FrontLiner
Pagsuko, pagsuko ang salitang hindi nila pinanghahawakan,
Pinanghahawakan sa pang araw araw ay ang salitang laban,
Lumalaban, kahit na hindi nakikita ang kalaban.
Isa , dalawa , tatlo, bawat oras , minuto, araw na dumaraan,
Dumaraan, na ang sandata'y hindi alam,
Sandatang itinuturing ay ang pananalig at pagdarasal sa ating ama,
Sa Diyos Ama na sa ati'y lumikha,
Lumikha, na may hatid na milagro't pag-asa sa sinuman
Ito ang pag subok na hindi dapat sukuan
Pagsubok na kaya lagpasan,
Pagsubok na dapat nating talunin,
Pagsubok na kailangan ng pagkakaisa,
Pagkakaisa na hindi lang sila, tayo rin ay kasama.
Doctor, Nurse ,Pulis , Militar , Lahat ng mga taong walang ginawa kundi unahin ang kapakanan ng iba,
Iba, na itinuturing nilang pamilya,
Pamilya sa puso't isipan nila,
Sila'y Bayani ng modernong panahon natin,
Bayaning bubuwis ang sarili para di tayo mapahamak.
Mapapaisip ka,
Ano ang ating maitutulong sa kanila,
Sa kanila,
Na nasa hukay ang isa paa,
Sumunod sa namamahala, para makatulong sa mga bayani.
BAYANING FRONTLINERS...
Bawat sakripisyo ay punan ng saya, punan ng tulong ,
Ito at para din sa atin,
Sa atin na kanilang iniingatan,
Tulungan natin sila, tulungan sa pamamagitan ng dasal,
Tulungang tumawag sa Ama nating mahal,
Hatid natin nawa'y pagmamahal, Para sa mga FRONTLINERS.