PAG - ASA
Ang mundong binabalot ng sakit
May pag – asa pa bang makakamit ?
Pag – asa, pag - asa para sa isang pamilyang naghihikahos
Walang trabaho, walang kita, walang pagpipilian kundi ang magtiis
Magtiis sa gutom at hirap ng buhay sa krisis na ito
May pag – asa paba, may pag – asa pa bang sila’y muling makakain ng wasto
Pag – asa, pag – asa para sa mga positibong pasyente
Mga pasyenteng nag iisa sa apat na sulok ng kwarto, walang kausap na parang preso
Mga pasyenteng umaasang sila’y gumaling at makabalik sa kanilang pamilya
May pag – asa pa ba, may pag asa pa bang sila’y makaligtas sa sakit na ito
Pag – asa, pag - asa para sa mga doktor, pulis o sundalo mga taong nagpoprotekta sa atin
Mga taong nagtiis, nagtiis na hindi mahagkan ang sarili nilang pamilya
Mga taong takot, takot na mahawahan ng sakit ang kanilang anak, asawa, ama o ina
May pag – asa pa ba, may pag – asa pa bang pamilya nila’y muling mahagkan
Patagal ng patagal, mga namamatay at positibo’y padami ng padami
Ilang oras, araw, linggo o buwan pa ba ang ating bibilangin
Nasaan na, nasaan na ang lunas na ating hinihiling
May pag – asa paba, may pag – asa pa bang positibo’y mabawasan
May pag – asa pa, may pag - asa pang muling makakain ng wasto
May pag – asa pa, may pag – asa pang lahat ay makaligtas
May pag – asa pa, may pag – asa pang pamilya’y muling mahagkan
May pag – asa pa, may pag – asa pang postibo’y mabawasan
Oo, Oo may pag – asa pa dahil sa Dyos laging may pag – asa
Tayo’y matutong sumunod at magdasal
Upang pag – asang hinihiling, ay ating makamtan
May pag – asa pa para sa lahat, Oo, may pag – asa pa
May
Pag – asa pa
Matatapos din lahat ng ito. Tiwala lang at makakaya ng lahat🙏🙏