Ulit ulit

0 4

"Maskara"

Dati buhay ay Kay sarap,

Ngunit ngayon puno na ng paghihirap.

Paghihirap na kung saan ikaw ang dahilan.

Ang dami mo ng kinitil na buhay,

Kinitil ng walang ka laban-laban.

Hindi kapa ba pagod ?

Kasi kami pagod na pagod na.

Pagod kakaisip kung papano lumaban.

Lumaban na kung saan d namin malaman

Kung sino ang tunay naming kalaban. +

Pagod na kaming mag tago,

Mag tago sa loob ng bahay.

Na kung Saan yung iba,

Sumisiklab ang mga sikmura sa gutom

Pagod sa kakaisip anong kakainin sa mga sumusunod na araw,

Pagod na sa kakaisip pano ka malulutasan,

Kung saan kami kukuha ng gamot,

Gamot na susugpo at pagpapatigil sayo.

Pati pangulo sinisisi na ng mga mamamayan

Hindi nila alam, kawani ng gobyerno nagtutulungan

Upang problema'y masulosyonan.

Hindi kapa ba kontento?

Lahat ng Tao nagtatago sa takot,

Sa takot na kung saan baka sa susunod na araw

Sila na naman ang maging biktima mo.

Hanggang kailan ka maghahasik ng lagim?

Hanggang sa lahat ng Tao magka gulo?

Lahat ng Tao magpapatayan !

Magpapatayan sa di malaman na dahilan.

Pero salamat pa rin kasi nang dahil sayo,

Natuto kaming lumaban

Lumaban para sa bayan at mamamayan.

Binigyan mo kami ng lakas ng loob

Na wag basta-basta sumuko.

Nang dahil sayo,

Maraming Taong nagbalik loob sa Diyos

At mas tumatag ang pananalig sa poong maykapal.

kaya ito lang masasabi ko sayo VIRUS KA LANG MAY DIYOS KAMI

1
$ 0.00

Comments