Hindi na bago, ang magkagulo
Dito, ngunit paano mananalo
Kung ang kalaba'y walang anino
Animo'y, kumunoy kung kumitil ay libo.
Sigurado, na ang lahat ay hirap at dismayado
Sa kung paano, ang kaligtasan ay hindi garantisado.
Totoo, na perwisyo ang sakit na ito
Apektado, hindi lang ikaw, kun'di lahat tayo.
At oo, limatado ang bawat galaw mo
Maging positibo, ngunit hindi sa sakit na ito.
Ang manatili sa bahay, ay hindi kabawasan sayo.
Diba't sabi nyo'y CORONA lang 'to at PILIPINO tayo.
Ngunit bakit kung kailan ganito
Tsaka kayo umastang parang mas matigas pa sa semento.
Sa gobyerno, puro duro mga memang kuro kuro.
Kung patigasan ang laban, aba'y, hindi ka mananalo.
Gusto kong isipin din ninyo
Na hindi lang kayo ang nagsa sakripisyo
Na kung tutuusin, ay wala namang may gusto.
Paano pa, ang mga bayani natin na ngayon ay pilit nakatayo.
Sinusugpo, at tumutulong para sa kapakanan ng bawat pilipino.
Buong puso, na tinutupad ang tungkulin na magsilbi sa bayan na ito.
Ang mamatay, habang pilit na sinasalba ang buhay ng kung sino.
Kung hirap kayo, mas hirap sila na saluhin ang hirap sa bayan na ito.