Hirap

0 10

Urian Danilo Jr.I F. Urian

DDGT 3A G1

"FaceMask"

Isang maliit na tela pero malaki ang halaga

Dahil sayo'y buhay ng lahat ay maaring maisalba

Milyong tao na ikaw ang pumoprotekta

Kaya naman may mga taong nais sayo'y magsamantala presyo mong mura ay halos doblehin nila.

Pero ang tanong hanggang kailan ka namin makakasama? ito ba'y mawawala pa o panghabang buhay na ?

Makakaranas pa ba kami huminga ng wala ka ?

Ohh!! baka nman sa mukha namin ay maging permanente ka?

Alam namin ngayon ikaw ang bida

Bukod sa doctor,nurse,ordinaryong tao ay hanap ka

Maging makikisig na sundalo ay suot ka

nakakatawa diba? dahil pati matatamis na ngiti ay halos takpan mo na !

Sa sobrang halaga mo nga ay gusto na kitang itapon !

Gusto ko ng lumabas ng hindi kita baon !!

Kaya sana ngayong may pandemic sa ating bansa tayo'y magkaisa,kapwa natin ay ating isalba.

Pagdarasal ang ating maging sandalan

Upang puso't isipan natin ay magkaroon ng kapayapaan

Lagi tayong maging positibo sa lahat ng bagay pero h'wag maging positibo virus na satin ay maaaring pumatay

Dahil bukas may isang umaga sa atin ang nag-aantay

Mga naikubling ngiti natin ay maaari na muling ipamigay .

Magiging Covid free na ang buong mundo at yun ang ating pinakahihintay !

Kaya salamat sa iyo dahil panahon ng pandemic ikaw ang aming naging sandata ,

Pero sana dumating na yung panahon na sa tanging mga propesyonal at sa ibang tao ka nalang may halaga !.

1
$ 0.00

Comments

Sadyang kailangan natin ng facemask lalo ngayong pandemya sadyang yan lang maasahan natin pati ang mga alcohol o mga bagay na makakapag protect sayo sa virus

$ 0.00
3 years ago

Kaya nga, pati banaman facemask pinagkakaperahan alam ng kailangang kailangan yan sa panahon ngayon.

$ 0.00
3 years ago