Kalamidad

0 21

"KRISIS"

Mga bansang pilit bumabangon,

lumalaban, at ang tanging hiling ay

ang mapagtagumpayan ang nararanasang unos

At ang nagsisilbing inspirasyon

upang ang pananalig ay di maupos.

Ang bayanihan ay hindi mamatay

tahimik ang paligid ngunit ang pagtutulungan ay buhay

Ang mga kamay ay bukas upang tumulong

manalig lamang tayo sa kanya at tayo ay muling susulong

Krisis na nagpamulat sa bawat isa

na ang bawat segundo sa buhay ay mahalaga

Ating mga mahal sa buhay ay pahalagahan

pati na rin ang ating kalikasan

Modernong mga bayani

na sa ulan ng problema ay patuloy na nagsisilbi

Frontliners na hindi inaalintana ang puyat, hirap at pagod

nararapat na magpasalamat tayo sa kanila ng lugod

Mga lider na umaksyon at humanap ng konkretong solusyon

upang tulungan ang mga mamayang umahon

Tila tayo'y nakagapos sa tanikala, wari mo'y laging kinakapos sa oras

ngayo'y nagkaroon ng pagkakataong mayakap ang pamilya at makalaya sa posas

Ang ingay ng pagtutulungan ay naghahari sa ating paligid

nagpapakita na sa mundong ito tayong lahat ay magkakapatid

Huwag sumuko, dahil sama-sama

tulong-tulong malalapagsan natin ito

Ang krisis na ito ay matatapos

ngunit ang pagiging bayani ng bawat isa

ay habang buhay sa ating hahaplos

Saludo sa mga taong handang magkusa

Na kahit sa panahon ng pagluluksa at dusa ay mayroong PAG-ASA

1
$ 0.00

Comments

Ang ganda naman ng sinabi sa article. Lahat naman tayo dumadanas ng bagyo o kalamidad sa bansa dahil nasa tropical tayo na dinadaanan ng bagyo kada taon. Marami nang bagyo at sakuna na dumating sa bansa pero pilit pa din tayong bumabangon.

$ 0.00
4 years ago

Matatag at matulungin ang mga pilipino anu pa man ang sakuna dumating makakaya nating bumangon at magsimula.basta manalangin lng tyo malalampasan ntin yn.

$ 0.00
4 years ago

isang magandang mensahe ang iyong ginawa para sa ating lahat..

$ 0.00
4 years ago

Ang kata mo fren, hehehe, pero Ang ganda hah! Haba pa. Sana madagdagan Naman Ang nag vi view at nag co comment sa articles ko. Para kaseng d na papansin Yung sa akin😊

$ 0.00
4 years ago

Na subscribe na kita ako naman po subscribe mo na like at view ko na rin ang iyong articles

$ 0.00
4 years ago

Boss pa subscribe po....ang haba ng articles mo hindi ko lahat nababasa pero ang gandang mensahe nito....... pansinin nyo naman po aking articles

$ 0.00
4 years ago