Pandemic

0 12
Avatar for Gabbbyyy08
3 years ago

"DIVERSION"

Pst!! Saan ka pupunta?

Hindi ba bawal muna ang lumabas?

Nabuburyo ka na? Gusto mo ng gumala?

Huwag kang mag-alala, hindi ka nag-iisa.

Manatili muna sa inyong mga tahanan

Kung ayaw mong bukas ika'y paglamayan

Kaya tiis-tiis lang muna, sumunod sa mga patakaran

Para ang mundo, bukas, ay iyong masilayan.

Nag-iisip ng gagawin para di mainip?

Hala! Sige, linisin ang iyong tahanan

Suyurin bawat kasuluk-sulukan

Baka mamaya may naitago ka pa lang yaman.

Pati bubungan iyo ng walisan

Mga tanim sa bakuran, iyo na ding dagdagan

Para kahit matagalan ang relief ni kapitan

May panlaman ka pa rin sa iyong tiyan.

Naubusan na ng gawain?

Tara't maghatid naman ng kasiyahan

Mga nauusong libangan sa social media

Tiktok, dubsmash atin ng subukan

Sa ganitong panahon, kanya-kanya tayo ng trip

Kanya-kanyang pakulo, kanya-kanyang gimik

Kanya-kanya ng paraan para libangin ang sarili

At di maisip na may kinakaharap na pandemic.

1
$ 0.00

Comments

mghanap ng pwd pgkaab alahan like pagssulat ng article mglaro ng games at cgurado ginagawa mo na hahaha

$ 0.00
3 years ago

Onk was awesome but the best way tnx would more 6 AM would more than ever 6 AM it awesome for details about how much for details about how muchmoney and like dao plz have been in pabna and have

$ 0.00
3 years ago