Nurse

2 9

Pagpupugay

Saludo kami , sa walang sawang pagod niyo

Sakripisyo para sa bayan

Sa araw araw na pag bangon

Delikado man ang mundo na sinabak niyo

Hinaharap pa rin ang tungkulin

Upang makapag bigay ng serbisyo

sa ibang tao

Sinu-sino nga ba itong mga taong nag

lingkod para sa atin ?

Sundalo, pulis, doctor at Nurses

Na walang sawang alagaan

at pag lingkuran tayo

Sa iba pang tao na may kakayahan

Na tumulong maibsan ang gutom ng bayan

Sila ang mga taong laging abala

Para sa kaligtasan ng iba

Bawat pawis, kapalit ay maraming buhay

Bawat pagod, ay tinitiis

Sa bawat pananabik na makauwi

Sa tahanan ay dala ang ngiti

Ou. Silang lahat

Sila ang mga taong magigiting

Sa modernong panahon ngayon

Bayani kung maituturing natin

Hindi sapat ang salitang salamat

Sa serbisyo, na kahit kailan man

hindi binitawan

Buhay man ay mapahamak

Kaligtasan naman ang kapalit

Bilang pagpupugay

Sa tungkuling hindi sinukuan

Ang tanging hiling ko lamang

Dasal ang lunas

Sa laban na tinatahak

Ama, alam namin ikaw ang kasagutan

Gamit ang talento ng mga hinirang na bayani

Binigyan mo sila ng lakas na nag

silbing sandata

Upang mailigtas ang lahat

Sa pag subok na hinaharap.

1
$ 0.00

Comments

Saludo ko sa mga nurse dahil sila din matatawag na bayani ngaun walang tkot na humaharap upang matulungan ang pasyente natamaan ng sakit na covid.

$ 0.00
4 years ago

Oo nga e, hanga nga ako sa kanila sa tibay at determinasyon nila sa tungkuling sinumpaan, Wala silang pakialam Kung magawa sila o mahiwalay sa pamilya. Bilib talaga ako sa mga nurse at iba pang frontliners.

$ 0.00
4 years ago