ECQ
bawal ang hawak
hindi maka tagay ng alak
bawal ang yakap
bawal ang halik
paano tayo makakabalik
magingat ka sa mga taong lumalapit
pigilan ang pananabik sa mga pagkaing kasabik sabik
alamin muna kung saan sila napadpad
kung saang dako sila lumipad
sa ngayon manatili sa tahanan kasama ang pamilya
ang sabi ng mga nakakataas
"ginagawa namin ito upang kayo ay maprotektahan"
nagmistulang preso ang mga taong walang kasalanan
nag mistulang impyernyo ang ating tahanan sa pag ka init ng ating lugar
Pa ano makakapag bayad ng utang kung walang ayuda
ang tanging paraan ay ang lumayo
ngayon alam ko na kung bakit sinasabi nila kung baki bawal lumabas
simple lang
para makaiwas sa sakit.
Pagapulangan, John Phol Josua
" Silang magagaling "
Ngayong quarantine ay nararanasan natin ang maging masunurin, sa kabila ng panahong nakaka itim ay kailangan pa ding manatili sa sariling lilim.
Hindi para tayo'y umasa sa kanila, kundi dahil sila'y umaasa sa atin. Umaasa na tayo'y di muna lilisan, dahil sabi naman nila ito'y saglit na lamang. Ngunit bakit tila ang iba'y nakakalat sa labas? Ni wala nga ho kaming nakuhang bigas, pati ang sardinas ay pinag lilimas. Ang ayudang para sa lahat, ginawang pang laman tiyan na lamang. Yan ang nakakapag taka, bakit ganito pa din kahit tayo'y nasa pandemya. Ibang taong madadaya ang namamahala, taong walang wala naman ang nagiging kawawa. Kaya sana sa paglipas nito, tayong mga tao ay matuto, alamin kung sino ang mga dapat iboto. Nawa'y nako po wag ng mag pa-uto. Dahil minsan sarili nating lahi ang mismong kalaban.
Tamang Tama ka Jan Fren, napakadaming ngang ganyan ngayon. Minsan mapapaisip ka na Lang e, Tao ba sila o Hayop? Kase parang d nakakaintindi, db? Pansin mo ba Yun? Matatalino na Bobo!