINDI, HINDI AKO AYOS, YUNG BAYAD KO. YUNG BAYAD KO NAKALIMUTAN KO" sagot ko dito na nakahawak sa damit niy banda sa bewang.
"May extra money ako dito te, baka kailanganin mo" nakangiting tugon nito. Agad ay napatingin ako sa itsura niya...ang ganda niya. Para siyang anghel na galing sa langit.
"Teka lang" sabi ko at tumayo. "Bat parang kilala kita?" Tanong ko dito, oo seryoso parang nakita ko na siya pero di ko maalala kung saan.
"Hah? Eh magkaschool mate tayo ah?" Sagot nito. Bigla akong napapikit ay inaalala kung sino yung babaeng nasa harap ko.
"Haha, El nga pala. El Linawin galing sa dance club" sambit niya habang nakalahad ang kamay at nakangiti.
Ah oo naalala ko na, siya yung minsang tumulong saakin nung nasalubsob ako sa loob ng jeep. Bigla ay nakaramdam ako ng hiya dahil sa nanyare, sakto kaseng pagpasok ko umandar si kuyang driver at nawalan ako ng balance kaya dumeretso ako sa sahig ng jeep.
Agad kong inabot ang kamay nito at nakipagshale hand, infairness ang kinis ng palad ni ghuRrLl huh.
"Saan ka pupunta? Bat kanga pala nakaluhod?" Tanong nito habang naglalakad kami. Hindi ko na inexplain yung nanyare basta sinabi ko nalang yung bayad dapat saakin di naibigay dahil nawala rin sa isip ko.
"Sayang naman, sana binalikan mo"
"Malayo na ako ng maalala ko, hayaan mo na. Kukunin ko nalang next time tural sabi tatawagan ako pag kinakailangan"
"Saan ka pupunta?"
"Mag tatrabaho sa may malapit na karinderya dito"
"O sige, andito na bahay ko. Salamat pala, nag enjoy akong kausap ka. Sa sunod ulit" sabi niya ng nakangiti at binigyan ako ng goodbye hug.
Sa school maraming may ayaw kay El, dahil siguro sa inggit. Maganda siya, magaling sumayaw at model pa. Madaming nagsasabi na ginagamit niya lang itsura niya para sumikat, at nag papagalaw sa kung sino-sino. Pero wala akong pakielam kasi hindi naman ganiyan ang pakiramdam ko nung kasama ko siya. Magaan, at alam kong mabait siya.
Naalala ko nung isang buwan, galit na galit yung jowa ni Jenice kasi daw inagaw ni El bf niya. Nagtaka si El at di na pinatulan kasi knowing namang hindi totoo yung balita na yun.
Bigla akong natigilan at napatingin sa bahay na pinasukan niya, oo nga tama. Mayaman siya, nasa 3rdfloor yung bahay nila at tanaw sa labas yung lawak nitong pahalang. Pero bakit? Bakit maraming may ayaw at galit sayo gayong ganiyan ka naman kabait?.
Napabuntong hininga nalang ako sa iniisip ko at binalik ang atensyon ko sa paglalakad. Madalas ko kasi siya makitang nag iisa, maganda siya pero parang walang kaibigan. Dama kong mabait at mabuti yung loob niya pero walang may gustong lumapit sakaniya dahil lang sa fake news.
Lecheng fake news yan! Nakakasira ng buhay ng iba!.
"Ate Zelene! Hanap ka ni mama" salubong saakin ng batang si Zone pagkadating ko.
'Wow himala? Hinanap ako ng dragon nayun?.
"Sige sandali lang kamo mag aayos lang ako" tinanguan lang ako nito at umalis na. Hanggang ngayon nasaisip ko parin si El. Bahala na, di naman ako sa nangingielam pero darating yung araw malalaman ko rin yung kwento at kung bakit.
Pagkatapos kong magtali ng buhok ay dumeretso na ako sa office kung saan andon palagi ang namamahala na hinahanap ako.
"Ano yun auntie?" Bungad ko bago pumasok.
"Mamaya, bago ka umuwi ayusin mo muna yung bakuran at linisin lahat ng dapat linisin at bukas may special customer tayo"
Napabuntong hininga ako sa sinabi niya at di na sumagot. Tinanguan ko nalang eto at bumalik sa labas ng karinderya.
"Hoy sobra kana ah! Wag mo naman ganyanin si ate nag mamakaawa nanga sayo"
Teka, bat parang familiar yung line na to?
"Kailangan ba talagang ganiyanin mo siya dahil lang sa ikinama mo lang? Buntis siya, di kaba naawa sa magiging anak niyo?"
Agad at napatingin ako kung saan nakalapag ang tv at tama ang hinala ko, ayan yung scene kanina!
"Uy, si Zalene yan diba" rinig kong sambit ng customer namin na regular dito.
"Hala oo nga".
"Syempre ako paba? Eh sa taglay kong ganda na to malamang!" Pabiro at proud na sambit ko.
'Wala kayong alam sa dinanas ko kaninang pagkahiya.
"Aba'y bat nasa TV ka Zalene?" Tanong saakin ng amo ko. Ningitian ko lang ito at di sinagot kaya naman ay tinaasan ako nito ng kilay.
"Ikaw hah, may tinatago kana" sabi nito na ikinataas rin ng kilay ko.
"Luh si Auntie. Wala ah!"
"Nakooo, nako nako. Baka magulat kami artista kana hah" sagot nito na di naniniwala.
Nag pout ako dito at di na sinagot.
Atleast kung manyare man yan may pambayad na ako sa renta.
Lumipas ang oras at natapos ko na lahat, saka ko naramdaman ang pagod ko pero di pwede. May trabaho pako sa bar at kailangan kong pumasok.
—-
@Satoshiwall@Satoshiwall: GamboaLikeUs
©️AllRightReserves2020