Kung ‘di Na Ako (Chapter 1 part 1)

0 18
Avatar for GamboaLikeUs04
4 years ago

REMINDER: Republic Act 10175 PLAGIARISM is a big issue today. In dictionary, plagiarism means it is copying or stealing an idea or work of others without giving credits. It can be also called copying.

——

Chapter 1 (Part 1)

"Aalis kanaba?" Tanong ng pinsan ko. "Bakit papatirahin mo ako?" Sagot  ko dito. Agad siya nitong tinaasan ng kilay at inirapan. 


"Umalis kana nga! Wala nangang maikain makikitira kapa?" 


"Aba'y aalis naman talaga ako sino bang pumigil?"


"O siya ingat ka choo!" Taboy nito. Tumawa lang ako ng tumawa habang palabas ng bahay nila dahil sa itsura niya, kahit kailan talaga.


"Leuthian pakiusap, h'wag namang ganito" agad ay napatingin ako kung saan nanggaling ang boses nayun. Hindi naman ako chismosa pero nakichismis nalang ako.


"Ikinama lang kita, wala akong balak na seryosohin ka" sagot ng lalaking kausap nito. Napagasp nalang ako bigla ay di makapaniwala.


'Grabe naman si kuya, mukhang mahal na mahal siya ng babae.


Habang nakikinig sa usapan nila ay diko na mapigilan ang sarili ko at nakisali na ako.


"Hoy! Sobra kana ah!" 


"Sino ka?" Takang tanong nito. Ay bakla, ang gwapo niya. May build ang pangangatawan niya at...mukhang yummy.


Napatingin ako sa babae na kanina ay sinisigawan niya pero nakatameme ito na parang nakakita lang ng multo.


"Ako? Ako lang naman yung—AH TEKA NGA LANG AKO YUNG NAUNA EH. BAKIT MO GINAGANITO SI ATE?" Turo ko dun sa babaeng pinagsabihan niya ng masama.


Nakita kong may lalake na lumapit saamin ay mukhang natutuwa.


"Manager sino to?" Tanong nito dun sa lumapit saamin na lalakeng mukhang...nag tataping?


"Oh saktong-sakto pala, may sakit kasi ang isang actor ikaw muna gumanap as extra" sabi nito. Agad na nanlaki ang mata ko at di makapaniwala, extra?! Kailangan ko rin umextra ng pera wala akong panahon dito!.


"Pero po kailangan ko pa mag trabaho" 


"Babayaran karin namin" sabi nito. Tiningnan ko to ng mata sa mata, malay mo diba nag bibiro? May ganiyan kaya.


"Ano pa hinihintay natin? Gora!" Masayang tugon ko ng masigurado kong seryoso ito.


"So eto ang gagawin mo, mag aaway sila at kunware nakita mo. Ipag-tatanggol mo si Carla kay Leuthian, tapos papanindigan mo yung sinabi mo tulad ng ginawa mo kanina. Ayos?"


Oh my ghas, sure boss no probs.


"Aba, magaling ata ako diyan" proud na sabi ko sa sarili ko at hinawi ang buhok ko. 


"OKAY SO GUYS LET'S START!"


1....





2.....




3...




"ACTION!"


"Leuthian pakiusap, h'wag namang ganito"



"Ikinama lang kita, wala akong balak na seryosohin ka"


"Leuthian! Anong gusto mo gawin sa bata?! Ipalaglag?!"


Malapit na akong umeksena, malapit na.


"ABA'Y KUNG YAN SAGOT IPALAGLAG MO!"


At yun nanga pumasok ako sa scene.


"Hoy sobra kana ah! Wag mo naman ganyanin si ate nag mamakaawa nanga sayo!" Sigaw ko dito.


"EDI MAGSAMA KAYO!" Sagot niya habang dinuduro ako.


"Kailangan ba talagang ganiyanin mo siya dahil lang sa ikinama mo lang? Buntis siya, di kaba naawa sa magiging anak niyo?" 


Hindi na ito sumagot at umakto nalang na aalis.



"OKAY CUT! PERFECT!" Masayang sambit ng direktor at naglalakad palapit sakanila.


"Anong pangalan mo miss?" Sabay baling ng manager nito sakin. Ngayon ko lang napansin na parang familiar etong lalake sa paningin ko. 


"Teka, ikaw ba si—-OMG MARCKO LUIS!" 


Tumingin lang ito saakin at tinaasan ako ng kilay, anak ng...ang suplado!.


"Miss, ano pangalan mo?" Ulit ng manager nito. Binalingan ko to ng tingin at ningitian, medyo nahiya ako kasi di ko nasagot kanina. 


"Zelene Dinabilin po kasi di na binalikan" sagot ko ng nakangiti dito, dahan-dahan kong nasaksihan na napahawak to sa sentido niya at hinilot. Hala, wala namang masama sa sinabi ko kasi Dinabilin naman talaga surname ko ah. Gusto ba nito binyagan ako ng ibang surname?.


"Hala mr este sir, totoo po. Dinabilin po talaga apilyedo ko" kumbinsi ko dito sabay halungkay ng bag at pakita ng ID ko. Tinanguan nalang ako nito winagayway palayo yung ID ko. Aba'y, maganda ako dito tapos iwawagayway mo lang palayo? Seryoso sir, may problema kaba sa kagandahan ko?.


"Kukunin ko nalang number mo, magaling kang umakto. Tatawagan kita pag kailangan" sabi nito habang inaabot cp saakin na pagtatypan ko ng number ko.


"Sige sir hihintayin ko" masayang sagot ko kasi naman, baka maging actress pa ako ng wala sa oras dahil dito. Salamat talaga dahil sumulpot ako bigla, pero nakakahiya parin dahil wala akong kaide-idea na nag tataping pala sila.


"Sige boss mauna na ako" nakangiting sambit ko dito at naglakad na, ayos ah? Ang galing ko talaga unakto! Aba'y best in actress ata to nung elementary at highschool. Ngayong college nasa Drama club ako dahil natutuwa talaga ako umakto.


"Ale, bayad po" 


Agad ay natigilan ako nung narinig ko yung  boses ng bata na nagbabayad sa tindera..sandali nga lang. bat parang may nakalimutan ako?

——

THIS STORY WILL BE RELEASE HERE FIRST BEFORE ON WATTPAD TO AVOID REPORT. PLEASE DO NOT STEAL THIS WITHOUT MY PERMISSION.

wp: @GamboaLikeUs
©️All Right Reserves 2020

-1
$ 0.00
Avatar for GamboaLikeUs04
4 years ago

Comments