"KRISIS"
Mga bansang pilit bumabangon,
lumalaban, at ang tanging hiling ay
ang mapagtagumpayan ang nararanasang unos
At ang nagsisilbing inspirasyon
upang ang pananalig ay di maupos.
Ang bayanihan ay hindi mamatay
tahimik ang paligid ngunit ang pagtutulungan ay buhay
Ang mga kamay ay bukas upang tumulong
manalig lamang tayo sa kanya at tayo ay muling susulong
Krisis na nagpamulat sa bawat isa
na ang bawat segundo sa buhay ay mahalaga
Ating mga mahal sa buhay ay pahalagahan
pati na rin ang ating kalikasan
Modernong mga bayani
na sa ulan ng problema ay patuloy na nagsisilbi
Frontliners na hindi inaalintana ang puyat, hirap at pagod
nararapat na magpasalamat tayo sa kanila ng lugod
Mga lider na umaksyon at humanap ng konkretong solusyon
upang tulungan ang mga mamayang umahon
Tila tayo'y nakagapos sa tanikala, wari mo'y laging kinakapos sa oras
ngayo'y nagkaroon ng pagkakataong mayakap ang pamilya at makalaya sa posas
Ang ingay ng pagtutulungan ay naghahari sa ating paligid
nagpapakita na sa mundong ito tayong lahat ay magkakapatid
Huwag sumuko, dahil sama-sama
tulong-tulong malalapagsan natin ito
Ang krisis na ito ay matatapos
ngunit ang pagiging bayani ng bawat isa
ay habang buhay sa ating hahaplos
Saludo sa mga taong handang magkusa
Na kahit sa panahon ng pagluluksa at dusa ay mayroong PAG-ASA
Ang ganda naman ng sinabi sa article. Lahat naman tayo dumadanas ng bagyo o kalamidad sa bansa dahil nasa tropical tayo na dinadaanan ng bagyo kada taon. Marami nang bagyo at sakuna na dumating sa bansa pero pilit pa din tayong bumabangon.