Virus

3 13
Avatar for Gabbbyyy08
4 years ago

PAG - ASA

Ang mundong binabalot ng sakit

May pag – asa pa bang makakamit ?

Pag – asa, pag - asa para sa isang pamilyang naghihikahos

Walang trabaho, walang kita, walang pagpipilian kundi ang magtiis

Magtiis sa gutom at hirap ng buhay sa krisis na ito

May pag – asa paba, may pag – asa pa bang sila’y muling makakain ng wasto

Pag – asa, pag – asa para sa mga positibong pasyente

Mga pasyenteng nag iisa sa apat na sulok ng kwarto, walang kausap na parang preso

Mga pasyenteng umaasang sila’y gumaling at makabalik sa kanilang pamilya

May pag – asa pa ba, may pag asa pa bang sila’y makaligtas sa sakit na ito

Pag – asa, pag - asa para sa mga doktor, pulis o sundalo mga taong nagpoprotekta sa atin

Mga taong nagtiis, nagtiis na hindi mahagkan ang sarili nilang pamilya

Mga taong takot, takot na mahawahan ng sakit ang kanilang anak, asawa, ama o ina

May pag – asa pa ba, may pag – asa pa bang pamilya nila’y muling mahagkan

Patagal ng patagal, mga namamatay at positibo’y padami ng padami

Ilang oras, araw, linggo o buwan pa ba ang ating bibilangin

Nasaan na, nasaan na ang lunas na ating hinihiling

May pag – asa paba, may pag – asa pa bang positibo’y mabawasan

May pag – asa pa, may pag - asa pang muling makakain ng wasto

May pag – asa pa, may pag – asa pang lahat ay makaligtas

May pag – asa pa, may pag – asa pang pamilya’y muling mahagkan

May pag – asa pa, may pag – asa pang postibo’y mabawasan

Oo, Oo may pag – asa pa dahil sa Dyos laging may pag – asa

Tayo’y matutong sumunod at magdasal

Upang pag – asang hinihiling, ay ating makamtan

May pag – asa pa para sa lahat, Oo, may pag – asa pa

May

Pag – asa pa

4
$ 0.00

Comments

Matatapos din lahat ng ito. Tiwala lang at makakaya ng lahat🙏🙏

$ 0.00
4 years ago

tayo ay mag tiwala lang sa poong may kapal. samahan ng dasal at disiplina sa sarili upang ito ay tuluyang lumayo na.

$ 0.00
4 years ago

Oo kaibigan, hanggat may buhay Tayo may pag asa. Wag na wag ka mawawalan nun, kase Yun na Lang Ang Laban mo para mabuhay. Ang umasa pa na may pag asa!

$ 0.00
4 years ago